Chapter 18 💖 Karina 💖 Avert

129 10 4
                                    


It was exactly five days.

Five days since that moment happened.
But I can still feel the twinge in my chest as if days cease to be passes.

Madali lang ang iwasan ito sa tahanan namin, magkulong lang ako sa kuwarto hindi ko na ito makikita kahit pa maghapon ito sa sala ng tahanan namin. Gabi na lamang ako kumakain dahil sigurado, wala na ito doon sa mga oras na iyon. Para ngang pumayat ako ng ilang timbang dahil sa ginawa kong routine na iyon.

Pero dito sa school?
Imposibleng mawalan ako ng pagkakataong makita ito dahil Math teacher ko ito. Gustuhin ko man o hindi, isang oras ko itong makakasama sa silid kung saan ito nagka-klase. Kahit ang iwasan ang mga mata nito sa loob ng isang oras ay suntok sa buwan dahil tila iyon nanghuhuli na mapatapat sa paningin kong pilit kong pinokos sa kuwadernong sinusulatan ko.

Hindi ko na mabilang ang mga minuto na nagdaan na nakatitig lamang ako sa kuwaderno ko at nagkukunwaring nagsusulat ng kung ano ang nasa blackboard na para bang isa iyong bagong diskubre na formula para mahanap ang co, sine at tangent.

"Kari?" Tinig ni Lave sa tabi ko. Katabi ko lagi ito sa lahat ng subject dahil magkasunudan ang mga apelyido namin.

"Hmm?" Tugon ko dito na bahagyang lumingon dito.

"Tawag ka ni Sir." ani nito sakin na nakangiti at sa tonong nanunukso.

Kung ibang araw lamang tumapat ang panunukso nito at hindi nangyari ang naganap noong gabi ng bagong taon, baka halos maihi na ko sa kilig at saya sa pagkakatong matawag nito.

"H-Ha?" Lutang na wika ko dito.

Kumunot ang noo ni Lave sa pagtataka. Siguradong tatanungin ako nito mamaya kung bakit wala ako sa sarili sa paboritong subject at oras ko.

"Tawag ka ni Sir. Sagutan mo daw yung equation problem sa blackboard." mahinang sabi nito.

Atubili akong tumayo at nanlalamig ang kamay na lumapit sa blackboard. Nang makalapit ay iniwasan ko ang tapunan ito ng tingin.

"You seemed preoccupied by our discussion today so I want you to answer this equation for me. Kindly find the x of the hypothenuse of this angle." Wika nito sa klase at inabot ang chalk.

Mahigit isang dipa ang layo ko dito sa pagkakatayo nito pero dama ko pa din ang pag-tense ng katawan ko. Diniretso ko lang ang tingin sa kamay nito at agad kinuha ang chalk sabay harap sa pisara para i-analisa ang nakasulat na equation doon habang nagsasalita pa ito.

Nang maanalisa ang equation ay sinimulan kong gumawa ng solution para ma-i-evaluate ang sagot. Madali lang ang problem na nakasulat sa pisara kumpara problema ko sa buhay pag-ibig.

"Let us talk Bunny. Huwag mo akong iwasan pakiusap." Sambit nito sa sobrang hinang tinig na ako lamang ang makakadinig. Kung titignan mo mula sa harap ng klase iyon, aakalain mong gina-guide lang ako nito sa pagsagot sa isinulat nitong equation, pero dahil mas malapit ako dito, kaya mas alam ko kung ano ang sinasabi nito.

Naidiin ko ang pagsusulat ko sa pisara dahilan para maputol ko ang chalk. Pero hindi ako tumigil sa pagsusulat para mapakitang hindi ko nadinig ang sinambit nito.

Kung magiging tanga lang ako, alam kong nagtatalon na ko sa tuwa sa pagkausap nito sakin, pero batid kong nais lamang nitong mapag-usapan ang bagay na iyon dahil isa iyong pagkakamali. Ika-klaro lamang nito sakin ang nangyari at sasabihing kalimutan iyon dahil isa lamang iyong pagkakamali.

Muli kong nadama ang kirot sa puso ko. Hindi ko kayang kumibo dahil mas lumamang ang sakit na nadadama ko.

"Bunny please..." Anito pa.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now