Chapter 45 -Let's End This

Start from the beginning
                                    

"If this Astaroth didn't show up there wouldn't be a problem."sabi niya sa isip ko.

"If I want, I can kill you but...." banta nito kay Astaroth.

"Try." kalma na sagot nito na ngunit nag-iiba na ang awra.

Beelzebub smirked then look at me.
"Do not forget our pact, Saoirse. I shall return."  saka napatingin naman kay Victor. "You're lucky." saka unti-unting naglaho.

Mabilis kong tinahak ang daan pababa sa kanila karga karga si Ysobelle.

"Victor!"

"Martinni..." saka mahigpit akong niyakap. "Tapos na. Tapos na ang gulo."
Tumango-tango lang ako habang yakap-yakap pa ako.

"Victor." ani Astaroth. "I suggest you give up your kingdom."

Natigilan ito dahilan para agad mapatingin kay Astaroth.

"What do you mean?"

"It's making you suffer." sagot lang nito.

"No."

"Ito ang nagpapabigat sa iyo. It's just too much."

"No. I will rebuild the kingdom."

Mataman lang na tiningnan nito si Victor. Saka napatingin din ito sa akin. Tingin na mayroong ipinahiwatig.

May alam kaya ito sa napagkasunduan namin ni Beelzebub?

"I strongly suggest you give up already, Victor."

"No."

Nagkibit balikat nalang si Astaroth.

"You wish. See you some other time then. And..." he paused and look at me then look again at Victor. "Good luck."

"Thank you for coming, Astaroth." si Victor.

Tango lang ang isinagot nito saka unti-unti nang naglaho.

Doon ko lang napagtuonan ng pansin ang totoong pinsala na dinulot sa palasyo.

Ang hindi lang nawasak ay doon banda sa sekretong silid pero ang ibang bahagi ay wasak na.

Napatingin ako kay Victor ng mapaluhod ito.

"Tapos na. Tapos na Martinni. We can start again."

Lumapit ako dito. May mga namumuong luha sa gilid ng mga mata nito.

"Victor...oo. Tapos na." I hugged him tight. Then he start crying like a child. Iyak na para bang kay tagal niyang kinimkim. Ang buhos ng emosyon ay nagkaisa at ngayon lang nailabas lahat.

"Ssshhh...tapos na, Victor." I was caressing his back trying to comfort him.

"Sa wakas..."

"Oo. Sa wakas, tapos na." 

Tumingin ito sa akin.  Ngayon ko lang napagmasdan muli ang hitsura nito. Hindi ko namalayan na tumutulo na rin ang luha ko. At sa isip ko sinasabi ko, mahal na mahal ko ang taong ito.

"I love you, Martinni."

Ngiti ang isinagot ko dito.

"No. I love you. Always and forever, Victor."

Ngumiti ito. "Kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Na matapos ang lahat ng kaguluhan."

Nagsisimula nang pumatak ang ulan. Paisa-isa lang hanggang sa tuluyan ng bumuhos.

"Sumilong na muna tayo."

"Dito na muna tayo. Hayaan nating dalhin ng ulan ang mga mapapait na nangyari."

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now