Chapter 8 - An Engagement

2.5K 104 9
                                    




"So you really followed the king's order, eh?"


Hindi muna ako sumagot. Habang tinitingnan ko kasi siya ay parang galit ang mukha niya.


"Hindi po sa ganun. Hindi po ako makahindi sa utos niya."


"Nonsense!" Singhal niya sa akin.


Ba't ba siya naninigaw?


"If I know you just wanted to throw yourself to the king."


Matiim ko syang tiningnan.


"Anong...anong ibig nyu pong sabihin?"


"You like the king, don't you?"


"Po?!" Hindi ako makapaniwala sa tinuran niya.


"I knew it." He said as he smirked. "And now you're in the same floor as the king's room."


Hindi ko naman maiwasang mainis. Hindi ko alam kung anong pinaghuhugutan niya sa sinabi. Kung dati hindi ko maintindihan kung bakit mabilis ang tibok ng puso ko sa tuwing lumalapit siya, ngayon muhang mabibigyan ko na ito ng kahulugan. Galit. Inis.


"Parang hindi naman po tama ang sinasabi nyu."


"Really?" saad niya habang may maninilay na nanunuyang ngiti sa labi. "Lemme tell you this. I just hope you wont regret agreeing to the king's command staying here."


Hindi ko na napigilan ang sarili kong sagutin siya.


"At bakit ko naman po pagsisisihan?" nanunuya kong tanong sa kanya dahil naiinis na ako sa mga pinagsasabi niyang walang katuturan at hindi ko maintindihan kong ano ang pinaghuhugutan.


Tiningnan nya ako ng masama. "Oo nga pala. Sino naman ang aayaw dito eh palasyo ito. Lugar kung saan nakatira ang pinakamakapangyarihang tao sa kaharian."


Ano bang problema nya?


"Alam ko naman kung saan ako lulugar kaya wag ka pong mag-alala dahil hindi ako magiging pabigat!"


Walang emosyong tinitigan niya lang ako.


Ang sunod niyang ginawa ay parang nagpatigil sa oras. Gulat at pagtataka.


Hinalikan niya ako sa labi ng wala man lang pasintabi. Natigilan ako. Hindi ko malaman kong paano ako mag re-react at nang ilayo na niya ang labi niya ay tumitig sya sa akin ng seryoso.

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora