Chapter 39- The Great Duke of Hell Astaroth

1.8K 59 18
                                    


Victor's Pov ~



"If so...if it's really possible then what took you so long to come back?" tanong ni Martinni.


"That's because...he...he...brought me to hell."



*Flashback*


Tahimik na ang buong kapaligiran. Puro katawan nalang ng mga patay ang nagkalat. Hindi ko pa rin maigalaw ang katawan ko. Mabuti nalang kahit malaki ang sugat na tinamo ko ay tumigil na ito sa pagdudugo. Nakatulong ang mga katawan na nakadagan sa akin para huminto ito.


Dala ng matinding pagod siguro ay nakaramdam ako ng pamimigat sa mata at antok. Kahit ayoko ay hindi ko mapigilang mapapikit hanggang sa nakatulog.


Hindi ko alam kung gaano katagal ang pagtulog kong iyon dahil agad kong inilibot ang paningin sa paligid kung saan hindi na ito ang kinaroroonan ko bago napapikit.


Nasa isa akong malaking higaan.


'Paanong napunta ako dito? '


Napansin kung naghilom na ang mga sugat ko.


Inilibot ko ang paningin dahil baka ito ang palasyo ngunit ng mapasilip ako sa bintana ay laking gulat ko nalang ng makitang puro mayroong mga maliliit na sungay ang mga naglalakad sa baba.


'Anong lugar ito? '


Napatingin ako sa langit kung saan ay makulimlim lamang. Bagaman may liwanag sigurado akong hindi iyon dahil sa araw.


'Nasaan ako? Am I dead? '


Hindi ako maaaring mamatay!


Not today. Not tomorrow. Never.


I cannot forget! I cannot forgive! What they did. What he did!


Bumukas ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Niluwa nito ang isang babae na may sungay rin kagaya ng mga nakita ko sa baba. Mayroon din itong buntot at kulay dilaw ang mga mata.


"Oh, gising ka na pala."


"Sino ka?"


"I'm Lilith." walang emosyon na sagot nito saka tiningnan ang sugat ko. "Ang laki naman pala ng sugat mo."

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now