Chapter 36 💖 Karina 💖 His Jealousy

173 7 2
                                    

WARNING!!!

Medyo SPG!
OO medyo lang kasi sa susunod pa yung totoo! Huwag kang excited diyan no! Haha 😂😂😂
Sa mga Nene pa diyan, huwag ng basahin kung wala pa sa edad ha?
Huwag ng makulit, baka ipa-kutos na kita kay Batman! 😂🙈🤣

TramyHeart ❤️❤️❤️

-💖💖💖-

I almost lost it.

My courage and all after he hug me from the back.

And it's so annoyingly frustrating..., of how could he affect me in just one touch of him.

Malapit na ko sa pintuan ng kuwarto ko, ilang hakbang na lang at andoon na ko.

Kailangan ko ng magtago doon at kalamayin ang sariling kalooban bago ako bumigay ng tuluyan. Dahil dama ko, damang-dama ko, na malapit na kong ipagkanulo ng damdamin ko.

Ngunit aabutin ko na lamang ang seredura ng pintuan ng silid ng higitin ako ng lalaking pilit na kinamumuhian ko.

Pagkahiklat nito sa akin ay agad ako nitong pinasok sa loob ng silid ko at ipininid sa dahon ng pinto pagkasarang-pagkasar niyon, sabay taas at dikit ng dalawang kamay ko mula sa palapulsuhan ko.

Napasinghap na lamang ako at napaigik sa kirot ng may sugat kong kamay at pagkalapat ng likod ko sa dahon ng pinto.

"I told you before Baby..., don't you dare choose or even think other man beside me. Because whoever he is, I will tear him to pieces after snatching you to him." Mariing wika nito sakin. Matiim na matiim ang titig nito at nagngangalit ang mga bagang at ngipin. Nakakatakot ang emosyong nakikita ko sa mga mata nito. Galit... at Paninibugho.

Nabitin ang hininga ko ng unti-unti nitong inilapit ang mukha sa akin. Inilapit nito ang bibig sa gilid ng pisngi ko, malapit sa tainga ko.

"I think we have to clarify this thing first before anything else." Anas nito na sinasadyang idikit ng dahan dahan ang mga labi sa balat ko.

"Baby... you are only for me. You're always be and always will." Halos bulong na lamang na wika nito.

Ang mainit at nakakapasong hininga nito ay dumampi sa balat ko na siyang dahilan ng pagtayo ng mga balahibo ko. Ipinadaan nito ang mga labi sa punong tenga ko at bahagyang kinagat iyon saka dinalaan ng walang kaabog abog. Hindi ko naiwasan na mapaarko at mapapikit sa sensasyong dulot ng ginagawa nito.

Ngunit hindi, hindi ako maaring magpagupo dito. Habang maaga ay kailangan kong mahila ang pisi ng katinuan ko.

Inipon ko ang buong lakas ko at sinubukang makawala dito, ngunit hindi ko man lang ito natinag ni katiting.

"Not so fast Baby... After this... maybe." Anas nito, na kahit hindi ko nakikita ay sigurado kong nakangisi.

"Y-You can't do this to me Zereff! W-Wala na tayo!" Asik ko dito na pumalag muli. Ngunit muli, hindi ko man lang ito napagalaw kahit kaunti.

"I told you, hindi tayo naghiwalay. Hindi. At kahit kailan, hindi iyon mangyayari." Buong konbiksyon at may pinalidad na wika nito. At walang sabi-sabing hinagkan ako na may kasamang pagkagat.

Simula sa panga, "I will mark you..."

Pababa sa leeg, "In every visible parts of you..,"

Pababa sa balagat, "so anyone could see in one glance, that you are already own by someone..."

At bumaba pang muli, hangang sa punong dibdib, "and that someone is me Baby. I owned you, from here," Sensual na tinuro nito ang kaliwang dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now