Chapter 6 - Order of the King

2.8K 151 13
                                    



Nagmamadaling bumalik sa loob ng palasyo ang prinsepe at hinanap ang mahal na hari. Tinanong niya ang mga kawal na naka istasyon sa mga pasilyo kung alam nila kung nasaan ang hari pero hindi alam ng mga ito kaya nagpatuloy sya sa paghahanap hanggang nakasalubong niya ang Punong taga-payo na kanyang tiyuhin. Si Ferdinand.


"Mahal na prinsepe anong nangyari diyan sa pisngi ninyo?" puna nito sa sugat na nasa kanyang pisngi.


"Nasaan ang mahal na hari?" Walang paligoy-ligoy na tanong niya dito. Bahagyang nagulat ang tagapayo sa tono ng pagtatanong nito kaya hindi niya ito agad sinagot.


"Bakit? Anong kailangan mo sa kanya?" Tanong nito dito.


"Inataki kami."


Bakas ang gulat sa narinig ng tagapayo sa sinabi ng prinsepe. "Sino ang umataki sa inyu?" agad na tanong nito dito.


"Hindi ko pa alam kung sino pero ang alam ko, kasamahan ito ng taong pumatay sa dating hari at reyna." Seryosong sagot niya dito.


"Hindi maari...Anong kailangan nila?"


Hindi niya pinansin ang tanong nito at inulit ang tanong niya dito kanina.


"Nasan ang mahal na hari?"


"Nakikipagpulong kasama ang mga punong kawal."


Pagkasagot noon ng tagapayo ay agad nang lumakad ito. Hindi na niya tinanong pa kung saan ito nagpupulong dahil isang lugar lang naman ang kadalasang pinagpupulungan ng mga ito at agad niyang tinungo ito.


Pagkarating niya ay agad binuksan ang pinto ng hindi kumakatok kaya nakatutok sa kanya ang mga mata ng masa loob.


"Anong ginagawa mo, Victor? Hindi mo ba nakikitang nagpupulong kami?" agad puna ng hari sa kanya.


"May sasabihin akong napakaimportante." Sagot nito habang nakatayo sa may pintoan.


"Mamaya na. Maghintay ka muna sa labas."


"Hindi! Kailangan mong malaman ito ngayon din!"


Tumingin ang hari sa kanyang mga kasamahang nagpupulong at sumenyas na lumabas na muna. Agad namang tumayo ang mga punong kawal at lumabas.


Isinara na ng prinsepe ang pinto pagkalabas ng lahat at hinarap ang hari.


"Ano at gaano ba kaimportante yang sinasabi mong kailangan kong malaman?" seryoso at diretsong tanong ng hari sa kanya.


Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now