Chapter 53 💖 Karina 💖 Changes

142 6 4
                                    

Makalipas ang ilang linggo...

"Mamimili nga pala ako mamaya, ubos na kasi ang nga stocks natin. Gusto mo bang sumama?" Tanong ko dito matapos maghugas ng pinagtanghalian namin.

"Ano namang gagawin ko doon? Magiging pabigat lang ako sayo. Wala naman akong maitutulong kung hindi ko nakikita ang daan." May halong kaunting sarkasmong saad nito sa akin.

Nagpakawala ako ng hangin bilang pagpigil sa sarili na mainis. Lagi na lamang itong ganito, nagsi-self pity na hindi mo mawari. Ang sarap lang minsan suntukin nito para magising na ang utak nito at matigil na ang isip nito sa pagbubulag-bulagan.

Pero tinimpi ko na lamang muli ang sarili ko dahil hindi ko rin naman kayang gawin iyon dito. Lumapit ako dito at tinabihan ito sa pagkaka-upo sa sofa.

"That's why I'm here. I'm your eyes Z. Kahit saan ka magpunta basta kasama mo ako, para ka na ding nakakakita." Wika ko ditong hinawakan ang kamay nito at pinisil. "Aren't you lucky? Ang ganda ng mata mo. Saan ka pa makakahanap ng magsisilbing mata mo na kasing ganda ko?" Pagbibiro ko pa dito.

"Paano naman ako makakahanap ng kasing ganda mo kung hindi naman ako nakakakita na?" Muling mapait na buwelta nito.

Napapabuntong hiningang kinurot ko ang isa nitong pisngi bago nagsalita.
"Alam mo ikaw, tumigil ka na nga diyan sa kakaganyan mo. Mainis mo pa ko doon na ako matutulog sa kuwarto ni Morriz. Tena paliguan na kita para makalarga na tayo. Mamaya sobrang init na." Hila ko ditong ginigiya sa kuwarto nito. Pinipilit ko palaging ako ang magpaligo dito dahil nang minsang hayaan ko ito ay nadulas ito. Mabuti na lamang nga ay hindi tumama ang ulo nito sa sahig. Kapag pinapaliguan ko naman ito ay lagi itong naka-shorts na siyang tanging kondisyon nito sa pagpayag na asikasuhin ko.

"Ayoko ngang sumama. Dito na lang ako sa bahay. Magpapahinga ako." Pumalatak na apila nito habang pumapalag.

"Pahinga? Puro ka pagpapahinga wala ka namang pinagpapaguran kaya ano namang kailangan mong ipahinga? Dali na. Kailangan ko ding bumili ng mga toiletries natin. Wala na tayong magamit." Hila ko lang dito. Ang pinaka kinapapaguran lamang nito ay ang paglakad namin sa Village tuwing umaga bilang exercise nito.

Nang makarating sa kuwarto nito ay tinulak ko ito paupo sa kama at inupuan sabay ipit ng mga binti at hita sa bewang nito upang hindi ito makapalag pa at saka akma nang huhubaran ito ng pang-itaas.

"Ano ba bunny?! Sinabi ng ayoko eh-" Hindi ko pinansin ang pagpalag nito at mabilis na tinanggal ang pang-itaas nitong damit.

"What? I'm sorry I can't hear you." Pang-aasar ko dito.

Nang matanggal ko na ang t-shirt na soot nito ay napangisi na lamang ako sa ka-iritablehan at kasukuang nakikita sa mukha nito. Ako na naman ang nagwagi. Wala naman itong magagawa kapag ginusto ko dahil ako naman ang nasusunod sa aming dalawa.

"Hala mahaba na din pala itong buhok mo Baby oh. Nahaharangan na yung kaguwapuhan mo. Daan tayong salon para ma-trim na ito. Tapos papa-pedicure na din ako kasi ang sakit na ng ingrown ko. Ikaw Baby? Gusto mo rin bang magpa-pedicure?" ani ko dito habang hinahawi hawi ang mga buhok nito.

Wala akong nadinig na sagot mula dito kaya sinipat ko ang mukha nito. Bakas ang kalituhan at kung anong emosyon sa mukha nito ng masipat ko na ito.

Tila doon ko lamang napansin kung anong itsura naming dalawa. Nakaupo ito sa kama habang ako naman ay nakakandong dito at nakakapit ang mga binti at hita ko sa bewang nito. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa balikat nito habang ang isa naman ay nasa ulunan nito.

May mga lambingan moments naman na kami o mas tamang sabihin na lambing moments ko dito sa mga nakalipas na ilang mga linggo, ngunit iba talaga itong nangyayari ngayon.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now