Chapter 45 -Let's End This

1.5K 63 3
                                    


"Astaroth came!" may himig na tuwa at pag-asa ang boses ni Victor. "He told me he'll come and he did!"

"Victor..." tawag ko dito. "Sabihin mo sa aking panaginip lang ang lahat ng ito."
Natahimik ito.

"This is real."

Sumandal ako sa pader ang nagpunas ng luha habang karga-karga si Ysobelle.

"Martinni..."

Pahapyaw akong ngumiti dito. Sa totoo lang, hindi ko na kayang isipin ang mga nangyari. Mababaliw na ako.

"Where are they now?" tanong ni Victor kay Trist.

"Sa labas. Mukhang naglalaban."
Mabilis nitong tinungo ang pinto at lumabas. Ako nanatiling nakasandal sa pader. Namamanhid. Hindi alam kung ano ang uunahing isipin.

Mayamaya pa ay lumabas na din ako. Sinubukan akong pigilan ni Trist ngunit hindi ko ito pinansin.

Dumaan ako sa pasilyo na wala masyadong nakahandusay na mga katawan at nang mapadaan sa isang malaking bintana ay doon, nakita ko ang dalawang demonyo na naglalaban. Pula ang kulay ng mata nung isa habang dilaw naman ang isa.

Mas inilapit ko ang mukha ng mapansing pamilyar ang hitsura ng isa at nanlaki ang mata ng mapagtantong tama ang hinala ko. Ito ang demonyong kausap ko sa panaginip.

Napatingin ito sa gawi at naririnig ko ang boses nito sa isip.

"I did it. I killed the traitor soldiers. I freed Victor and only to be stopped by him!? "

Ang tinutukoy nito ay ang kalabang demonyo.

"Damn this Astaroth!"

Kung Astaroth ang pangalan ng kalaban nito, marahil siya si Beelzebub! Ang nakausap ng dating hari at lalong nagpa-gulo sa kaharian at nagtanim ng matinding galit sa mga puso namin!

Hindi ako makapaniwalang nakipagkasundo ako dito!

Napahigpit ang yakap ko kay Ysobelle.
Waka na akong matatakbuhan. Buhay nga pero impyerno naman ang kalagayan. Pagnamatay naman, panigurado sa impyerno ang bagsak ko.
Parang may mga hindi nakikitang pwersa na nagtatalsikan sa paligid dahil sa kanilang paglalaban.

Lumalakas din ang hangin at unti-unti na nilang nasisira ang paligid.

Tumalikod ako at siniguradong natatakapan ng katawan ko si Ysobelle ng mabasag ang salamin ng bintana ng tumama doon ang likod ni Beelzebub.

Agad din itong nakabawi at sumugod kay Astaroth.

Katapusan na yata ng mundo. Kung ganito rin lang ang kahihinatnan mabuti pang mawala nalang ng tuluyan.

"Why are you fighting with me, Astaroth!?" tanong ni Beelzebub.

"Enough of this."

"Hmm... If I'm not mistaken, we're both under a pact." nakangiti nitong saad.

Hindi nagsalita si Astaroth.

"Why are you doing this?  We're demons. We're supposed to bring chaos." nakangisi ulit nitong sabi.

"I have my reasons."

"Reasons?" natawa ito saka itinaas ang mga maiitim na pakpak at dahan-dahang umaangat sa lupa. "Is this your reasons?" sabay turo sa kabooan ng kaharian. "Well, fuck that." saka parang may kung anong mabigat na hangin ang tumama sa mga mamanayan na bawat madaanan doon ay masisira.

"Stop this!" sigaw ni Victor. "Stop!"

Pinipiga ang puso ko sa sakit sa nakikita kay Victor.

Napatingin naman sa gawi ko si Beelzebub.

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now