Chapter Twelve: May 31

1.8K 31 1
                                    

May 31, 2008

Pinagpaalam ako ni Mark dahil gagabihin kami ng uwi. Ipapakilala nya kasi ako sa mga magulang nya. Nandito daw ang daddy nya sa bansa para sunduin sya. Nang sinabi nya ‘yon kagabi,

 Natakot talaga akoSOBRA. 

Sabi ko okay lang na hindi ko makilala yung mga magulang nya pero mapilit talaga sya. Hinihintay daw ako ng mommy nya. Nagtanong din ako kung magdadala ako ng kahit ano, sabi nya 'wag na daw.

Dalawang beses na akong nagkakaboyfriend na nameet ko yung parents. Yung first boyfriend ko at si Daniel.  Bata pa ko nang magkafirst boyfriend kasi childhood sweetheart ko sya. Kay Daniel naman, kilala ko na talaga yung mga magulang nya way before kaya nung sinabi nya na girlfriend nya na ko noon, Okay sa kanila.

Pero iba na ‘to. Paano kapag hindi nila ako nagustuhan? Nakakawala ng self esteem. Asar. Ang daming 'what if's', hindi ko mapigilan. Habang namimili ako ng damit,

DEYM. Walang matinong damit..

Puro hanging blouse at fitted shirts ang damit ko. No choice. Collared and fit white top at floral palda na high waist ang sinuot ko. Dahil hindi ako nagdodoll shoes ng mga panahon na yon, at alangan namang magrubbershoes ako, kaya nagheels ako. Black three-inches closed heels. Nagmascarra ako at eyeliner ng konti, tapos blush on din.

4 pm nya daw ako susunduin. Nakatitig sya sa'kin nang lumabas ako ng bahay at puntahan sya sa gate.

“You’re beautiful. Naaalala ko tuloy nang una tayong magkita.” Sabi pa nya, pero bigla syang sumimangot.

"Ano? May problema ka?" Tanong ko. Nakakunot kasi yung noo nya.

"Malaki."

"Ano?" Nagworry ako. Tinignan ko yung suot ko. Okay naman. Fit yung top ko pero hindi naman whore type. Sinigurado ko namang okay yung itsura ko bago umalis.

 "They keep staring at you." Nang tignan ko sya, hindi sya nakatingin sa'kin. Nakatingin sya sa likod ko. Nang lumingon ako, nakita kong nakatingin yung mga tambay na nakatingin pero umiwas din.

"Kalahati nyan pinsan ko. Tignan mo," Sabi ko.

"The other half?" may mga unknown faces din kasi.

"Ano ba, wag mo nang problemahin yan."Tinulak ko na sya palabas ng compound.

Nang makarating kami sa bahay nila, inalalayan nya talaga akong lumabas ng kotse.

"Bakit ka ganyan?" Biro ko. Nakakapanibago. Hindi naman sa hindi sya gentleman kapag kasama ko, talagang may extra something na meron ngayon at ganito sya.

 "Sobrang babae ka kasi ngayon." SOBRA? Ano yon, kulang ako kahapon?

Nang malapit na kami sa pintuan nila, hinila ko sya sa braso.

"Wag na lang kaya?" Kinakabahan na kasi ako. Kinakain na ako ng kaba at takot.

"Nandito na tayo sa bahay, Jackie. Ngayon ka pa magsasabi ng ganyan?" Yumuko ako.

Pinanghihinaan na ko ng loob.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Bumalik na naman yung mga what if's na iniisip ko.

Then he held my hand and squeezed it tight. "They just want to meet you. Hindi ka nila ilalagay sa hot seat. Lalo na si Mommy. Excited pa naman sya. Tinanong nya pa ‘ko kagabi kung anong gusto mong pagkain. Nagbake sya ng macaroni. Just for you."

Heartless B*tchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon