Chapter 16 💖 Karina 💖 Scarf and Keychain

192 5 0
                                    


Christmas Party ng Alevero High School.

Excited na ang lahat dahil pagtapos nito mahigit dalawang linggo ang Christmas Vacation namin. Sa January 5 pa ang balik eskwela ulit kaya masusulit talaga ang Holiday Vacations.

Nagpalaro ang Adviser nila ng Bite The Hanging Apple, kailangang maubos ng magka-team ang apple na naka-hang pero bawal hawakan ng mga manlalaro. Ilan sa mga napili ay mga kaibigan ko na sina Meldy, Francine at Serena, kapartner ng mga ito sila Christian, Hendrix at Isaac. May 2 pang pares na napili kaya ang maglalaban laban ay 5 pares lahat. Enjoy na enjoy ang mga bruha dahil ang mga crushes ng mga ito ang nakapareha ng mga ito sa laro.

Nagkakamuntikan pang magkiss ang mga ito dahil sa likot ng apple. Nagsisigawan ang lahat dahil dikit na dikit ang labanan hanggang sa ang nanalo ay sina Francine at Hendrix. Halata ang galak sa mukha ng dalawa hindi pa namalayan yata ng mga ito na may mga audience ito, dahil nagyakapan pa ang mga ito sa sobrang tuwa. Napatili ang iba, ang iba naman ay nagkwestyon sa nangyari lalo ang mga babaeng may gusto din kay Hendrix. Napapailing na lang kami sa mga inggiterang palaka na iyon.

Matapos ng laro ay lumapit ang mga kaibigan ko samin.

"Iba ka na Francine duma-da-moves ka na ha!" Mahinang sabi ni Rosie dito ng magkumpulan kami. Tinukso pa ito ng iba pa naming kaibigan at mga kaklase.

"N-Nabigla lang naman ako nasobrahan sa tuwa. Hindi naman intentionally yun." Taranatang paliwanag nito.

Tinapik ni Lave ang ulo nito
"You don't have to explain nakita naman namin lahat ganoon naman talaga pag nasa moment kang ganoon. Wag mo na lang pansinin yung mga froglets sa paligid. Mga naiinggit lang iyon sayo." Sabi ni Lave dito.

Tumango ito. Bakas pa din ang saya sa mukha nito hindi man ito magsalita, ay talagang nagustuhan nito ang mga nangyayari. Tinukso din namin sina Serena at Meldy.

"Kayo ha! Ang kikiri niyo!" Sabi ko sa mga ito na kinatawa naming lahat

Nagkaroon pa ng ilang mga palaro at masaya na nagkainan ang buong klase maya-maya pa nagsimula ang palitang ng mga regalo. May kaniya-kaniya kaming mga nabunot na pangalan nung nakaraan. Kung sino ang nabunot mo iyon ang reregaluhan mo. Nakakuha ako ng isang Cap habang si Serena ay Scrapbook Materials, pareho namang Stuff Toy ang nabunot ko at ni Rosie, si Meldy ay T-shirt, habang si Francine ay Wristwatch ang nakuhang regalo.

Masaya at maganda naman ang naging resulta ng Christmas Party namin. Nakakatuwa at talagang nag-enjoy ang lahat. Bago kami umuwi ay nagpaalam ako sa mga ito na may ibibigaylang kay Sir Sir Zereff. Magmula ng magka-ayos at paliwananagan kami ay parang bumalik na sa dati ang relasyon namin noong hindi pa ito nagiging guro. Parang walang nagdaang pader na nagagawa na namin muli ang mga kinasanayan naming gawin. Nagpupunta na ito muli sa bahay at tumatambay kasama ang Kuya Dim ko. Yun nga lang ay kapansin-pansin na pumupunta lamang ito kapag wala ang mga magulang ko na para bang iniiwasan nito ang parents ko. Pinagwalang bahala ko na lamang iyon dahil baka nagkakataon lamang ang mga iyon.

Tatlong beses akong kumatok sa faculty room ng Math bago may nagbukas niyon. Si Mam Selma ang nagbukas niyon at napakalaki ng ngiti nito. Napasilip ako sa loob at nakita ang nakaupong si Z na nakaupo sa ibabaw ng desk nito na may hawak na regalo. Alam ko na agad na galing kay Mam Selma iyon sa laki ba naman ng ngiti ng dalagang guro.

"Hi Karina! May kailangan ka ba?" tanong nito sakin na nahimigan kong may tono ng iritasyon. Malamang ay naistorbo ko ito sa plano nitong paglalandi kay Zereff. Ang sarap soplahin nito kung hindi lamang guro ng eskwelahan ito at nakakatanda sakin.

"Ahm, may inutos lang po sakin si Sir Riddle Mam." Ani kong nakangiti. Nakakamanghang kaya kong bigyan ito ng ngiti kahit gusto ko na itong sabunutan.

Was I Ever Really Loved By You? (TRAMYHEARTSERIES #2) (ON-GOING)Where stories live. Discover now