Chapter 7 💖Karina💖 Sick

175 8 0
                                    

"Baby kaya mo ba talagang pumasok. Ako na lang kaya ang pupunta sa School mo? May sinat ka pa oh. Kailangan mo ng macheckup..." Ani ng mommy niya. Medyo nanghihinang napakapit siya sa railings ng hagdan nila.

Pababa na siya at nakaayos na papasok na lamang siya ang kailangang kasama niya ang Mommy niya para makapasok dahil sa nangyari sa Variety Show nung friday. Hindi niya alam kung anong nangyari pero pagkauwi niya nang gabi ay nilalagnat na siya, kinabukasan ay sinipon na din siya at inubo. Marahil ay dahil nahamugan siya yun nga lang ay umabot iyon hanggang ngayonng lunes.

"K-Kaya ko naman po 'my. Hindi ako puwedeng umabsent 'my at gusto kong makita mga kaibigan ko."ani ko nang makababa na.

"Hay, ayan naman kasing kaibigan mo eh. Padalos dalos..." ani nitong napapailing habang inaalalayan ako.

"Mommy, wala pong kasalanan si Lave sa nangyari. Kinuwento ko naman po ang nangyari sa inyo 'di ba. Siya na nga ang nagtanggol sa kaibigan namin eh siya pa napahamak. May mga tao lamang talagang mga walang utak 'my." Ani ko. The last thing she want ay ang ayawan ng mga magulang niya ang mga kaibigan niya dahil napakaimportante ng mga ito sa kanya.

Sumakay na kami ng tricycle dahil ayaw ni Mommy na mapagod pa ko sa paglalakad.

Sa school ay halos magkasunudan lang ding dumating ang iba pang mga pinatawag ang mga magulang.

Sa meeting kasama kami at ang magulang namin ay nagkaroon ng kaunting argumentasyon ang Nanay ni Lave at Mama ni Herxon. Nang pagitnaan ng Principal at guidance councilor ay nagkasundo din ang mga ito. Kaming walang masyadong kinalaman sa gulo ay pinarusahan ng isang linggong paglilinis sa mga designated places. Habang si Lave binigyan ng isang linggong suspensyon si Lave at 3 weeks naman si Herxon. Pasalamat ang magulang ni Herxon malawak ang pang-unawa ng Mama ni Sere. Kung hindi ay talagang lalaki ang gulo. Humingi na ng despensa si Herxon at ang partido nito kay Sere at Lavertha. Nakakahinayang nga lang talaga ang isang linggong mawawala kay Lave lalo't running for honors ito.

Nang makalabas na sa opisina ng Punong guro ang lahat ay nagkumpol kaming magkakaibigan sa isang gilid habang si Serena ay sumugod ng yakap kay Lave.

"Ang gaga mo naman kasi eh. Bakit mo ba sinapak agad..." Ani ni Serena na sumisigok-sigok.

"Mas gaga ka loka, nakipagsayaw ka sa isang manyakis. Ano bang nakain mo at pumayag kang makipagsayaw sa gagong yun." Ani ni Lave. Nakangiti ito na para bang wala dito ang nangyari pero alam namin ang totoo, inis pa din ito dahil sa naging desisyon ng aming punong guro.

Nawalan na kami ng pagkakataong makapagusap nung byernes dahil pinauwi na kami deretso ng Principal.

"Y-Yung totoo? P-Pinsan kasi yun ni Isaac... Gusto ko sanang magtanong ng tungkol kay Isaac sakanya kaya ako pumayag... Hindi ko naman inakalang mangyayari yun..." Ani nitong halata ang guilt sa mukha.

"Ayunnnn... Lumabas din ang totoo..." Ani ni Lave na napapailing. Maging kami ay napapalatak na lang.

"Hayan kita mo sa kagustuhan mong mapalapit kay Isaac na yun napahamak ka pa..." Ani ko dito.

"Sorry... Sorry talaga Lave... At salamat sa pagtatanggol sakin. Ikaw talaga ang superhero ko." malambing na ani ni Sere dito at muling yumakap.

"Hay.. Kung hindi lang kita kaibigan pinabayaan na kita diyan eh. Sarap mong tirisin." wika nitong malaki na ang pagkakangiti.

"Sorry na nga eh. Kaya please, sagutin mo na text at tawag ko ha. Wag ka na magalit." ani muli ni Sere.

"Ayoko. Yun ang punishment mo sa kagagahan mo. Bahala ka sa buhay mo." Birong totoo ni Lave dito. Kapag nagagalit kasi ang kaibigan namin ay hindi ito sumasagot sa mga tawag o kahit text

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now