Chapter 58 💖 Zereff 💖 Frightened

223 9 3
                                    

"Sige na Baby, 'wag ka na munang pumasok... Kanina ka pa ubo ng ubo eh. May sinat ka pa." Nag-aalalang pakiusap ko sa nobya. Nasa bukana na kami ng pintuan at kanina pa nagdidiskusyon tungkol sa pagpasok nito.

"Kaya ko naman Baby. Ubo't sipon lang ito. Tsaka hindi talaga ako puwedeng mag-absent, may exam kami ngayon. Uuwi na lang ako agad kapag hindi ko na kaya. Okay?" Malambing na ani nito na yumapos sa akin.

"Pero baka mapaano ka naman niyan. Ayaw mo naman uminom ng gamot." Nababahala pa ring wika ko.

"Alam mo namang ayokong umiinom ng mga gamot eh. 'Wag ka ng paranoid Baby. Colds lang ito. Tag-ulan na kasi. Sige na mahuhuli na talaga ako." Sagot nitong tiningala ako at hinagkan.

Napapabuntong-hininga na lamang akong sumuko na sa pakikiusap dito dahil hindi naman ako mananalo dito.

"Makakampante lang ako kung babaunin mo itong gamot. At tawagan mo ako kaagad kapag lunchbreak mo na ah?" Tanging ani ko na lamang dito na gumanti ng yakap.

"Hay sige na nga. Opo. Stop worrying na... Maaga kang tatanda niyan kaka-worry mo. Ayan oh, may mga fine lines ka na. Wika nito na napaubo pa nang tumawa sa sariling biro

"Ewan ko sayo. Korni mo. Sige na. Magpayong ka ha. Iyong jacket mo suotin mo na huwag mo lang isabit diyan sa braso mo." Panghuling bilin ko dito. Napailing at napapalatak na lamang itong tumalima at lumisan na nang masuot ang jacket.

Sa 'di kalinawan kong paningin, natanaw ko ang paglingon nito sa akin at pagbigay ng flying kiss. Naglaho ang pangamba ko sa kakulitan ng nobya.

Tuluyan kong nakalimutan ang pangamba sa pagbabasa ng librong nakalimbag sa paraang braille. Iyon ang nagsisilbing libangan ko at pampalipas oras maghapon.

Nang sumapit ang hapon, matiyaga kong inabangan sa gate ang nobya. Tumila na ang ulan ngunit malamig pa rin.

Ilang minuto lang ay dumating na nga ang kasintahan. Wala na itong sinat at masiglang masigla dahil sa natanggap na mataas na score sa exam. Masaya naming pinagsaluhan ang niluto ni Manang Lisa na chicken soup at pritong isda.

Subalit nang magkalagitnaan na ng gabi, bumangon ang aking kaba nang magising ako sa pakiramdam na tila may kung anong napakainit sa tabi ko. Napabalikwas ako nang bangon nang mapagtantong ang nobya pala iyon.

"Baby?!" Bulalas ko na hindi malaman ang gagawin. Tanging ungol lamang ang natanggap kong tugon dito. Inabot ko ang lampshade at binuksan sa pag-asang maaninag ang kalagayan nito ngunit kadiliman pa rin ang nakikita ko.

Tumindig lahat ang balahibo ko nang makapang matindi ang pagngatog ng katawan nito at halos dinig ko na ang pagkaltok ng mga ngipin nito.

Ilang saglit akong tila natulos. Tila may sariling buhay ang mga binti na umatras habang napapasabunot sa sariling ulo sa pagsimula ng pagbalot ng pagkabalisa at pangamba sa akin.

Nagsimulang manikip ang aking dibdib at halos wala na akong hanging maihinga. Alam kong nagsisimula na naman akong atakihin ng anxiety ko. Ganito ang mga sintomas kapag nagkaka-breakdowns ako.

Ngunit lumaban ang matinong parte ko nang maisip na kailangan kong ayusin ang sarili ko para sa kasintahan. Buong lakas kong sinuntok ang sariling dibdib nang ilang beses upang makasinghap ng hangin at pinagsasampal ang sarili upang magbalik sa wisyo.

Ilang saglit lang ay bahagya akong kumalma. Tinayo ko ang aircon at pinatay iyon sabay tungo sa teleponong nasa sala upang tumawag ng tulong.

Nasa speed dial ko noon si Morriz ngunit matapos naming makauwi mula sa ospital ay napalitan iyon ng numero ng mga Doctor ko. Iyon ay para mabilis na matawagan ang mga Docto kapag nagkaka breakdown ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now