Chapter 8 💖Karina💖 Pierced

175 7 0
                                    


Nanghihina at nahihilo ako pero nadama ko ang paglapag ng katawan ko sa 'di masyado kalambutang higaan at pagsuri ng isang kamay sa katawan ko. Para bang napakadaming masakit sa katawan ko. Nasinghap ko ang halo halong amoy ng gamot sa paligid. Pinilit ko magmulat ng mata sa mga boses nadidinig kong nag-uusap. Puting ceiling at pader, amoy ng gamot, ospital. Nasa ospital kami.

"She has to be admitted. Nurse, pakisaksakan na siya ng IV please. Pakikuhanan din siya ng dugo at platelet counts." Naringgan kong wika ng isang tinig. Pinilit kong ibaling ang paningin kung saan nanggaling ang tinig at nakita kong ang Doctor na tumitingin sakin ang nagmamay-ari niyon, katabi nito ang Mommy ko na puno ng paga-alala ang mukha.

"H-Ha? B-Bakit po kailangang i-admit? Ano bang sakit ng baby ko?" Nababahalang tanong ni Mommy.

"My initial finding is... dengue, may nakikita akong mga rashes sa katawan niya. Nilalagnat, nanghihina, nagsusuka at walang ganang kumain ba ang pasyente?" Tanong ng doctor dito.

"H-Ha? Dengue? O-Opo. Nung friday pa po nga po. Akala ko trangkaso lang kasi masakit daw ang katawan niya at may ubo't sipon-" ani ng Mommy niya na agad pinutol ng Doctor.

"Misis, kahit po ang trangkaso ay hindi dapat pinagwawalang bahala, it is actually lethal as other diseases. Basta po nilalagnat ng mataas kahit 1 day pa lang kailangan niyo na po iyon ipa-check up agad. Hintayin muna natin ang result ng cbc at platelet niya. But I am somehow sure na dengue talaga 'to. Umuwi po muna ang isa sa inyo para makakuha ng gamit na kailangan niyo." Ani ng Doctor. Lumipat ito sa ibang kama para asikasuhin ang iba pang pasyente. Parang natulos ng ilang saglit ang Mommy ko. Pinoproseso ang sinabi ng katabi.

"'My..." Hirap na magsalita na wika ko para matawag ang pansin nito.

"B-Baby... Okey na. Andito na tayo sa ospital. Gagaling ka na. Ang kulit mo naman kasing bata ka, nung nakaraang araw pa kita ipapacheckup sana tanggi ka ng tanggi..." Ani nitong bakas ang labis na paga-alala. May hinanap ito sa maliit na bag na bitbit nito mula ng umalis kami kanina.
"Tatawagan ko lang ang Daddy mo at mga Kuya mo para magdala ng gamit dito." Wika nitong hawak na ang cellphone. Hinaplos at hinalikan nito ang noo at pisngi ko bago natatarantang nagpindot sa hawak. Nanginginig ang mga kamay nito, malamang dahil sa sobrang nerbyos. Bakit ang hindi, napakataas pa naman ng rate ng dengue victims ngayong taon na ito. Kaya normal lang na maging reaksyon ng isang magulang ang ganoon ngayon.

Tumango-tango ako kay Mommy at bahagyang ngumiti."I'm sorry 'my. Pero kailangan niyo pong huminahon. Huwag na po kayo mag-panic. Kayang kaya ko 'to 'my. Sige na tawagan niyo na po sila Daddy." Ani ko dito.

"Tita Lore,.. ahm, eh kung puntahan niyo na lang po kaya? Baka hindi po kayo magkaunawaan kung sa cellphone lang po kayo mag-uusap. Ako na po muna ang bahala dito. Saglit lang naman po kayo sigurado."Ani ng isang tinig sa kaliwa na kilalang-kilala ko. Nang lumingon ako ay nasiguro kong si Zereff nga iyon. Nakalapit na ito sa Mommy ko at masuyong inaalo. Hindi pala kami nito iniwan mula eskwelahan.

Tila bahagyang nakahinga si Mommy sa tinuran ni Z. "Sige sige, tama, hindi ko din alam kasi masyadong tumawag sa cellphone na ito eh. Saglit lang talaga ako anak, kung aasahan ko kasi ang mga iyon baka iba ang pagdadalhin. Pero okey lang ba talaga? Paano sa eskwelahan? Hindi ka ba mapapagalitan?" tanong ni Mommy kay Z. Oras nga pala ng klase na nito.

"Okey lang po iyon Tita. Emergency naman po ito. Mauunawaan po ng School 'to." sagot naman agad ni Zereff dito.

Humingi ng paumanhin at pasalamat si Mommy bago nagmamadaling umalis. Para yatang mas gusto ko nalang na tawagan na lamang ni Mommy sila Daddy kaysa maiwan akong kasama si Z kahit alam ko naman kung para saan kaya ito aalis.

Lumapit ang isang nurse na may dalang IV at fluids. Marahan nito iyong sinimulang isaksak sakin ngunit dalawang ulit na itong nagkamali dahilan para mapaigik ako sa sakit. Masakit na nga ang katawan ko dinadagdagan pa ng nurse na ito.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now