Chapter 23 💖Karina💖 Secret Relationship

155 8 1
                                    

Zereff confessed to me. I am now her girlfriend. We are now in relationship. A secret relationship to be exact.

The whole thing feels surreal.
And I can't still believe it.

"You're beaming Kari. May nangyari bang maganda ngayon sayo at kung makangiti ka ay wagas?" Tanong ni Lave sakin.

"Siya nga Kari. Parang may nabago sayo. Parang... gumanda ka." Ani naman ni Francin.

"So meaning hindi ako maganda noon?" Natatawang tanong sa dito.

"You know that's not what France means. May nabago talaga sayo Kari. You look so... oddly happy." Ani naman ni Rosie.

"Yeah. At kung hindi mo napapansin, you've been grinning like some crazy girl. Kaya spill the beans Kar." Wika ni Serena.

"Mga sira. Wala naman akong dapat sabihin. I just feel happy. May masama ba sa pagiging masaya?" sagot ko naman sa mga ito. Umiling lamang ang mga kaibigan ko at kinulit pa ako. Nagkuwento na lamang ako sa mga ito ng nangyari sa birthday ng Mommy ko. Minus the Z scene. "So ayun nga. Kaya ako masaya kasi maganda yung araw ko mula pa kahapon." Anang ko sa mga ito.

"Sus, ang dami pang pasikot sikot pero ang dahilan lang naman pala talaga is nakasabay niya ulit si Mr. you-know-who-he-is sa hapunan." Wika ni Serena.

"Kaya naman pala sobra kung makangiti." Ani naman ni Lave na napapalatak pa. Tinawanan ko na lamang ang mga ito.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga ito, pero ayos lang iyon at least umubra kahit papaano palusot iyon sa mga ito. Pero hindi ko maaaring sabihin ang mga nangyari sa akin sa nagdaang linggo. Hindi ko magagawa dahil nangako kaming dalawa mi Z sa isa't-isa na wala kaming pagsasabihan niyon ni isa. Isa iyon sa mga konsekwensiya ng pagkakaroon ng relasyong tago.

"Hey, where's Meldy? Kasunod lang natin siya kanina 'di ba?" Takang tanong ko nang makitang kulang kami.

"Hala, oo nga. Saan nagpunta iyon? Magta-time na ha." Ani naman ni Francine.

"Baka nauna na sa atin. 'Tena. Tignan na lang natin sa room." Wika ni Serena.

Pero matapos ng klase namin sa English ay wala pa din si Meldy. Nagcutting ito. Ngayon lamang nito iyon ginawa. Wala kaming masabing sapat na dahilan sa Teacher namin na si Mam Diwata kung bakit wala ito sa klase. Sa Math na nagpakita si Meldy.

"Girl, anyare? Bakit bigla kang nawala?"Tanong ko dito.

"Bakit nagcutting class ka kay Mam Diwata Meldy." Tanong ni Rosie at Francine dito.

"N-Nagkulong ako sa CR. Nagkaroon kasi ako bigla guys." Ani naman nito.

"Eh bakit hindi ka man lang nagreply sa text namin sayo? Hindi ka din makontak." Ani naman ni Serena.

"Dead batt ako. Ako nang bahala magpaliwanag kay Mam Diwata." Sagot lamang nito.

"Okey ka lang ba Meldy? Para kasing badtrip ka nang pagpasok mo kanina."Wika ni Lave dito. Nakabusangot kasi ang mukha ni Meldy. At ang nakakapagtaka ay parang sa akin ito nakatingin ng masama kanina.

"Mood swings. Alam niyo na, red days." sagot lamang nito na ngumiti na.

Hindi na namin nagawang sumagot dahil dumating na ang Teacher namin sa Math. Walang iba kundi ang boyfriend ko na ngayon na si Zereff. Napaka-guwapo nitong tignan sa suot na uniform na pang-guro. Araw-araw naman eh. Kahit yata basahan ang ipasuot ko dito guwapo pa din ito.

Nakagat ko ang ibabang labi sa kilig at tuwa na nadarama ko.

Umayos ka Kari,
aral muna mamaya na yang landi.
Sita ko sa sarili ko na kinatawa ko din sa isip. Nakapaglandi na nga ko kahapon pa tapos sasabihan ko pa ang sarili ko ngayon. Napapalatak na lamang ako sa sariling kagagahan.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now