Chapter 40 - The Letter

1.3K 45 1
                                    


Martinni's pov ~


Pagkatapos ng naging pag-uusap namin na iyon ni Victor ay parang nawala ang lahat ng bigat na naramdaman ko. Parang isang libong tinik ang natanggal sa dibdib ko. Nakakaramdam na ako ng totoong saya. Yung parang ang gaan lang.


Kinahapunan din nang araw na iyon ay iniayos ang labi ng punong tagapayo at ng nasirang Hari. Mabilis din na ipanakalat ang balita sa nangyari at sa pagbabalik ng prinsepe na siyang papalit sa trono. Gagawin ang koronasyon pagkatapos mailibing ng hari at punong tagapayo.


Simple at maayos na libing ang inalay sa hari at sa punong tagapayo matapos ang tatlong gabing nakahimlay ang mga ito. Itinabi ang nasirang hari sa puntod ng nasirang reyna na si Ivory samantalang ang punong tagapayo ay itinapon sa dagat ang katawan habang nakatali sa isang malaking bato dala na rin sa utos ni Victor sa kadahilanang ito ang pumatay sa hari.


Napakabilis ng mga pangyayari at si Victor na ang hari.


Masayang pinatutunog ang kampana. Wala na rin sa akin ang posisyon ng reyna dahil iba na ang hari.


Nanatili pa ring lihim ang tunay na kataohan ni Ysobelle.


Isang araw habang payapa akong nakaupo sa hardin ay lumapit si Victor at umupo sa tabi ko.


"It's funny." ani niya.


"Ang alin?"


"Ysobelle. She's my niece legally on papers but the truth is she's my daughter."


"Ah."


"I planned on adopting her."


Nabigla ako sa sinabi niya.


"Ugh! I can't believe this I'm adopting my daughter."


Tumawa ako sa sinabi nito. Oo nga naman. Sino ang hindi matatawa? Alam mong anak mo pero aamponin mo dahil legal itong nakarehistro sa hari.


We cannot just simply tell the public about the truth of Ysobelle's birth. Magiging malaki itong eskandalo. All we can do is to take it slowly.


"Hindi ako tututol sa gagawin mo."


Ngumiti ito habang nakatitig sa akin.


"Salamat sa pagpapakatatag sa mahabang panahon."


I smiled.


"Salamat din at bumalik ka."


"I can never abandon you. Ang dami na ring nangyari sa atin mula pa noon. Our story started during our childhood and I cannot believe you are here in front of me, smiling."

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now