Chapter 10 - Bewildered

2.4K 98 13
                                    


Napatingin nalang ako sa kalangitan ng ako nalang mag-isa sa labas. Napabuntong hininga ako ng malakas.


Delikadong tao ang prinsepe. Who knows what he'll do next. I need to keep some distance from him. Hangga't maaari hindi ko siya gusting makasulong.


Natapos ang kasiyahang iyon ng hindi ko alam kung anong oras dahil pumunta na ako sa silid ko at kinaumagahan ay bumaba ako papunta sa kusina kung saan naroroon si Mang Romeo. Kailangan ko ng kausap saka makakain na rin. Habang binabaybay ko ang isa sa mga pasilyo ng palasyo ay biglang bumukas ang isa sa mga pinto ng silid doon at patakbong lumabas ang isang babae na nakatapis lamang ng mahabang tela ang katawan. Namukhaan ko siya. Isa itong tagapagsilbi na naassign sa paglalaba ng mga kurtina ng palasyo.


Nanatiling nakabukas ang pinto dahil ng tumakbo ito palabas ay hindi na naisipang isara. Dala ng kyuryusidad ay sinilip ko iyon.


Ikinagulat ko nang makitang si Prinsepe Victor na wala ni anumang damit ang nasa loob. Kitang-kita ang napakaganda niyang katawan at ang pribadong parte ay natatakpan lamang ng putting kumot ang nakita kong naroroon at nakasandal sa may uluhan habang nakatingin sa bintana. Napansin niya siguro ang presensya ko kaya napatingin siya sa may pinto ngunit bago pa man siya tuluyang makaharap ay nakatago na ako.


Hawak hawak ang dibdib ko dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. Naramdaman kong parang tumayo siya sa loob. Aalis n asana ako ngunit hindi ako makagalaw na para bang tumigil ang mundo. Kinakabahan ako sa nangyayari baka makita niya ako.


Ang akala ko ay lalabas siya ng silid na lalong nagpakaba sa akin pero hindi at isinara lamang niya ang pinto. Nakahinga ako ng maluwang. Akala ko kasi makikita niya na nasa labas lang ako ng silid na kinaroroonan niya ngayon. Kung hindi ako nagkakamali, hindi iya ito silid. Isa itong bakanteng silid naginagamit lamang sa tuwing may mga panuhing pandangal ang palasyo.


Habang nakatingin sa saradong pinto ay naglalaro ang imahe ng kanyang katawan na nakita ko kanina. Napakakisig tingnan. Lalo na ng bahagya itong matamaan ng sinag ng araw habang nakatingin siya sa may bintana. Hindi ako ipinanganak noon para hindi malaman kong ano ang ginawa nila nung babaeng lumabas mula dito.


Ano kaya ang pakiramdam kapag kasama mo ang prinsepe sa iisang silid?


Ano na naman ba itong iniisip ko!


"Hey, Martinni." Malakas na boses ang tumawag sa pagngalan ko na nagpatigil sa aking iniisip. Paglingun ko ay ang Kamahalan kasama ang punong taga payo.


"Magandang umaga, Kamahalan." Bati ko dito sabay yuko. Tumango-tango lang ito at nagpatuloy sa paglakad kasama nag tagapayo.


Muli kong sinulyapan ang pinto ng silid na kinaroroonan ng Prinsepe. Nag-aalala ako baka marinig nito ang pagtawag sa akin ng kamahalan.


Hindi nga ako nagkamali dahil ilang saglit lang ang bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang prinsepe na nakatapis na ngayon ng tuwalyang puti at napatingin sa akin.

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now