Chapter 14 - War or Love?

2.4K 89 12
                                    


+++Victor's POV+++


"Maghanda ng sampung malalakas na kawal na sasama sa akin!"


"Maghunos dili lamang po kayo, Mahal na Prinsepe! Hintayin natin ang Mahal na Hari bago tayo gumawa ng hakbang! Baka ikasama po ito ng Kaharian!" Nag-aalalang saad ng Punong taga payo.


Hindi ako maaaring magwalang kibo nalang sa nangyari. Isang kabastosan ang ginawa nila sa loob pa mismo ng kaharian!


At si Martinni...


Hindi ko maiwasang hindi bigyan ng nakakamatay na tingin ito. Sa sobrang inis ko sa mga nangyayari, gusto kung atakihin ngayon na ang kaharian ng lalaking iyon! Sino ba ang mag-aakalang gagawin niya ito?!


Nagpunta lamang ba siya dito noong inanunsyo na ng hari na magkakaroon na ito ng asawa upang magmasid sa paligid ng kaharian? Naalala ko pa ito noong kausap at kasayawan si Martinni.


Anong binabalak niya?


"Isang araw na mula nang mawala si Martinni! Anong gusto mong gawin natin!?"


"Hindi naman po kawalan ang isang tagapagsilbi, Mahal na Prinsepe." Sagot nito.


"Anong sabi mo?! Ulitin mo nga ang sinabi mo!" Nahila ko ang damit nito sa galit.



-Flashback—


"What do you mean Martinni was abducted?" gulat na tanong ko kay Trist sa balitang inihatid niya.


"Nakita ko po siya kanina sa likod ng puno ng mansanas at ng akma ko na siyang lalapitan ay may pana na tumira sa kanya. Nadaplisan po siya sa balikat at nang tutulungan ko ay may lalaking biglang sumulpot ang kinuha siya ng mawalan ito ng malay."


"Bakit hindi mo inalarma ang ibang mga kawal!?"


"Napansin po niya akong nakamasid kaya hinarap niya ako at tinutukan ng patalim ang leeg ng walang malay na si Lady Martninni."


Nasuntok ko ang dingding ng wala sa oras. Nakabalik na ako ngayon sa aking silid.


"Sinundan ko pa rin sya at alam kung alam niyang nakasunod pa rin ako sa kanya. Mukhang sinadya talaga na malaman ko kung saan nila dadalhin si Martnni, mahal na prinsepe."


"At saan?"


"Ang nag-iisang kaharian sa kanluran."


"Ang kaharian ni Jovann?!"

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin