Chapter 4 - Shock and Confusion

3.4K 122 3
                                    



The meeting place before hunting

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

The meeting place before hunting


+++++++++++++++


Merlissa – her step mother.

Julio – her sick father. 


+++++++++++++++++


Nagising ako ng makaramdam ng init at liwanag sa mukha at pagbuka ko ng aking mata ay medyo nasilaw pa ako sa liwanag na nagmumula sa araw. Umaga na pala. Nasa bahay namin ako ngayon. Day-off ko kaya wala ako sa palasyo. Ikinatuwa ko rin dahil hindi ko makikita ang mahal na hari. Kung ang iba kong mga kasamahan dito sa bahay ay gustong masilayan ang hari, ako ay hindi na muna.


Ang papa ko ay ikinararangal nya na nasa palasyo ako nagtatrabaho kaya hindi ko masabi sa kanya kung mayroon mang hindi magandang asal ang hari katulad nang nangyari kahapon dahil ayokong mag-iba ang paningin nya dito. Isa pa, sinabihan na din ako ng taga-payo na wag ipagsasabi ang nangyari kahapon. Hahay. Mabuti na rin talaga at day-off ngayon, makakahinga ako ng maluwag. Walang Crisilda na sige utos. Walang kawal na halos napaparoid ako dahil iniisip ko na ako lage ang hinahanap at higit sa lahat, wala ang hari sa malapit. At wala rin ang prinsepe.


Parang nalungkot akong bigla ng isipin ang Prinsepe Victor pero agad ko ring iwinakli iyon sa isip.


Habang itinutupi ko ang kumot na ginamit ay nakarinig ako ng kalabog sa baba kaya minadali ko ang pagtupi at tiningnan iyon.


"Palagi nalang ganito! Kada umaga nalang ako ang nagliligpit ng dumi mo!" Nagdadabog na saad ng maldita kong madrasta sa papa ko na nakahiga at hindi makakilos dahil paralisa na ang kalahati ng kanyang katawan.


"Ako na po ang maglilinis." Boluntaryo ko.


"Mabuti pa nga!" saad nito bago lumabas at ako na ang nagpatuloy sa ginagawa niya. Hindi naman siya ganyan dati noong hindi pa ganito ang papa. Hindi rin naman sya kabaitan pero sa ngayon lumalabas na talaga ang kanyang totoong masamang ugali. Nagbabago talaga ang tao.


"Pasensya na anak at ikaw pa ang gumagawa niyan." Ani ni papa.


Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now