Prologue

19.5K 460 40
                                    

What if you meet this rugged, arrogant , handsome and very seductive man?

Matatagalan mo ba ang ugali nito?

"Fuck!" mura nito habang hindi maipinta ang kanyang pagmumukha habang pinipilit na tumayo.

"Oh my God!" bulalas ko at nagmamadaling bumaba ng hagdanan ng mall. "I'm so sorry." hinging paumanhin ko at nagmamadaling lumapit dito para sana tulungan ito. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabingan ito nang mahaba nitong buhok.

Nang humarap ito sa akin ay hindi ko maiwasang magulat. Bakit ba naman kasi sa dinami-dami ng tao ay siya na naman ang nakabangga ko. And this time, ver fatal. Aalalayan ko sana itong tumayo nang pinatigil niya ako gamit ang kanyang mga kamay.

"Stop right there, Miss. Baka kung anong kamalasan na naman ang ibigay mo sa akin." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Grabe ka naman. I didn't mean all of that to happen." sa totoo lang ay pangatlong beses na namin itong pagkikita. At sa malas ay lagi ko itong nadidisgrasya. The first one is when I poured the starbucks coffee on him. Second is when I accidentally spill my fave spaghetti to his face. And now, eto. Nabangga ko siya at nahulog lang naman ito mula sa kinaroroonan ko hanggng sa dulo ng hagdan. That makes fifteen steps from where I stand.

"Just don't come near me." pakiusap nito. Nanatili na lang ako sa malapit. Baka tama ito, ayoko nang madagdagan pa ang magiging kasalanan ko sa kanya.

"But, you are hurt. Hayaan mo na gamutin muna kita." suhestiyon ko.

"I can manage." halata mo sa kanya na pinipilit nitong makatayo pero hindi nito kaya.

"You need help, Mister. I promise. I'll be careful." nangangakong sabi ko at unti-unting lumalapit dito. Tinatantiya ko kung hindi na niya ako ipagtatabuyan. "I'm a nurse and I can seek for a first aid medication." pagkukumbinsi ko sa kanya. Nakita ko namang nag-aalangan pa din ito. Hindi ko maiwasang mapanguso dahil naaawa ako sa kanya. Hindi ko naman sinasadya lahat ng nagawa ko, eh. Aksidente lang ang lahat, katulad ngayon.

"Please, let me check kung ano ang nangyari sa'yo. I'll be very careful this time. I promise." nangangakong sabi ko at itinaas ko pa ang kamay ko para mangako. Nakita ko naman ang pagbuntong hininga nito bago tumango.

"Okay. Just be careful." paalala nito na ikinatango ko at lumapit na nang bahagya dito.

"Okay, saan ang masakit?" unang tanong ko dito.

"Here," turo nito sa may paa nito at balakang. Naawa naman ako sa sinapit niya. Hinawakan ko nang dahan-dahan ang paa nito. Trying not to make him hurt, pero mahirap atang gawin 'yon. Dahik konting hawak lang ay nagmumura na ito.

"Fuck! Dahan-dahan naman!" sigaw nito na ikinangiwi ko.

"Hinawakan ko lang ito to check where it hurts. In your case, kailangan mong madala sa hospital." payo ko dito na ikinainis niya.

"Tsk! Kung sana hindi mo ako binangga. Hindi ako mahuhulog diyan sa napakataas na hagdan. May balat ka ba sa puwet?" tanong nito na ikinainis ko din.

"Ano namang konek ng balat sa pagkahulog mo diyan? Saka hindi ko naman sinasadya, eh." umirap ako dito dahil umusbong ang konting inis sa loob ko.

"Anong tawag mo sa mga kamalasang pinagdaanan ko nang dahil sa'yo?" sarkastiko nitong tanong.

"Halika na nga at dadalhin na kita sa hospital. Ang dami mong knows!" inirapan ko ulit ito at dahan-dahang inalalayan dahil masakit ang katawan at paa nito. "May sasakyan ka ba?" nakita kong umiling siya kaya inalalayan ko nalang ito hanggang sa makarating kami sa parking area.

Inalalayan ko siyang pumasok sa sasakyan ko. Nararamdaman kong nasasaktan ito dahil kada lakad nito ay humihigpit ang kapit nito sa kamay ko. Hindi lang nito masyadong pinapahalata. Nakikita ko din ang pag-ngiwi ng mukha niya habang naglalakad. And it all my fault again.

Nang maayos ko na siyang naisakay ay umikot na ako sa driver seat. Bago ko pa man paandarin ang sasakyan ay ikinabit ko muna ang seatbelt nito.

"I'm really sorry kung nangyari ito sa'yo. Hindi ko talaga sinasadya." taos pusong hingi ko nang tawad sa kanya. Nang hindi ito umimik ay pinaandar ko na ang sasakyan ko papuntang hospital.

Nang makarating kami ay ako mismo ang gumamot sa kanya. Hinintay ko na lang na tignan siya ni Doc Francis at resetahan. Nang maicast namin ang paa niya ay tahimik lang ito. Buong period ng paggagamot sa kanya ay tahimik lang ito at wala kang maririnig kahit isang salita. Nang sabihin ni Doc na pwede na itong makalabas at  hindi muna ito puwedeng maggagalaw-galaw ay tumango lamang ito.

"Wait here. I'll just settle your bills." paalam ko dito. Napatingin ako nang pigilan nito ang kamay ko.

"Here." may inaabot itong pera sa akin. Imbes na kunin ko ay itinukak ko ito pabalik sa kanya.

"It's on me. It's my fault kung bakit ka nakaratay at hindi makalakad for  weeks. Just let me, para mabawasan ang guilt na nararamdaman ko." untag ko dito. Dahil sa totoo lang ay naguiguilty ako dahil ngayon lang ako nakadisgrasya ng sobra. Kahit hindi ko pa man ito sinasadya.

Nang maayos ko na ang bill niya ay pinilit ko itong sumakay sa wheel chair. Doon kami nagtagal dahil nakipagtalo pa siya sa akin bago ito napilit na sumakay.

Lulan na kami ngayon ng sasakyan ko. Ihahatid ko siya ngayon sa bahay nito. Nang makarating kami sa kanila ay agad akong bumaba at alalayan ito. Nilibot ng mata ko ang paligid dahil napakadaming taong nakatingin sa amin. Nang ituro nito sa akin ang daan patungo sa bahay nito ay nag-umpisa na akong maglakad habang inaalalayan ko ito.

Maraming bahay ang nakapaligid sa isang medyo may kalumaan ng gusali. Nang sa lumang gusali kami tumungo ay napatingin ako dito. Wala pa din itong imik habang nakaalalay ako sa kanya.

Nang tuluyan kaming makapasok sa pinto ng apartment nito ay hindi ko maiwasang mapakunot ang aking noo. Is this even a home to live with. Pinaupo ko siya sa sofa para makapagpahinga ang paa nito.

"Asan ang kasama mo?" tanong ko.

"Wala." maikling sagot nito na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"What? Paano ka na niyan?" humarap ako dito.

Nagkibit-balikat lang ito bago itinaas ang paa sa maliit na mesa sa kanyang harap. Maayos naman ang tirahan nito. May mahabang sofa then may sarili din itong kusina, banyo at isang kuwarto.

"Aalis na ako. I'll be back later to check on you. May aasikasuhin lang ako." paalam ko dito.

"Don't come back. Kaya ko ang sarili ko. Bayad ka na nang bayaran mo ang ginastos ko sa hospital." walang emosyong sambit nito.

Walang lingon-likod akong naglakad papuntang pinto. Bago ko pa man isara ang pinto ay tumingin uli ako sa nakatagilid nitong katawan at nagsalita.

"Whether you like it or not. I will be here to take care of you until you're fully recovered. No buts! I'll be back later. Bye." paalam ko at hindi na ito hinintay pang magsalita.

Paano kung dito mag umpisa ang pag-iibigan nila?

Kakayanin ba nitong tanggapin ang matuklasan nito tungkol sa pagkatao ng lalake?

Ating abangan ang pag iibigang Aiden at Pamela.

My Destined Love [FOUR SISTERS SERIES II]Onde histórias criam vida. Descubra agora