Chapter 2 💖Karina💖 Morriz

292 11 22
                                    

"No baby. Pag-isipan mo munang mabuti bago ka maggdecide. Mahirap ang accounting Kar. Tapos anong makukuha mong trabaho pagkatapos? You'll become an employee?" turan ng Daddy ko sa akin.

"But Dad... wala naman pong masama sa pagiging empleyado---" subok kong katwiran.

"I know, I know... wala naman talagang masama anak, kahit anong trabaho ay maganda as long as legal iyon. But what I am trying to say is, mahirap ang mamasukan at maging empleyado baby... Basically, hindi mo naman na kailangan mamasukan pa sa iba after college. We have our own business. This Ceramic Shop in time will be in your hands. Ikaw lang ang magmamana nito. You will manage and continue this business as your brothers have start their own line of businesses. Kaya ang gusto sana namin ng Mom mo ang kunin mo ay 'yung may kinalaman sa designing. It would be a big help if you'd creat new designs of ceramics na papatok sa industry." Ani ng Daddy ko nang sabihin ko ditong Accountancy ang gusto kong kunin kurso. Maingat na sinisipat at nagmomolde ito ng clay sa pottery's wheel. Ito ang business ng pamilya namin.

Pero ayoko pong maging pottery maker... O ang hawakan ang Business na ito... May pangarap po ako para sa sarili ko.. At iyon ang maging CPA Dad...
Nakayukong ani ko sa isipan ko habang kagat labing pinipigil ang emosyon ko.

Alam kong mahal ako ng pamilya ko, mula pagkabata pa lang babyng-baby na ako ng pamilya ko dahil ako ang bunso at nagiisang babae nila. Masarap ang ituring na halos prinsesa, pero kung minsan nakakasakal lang talaga. Minsan kasi pakiramdam ko parang wala na kong say sa mga bagay na gusto ko talaga, sila na halos nagpapasya ng buhay ko na para bang matagal na nila iyong plinano at inisip na mas nakakabuti iyon kaysa mga bagay na gusto ko para sa sarili ko.

Dahil sa negosyong ito na napalago ng mga magulang ko, nakapagpatayo ang mga ito ng maayos at malaking bahay, nabigyan kami ng maalwan na pamumuhay, at napagtapos ang dalawa kong kapatid. Lima lamang kami sa pamilya at tatlo lang kaming naging ng mga anak ito, ang panganay na si Kuya Dimitri, 23 years old, na nagtayo ng auto repairshop, si Kuya Neo na 22 years old na nagtayo ng sariling Pharmacy, at ako na bunso, 16 years old na kasalukuyang nasa 4th year high school. Medyo malaki ang agwat ng edad ko sa dalawa kong Kuya dahil isa daw akong unexpected baby. Wala na sanang plano pang mag-anak ang parents ko noon dahil sa nagkaroon ng kaunting problema sa matris ang Mommy namin, ang sabi pa ay hindi na ito muling magbubuntis pa. Pero nagulat ang lahat ng mabuntis ito makalipas ng pitong taon at ako nga iyon. Hindi man kami mayamang mayaman masasabing maalwan ang buhay namin kaysa sa iba

"P-Papasok na po ako Dad..." Ani ko na lamang at tangka ng aalis na.

"Siyanga pala, bawasan mo ang pakikipag-usap sa Kuya Z mo pag nasa School kayo. Teacher siya doon, mahirap na baka maggisip ng kung ano-ano ang ibang tao kahit wala naman dapat pag-isipan ng masama panget pa ding---"

"Dad male-late na po ako. Tutuloy na po ko." putol ko dito na muntik ng mapasigaw. Tumalikod na ko ng tuluyan.

Pati ba buhay ko sa school kailangan din pakealaman ng pamilya ko? Wala na ba talaga kong kontrol sa sarili kong buhay?

Nakarating ako sa school na masama pa din ang loob. Kitang-kita pa naman sa mukha ko kapag may dalahin ako dahil ako yung klase ng taong transparent talaga at hindi kayang magpoker face kaya napansin agad ng mga kaibigan ko iyon.

"Hey Kar... May problema ba?" Ani ni Lave, nasa tabi nito ang iba pa naming mga kaibigan. Nasa classroom na kami at naghihintay na lang sa pagdating ng first subject Teacher namin.

Napayuko na lang ako at nagpigil na mapaluha. Ayoko talagang tinatanong ako ng mga ganito dahil napakaiyakin kong tao.

"Si Dad kasi..." Ani ko at sisimulan na sanang magkwento ng dumating na ang Teacher.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora