Chapter 3 - An order from a Royal

3.3K 138 8
                                    




Pagkasara sa pinto ay tiningnan ko ang hari na matamang nakatingin na rin sa akin.


"Kamahalan..."


"Are you ready?" Tumayo ito pagkatanong niya.


"Ha-handa saan, Kamahalan?"


"Magpaalam ka na sa iyong katawan dahil anumang oras mula ngayon ay hihiwalay na ang ulo mo sa katawan."


"P-p-po!?"


Kinuha nito ang espada na nakasandal sa gilid at hinugot iyon mula sa kinalalagyan.


"Ka-kamahalan...Pakiusap po. Wag mo pong gawin iyan!" Tumingin sya sa akin ng napakaseryoso ang hitsura bago dahan dahang lumapit. Ako naman ay napapaatras sa tuwing humahakbang siya palapit sa akin.


"Oh? If I remembered correctly, you said you are not afraid of death."


"Kamahalan..."


Itinaas niya ang espada at itinuon iyon sa leeg ko. Hindi ako makagalaw sa kinatatayoan na takot na takot. Para akong tinulos na kandila sa aking kinaroroonan.


"Magpapahinga lang sana ako dapat kanina pero hindi iyon nangyari dahil itinuro mo sa kawal kong nasaan ako."


"Patawad po, kamahalan! Patawad!" hinging paumanhin ko dito.


"Any last wish?" tanong pa niya.


"Kamahalan, pakiusap, wag nyu po akong patayin. Gagawin ko po lahat, wag nyu na po muna akong patayin, nakikiusap po ako sa inyu." Pagmamakaawa ko dito.


"Everything hmm?"


"Opo!"


"Let see..." saad niya saka inilihis ang espada ngunit mabilis na itinabas niya sa damit ko na bahagyang ikinapunit niyon.


Malalalim ang aking paghinga sa kaba at takot. "Kamahalan...Kahit ano po, wag lang po iyan." Nanginginig kong pakiusap dito.


"Aha, I remember, tinanggihan mo din pala ang alok ko kagabi." Namula ang mukha ko sa naalalang nangyari kagabi. "Do you have a lover?" tanong pa niya.


"Wa-wala po." Agad kong sagot dito.


"Bakit ka tumanggi kagabi? Hindi ba't isang karangalan sa iyo dahil isang hari ang aangkin sa iyo?" he smirked asking me.


Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Onde histórias criam vida. Descubra agora