Chapter 39 💖Karina💖 Sting

151 5 9
                                    


"Hoy Kari! Tara na! Ang bagal bagal mo talagang kumilos kahit kailan." Sigaw ni Morriz mula sa punong hagdan na dinig na dinig ko hanggang sa kuwarto ko.

Naiirita kong kinuha ang bag at iba pang gamit kong pang eskwela bago bumaba.

"Bakit ba ang grumpy mo ngayon? Meron ka ba?" Nakangusong tanong ko dito.

Bumuntong hininga lang ito bago sumagot.

"Is our truce stand still? Itutuloy pa ba natin ito o hindi na? Kasi para namang ayaw mo naman na. Ayan o, gayak na gayak ka pa, papasok ka lang naman sa eskwela 'di ba. Ganitong ganito ka kapag nauwi si Kuya eh." Nakakunot noong sita nito sa akin na parang magulang ko.

"H-Hala... Judgemental? Hindi ba puwedeng nag-ayos lang ako para sa sarili ko? O kaya sayo? Sa Kuya mo agad? Sapakin kita diyan eh. Tara na nga bago ko pa masaktan ninuno mo." Napipikang ani ko dito.

Batid ko namang nagtagal ako sa pag-aayos, pero hindi naman yun para sa Kuya nito noh.

Hindi talaga. Mamatay man yung kuko ko sa paa.

"Aray! Petchay ng ina! Ahhhh! Sakit! Bakit mo ba binagsak yung helmet! Aray! Aray!" Sita ko dito na napapatalon talon pa habang hawak ang daliri sa paa. Paano ba naman kasi, binagsak nitong bigla yung helmet sa paa ko.

Alangya, ang bilis naman ng karma ko sa pagsisinungaling...

"Hindi ko binagsak no, inaabot ko sayo, 'kala ko naman hawak mo na eh nakalahad ka kasi diyan eh." Sagot naman nito na tumungo at sinipat ang daliri ko sa paa. "Hala, namatay yata yung kuko mo Kari. Nangitim oh." Natatawang ani pa nito.

Dagukan ko nga, muntik na kong matawa nang halos masubsob ito ginawa kong pagbatok.

"Hindi ako nakalahad ugok ka. Nakasabit yung bag ko sa braso ko natural nakaganito ang kamay ko. Nasaktan na nga ako tatawa tawa ka pa diyan. Manang mana ka talaga sa pinagmanahan mo eh noh? Diyan ka na nga! Magco-commute na lang ako piste ka." Inis kong wika na napapaigik na lumakad na.

Dadinig ko pa ang lalong paghalakhak nito at pagpapaandar nito sa motor.

"Sorry na. Nakakatawa naman kasi yung kuko mo, ang bilis na nangitim." Tumatawa pa ding wika nito. "Tara na, male-late ka pa niyan kapag namasahe ka, sige ka." Pagkukumbinsi pa nito sa akin. Pumayag na lang din ako dahil mas mabilis ang nakamotor kaysa mag-commute. Traffic pa naman ngayon dahil Monday. Ayoko ng maulit na mapalabas sa klase dahil sa late ko nang minsang hindi ako maihatid ni Morriz nang magkaroon ito ng biglaang lakad.L

Habang biyahe ay napapilantik itong bigla.
"Bakit? Wala ng gasolina?" Tanong ko dito.

"Hindi, meron pa. Naalala ko lang na ngayon ang schedule ko ng pa-change oil, kaya pala ang init na ng motor ko." Ani nitong napapilantik ulit.

"Edi daan muna tayo sa DZ shop. Fifteen minutes lang naman magpa-change oil. Mabilis lang yan." Wika ko dito. Kailangang makapag-change oil ito dahil magkakaroon ng problema ang sasakyan nito kung magtatagal pa, gaya na lamang ng baluktot o paggasgas ng mga components ng makita ng sasakyan nito, or worse mag shut down iyon at kailanganing palitan.

"Sure ka okay lang? Baka ma-late ka." Anang naman nito.

"Nope. Maaga pa naman. Tsaka puwede mo namang bilisan ang pagmamaneho mamaya." Nakangiting wika ko dito, na alam ko namang hindi nito gagawin. Dahil sa tuwing nagmamaneho ito na kasama ako ay sobra lagi ang pag-iingat nito.

Ilang metro na lang mula sa Auto repair shop ng matigil si Morriz sa pagmamaneho. Nagtataka akong tinanong dito kung bakit huminto pa ito, plano ba nitong yakagin na lamang ang motor nito sa pagawaan

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now