Hindi na ako nagtanong pa, dahil abala na siya sa paggamot sa aking bisita, tahimik na lang akong nanalangin na sana ay magkamalay na siya mamaya o bukas.





"Salamat ho mag Iloy." saad ko sa matanda nang matapos na siyang magligpit nang kanyang mga gamit sa pang gagamot.

"Walang anuman, hija. Basta sundin mo lamang ang mga bilin ko para mabilis gumaling ang bisita mo." nakangiti nyang sabi.

"Heto po mang Iloy, kaunting donasyon po para sa inyo." saka ko siya inabutan ng tatlong daang piso.

Malayo sa bayan ang aming tirahan, at naroon ang nag-iisang ospital sa aming lugar, kaya naman malaking tulong na si mang Iloy ay isang magaling na herbal doctor.

"Salamat hija, ako ay mauuna na, sinabihan ko din naman ang aking anak na ako ay sunduin kaagad dito." sabi ni mang Iloy.

Inihatid ko na siya sa may pintuan ng aming bahay at nakita ko nga na ang kanyang lalaking anak ay naroon na sa may puno ng mangga at naghihintay na kay Mang Iloy kasama ang kanilang kalabaw.

Nang makaalis na sila ay isinara ko na ang pintuan, ako ay nagpasya na kumain na muna ng almusal, nakatamdam din kasi ako ng gutom.

Sina tiya at ang aking mga pinsan ay nagpunta na sa bukid, may ani kasi kami ngayon sa aming mga tanim na gulay.

Sinimulan kong mag-almusal at naisip ko din na pagkatapos kong kumain ay maglilinis ako sa buong kabahayan, tutal ay hindi rin naman ako makakasunod sa bukid ngayong araw.



Nasa kalagitnaan ako ng aking paglilinis sa bahay, ng may marinig akong mahihinang ungol.

"Ahhmm.."

Sigurado ako ang estranghero iyon, mabilis kong iniwan ang aking winawalis at patakbong pumasok sa kwarto ng aking mga magulang.

Nakita kong nagbubutil ang kanyang pawis sa noo, mukhang nananaginip siya ng masama.

Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama, hinawakan ko ang mga palad niya at pinisil-pisil iyon.

Hinaplos ko din ang gwapo niyang mukha, ewan ko kung ano itong ginagawa ko, pero gusto kong maramdaman nya na nandito ako para sa kanya.

At mukhang naramdaman niya ang aking mensahe, muling lumalim ang kanyang paghinga, tanda na maayos na muli ang kanyang tulog.

"Magpahinga ka lang, nandito lang ako babantayan kita, magpagaling ka." bulong ko habang hinahaplos ko parin ang mukha niya.

Hindi ko alam gaano katagal ko siyang binantayan, pero namalayan ko na mag didilim na, kaya naman maingat akong umalis sa kwarto upang tapusin ang aking dapat gawin at nang ako ay makapag luto na ng hapunan.

Dahil siguradong pauwi na sina tiya Isabel, Arman at Ana. Kailangan ay handa na ang hapunan pagdating nila.








"Busog na busog ako, salamat sa hapunan ate Selena." masayang sabi ni Arman.

"Walang anuman Arman." nakangiti kong sabi.

"Ate ako muna ang matutulog dito sa'yo." Si Ana iyon.

"Sige Ana doon tayo sa kwarto matutulog." sagot ko sa kanya.

"Kamusta pala ang ating bisita Selena?" tanong ni tiya.

"Maayos naman siya tiya, nanaginip siya kanina, akala ko nga ay magigising na siya pero hindi pa pala, pero sabi ni Mang Iloy baka bukas ay magising na siya." pagkukwento ko sa kanila.

"Mabuti naman para malaman natin kung ano ang nangyari sa kanya." patango-tangong saad ni tiya.

"Ako na ang maghuhugas ng pinggan, inang, magpahinga ka na po." presinta ni Ana.

"O sya sige ako'y napagod sa maghapon, mauna na ako sa inyo mga anak." paalam ni tiya.

"Sabay na ako inang, maaga pa ho ako bukas maramidami ang idedeliver ko bukas." habol ni Arman kay Tiya.

Kami ni Ana ay nagtulong sa pagligpit ng pinagkainan, at habang naghuhugas si Ana ng pinagkainan ay nauna na akong pumasok sa kwarto upang ayusin ang aming hihigaan.








"AHHH!!!!"

Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang sigaw na iyon. Sinubukan kong gisingin si Ana pero masarap ang tulog niya.

Kaya nagpasya ako na ako nalamang ang titingin sa lalaking iyon, binabangungot na naman yata siya.

Mabilis akong pumasok sa kwarto, at tama nga ang aking hinala, mukhang binabangungot siya.

Butil-butil ang kanyang pawis at mahina siyanh umuungol. Kaya naman kaagad ko siyang nilapitan.

At nagulat ako dahil mainit siya, inaapoy siya ng lagnat. Mabilis ang naging kilos ko, kumuha kaagad ako ng planggana na may timubig at bimpo.

Binanyusan ko kaagad ang kayang mukha at mga kamay, maingat at magaan. Pero mukhang walang epekto iyon.

"Painumin mo siya ng gamot na ito kung sakaling lagnatin siya" naalala kong sabi ni mang Iloy, mabilis kong kinuha ang boteng may herbal medicine sa may cabinet.

Pagkabalik ko ay umupo ako sa gilid ng papag pagkatapos ay dahan-dahan ko iniangat ang kanyang ulo.

"Ibuka mo ang bibig mo uminom ka nitong gamot." pakiusap ko sa kanya.

Umungol siya ng bahagya, pero ibinuka niya ng kaunti ang kanyang bibig kaya napainom ko siya ng gamot.

Pero hindi parin ako nakuntento dahil ilang sandali pa ay mainit parin siya, huminga ako nang malalim bago ako tuluyang nagpasya.

Maingat kong hinubad ang kanyang pangitaas na damit, napalunok pa ako nang makita ang kanyang katawan.

Malapad na dibdib, at mga abs na hindi binanat sa pagbubukid, sigurado ako roon. Iba kasi ang banat nang katawan ng mga nagtatrabaho sa bukid.

Ang sa lalaking ito ay papasang modelo sa isang magazine o brand ng brief, ah! Baka artista siya?! Guwapo at macho e.

Napailing nalang ako sa kung anu-anong naiisip ko, sinumulan kong banyusan ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tyan.

Maingat at mabagal, napapalunok talaga ako at napapapikit lalo na pag nasasagi ko ang kanyang balat, may kung anong kuryente kasi ang nararamdaman ko.

Matapos ko siyang hilamusan ay pinalitan ko ang kanyang damit, bumaba naman nang kaunti ang kanyang lagnat.

Napabuntong hininga ako, ewan ko ba kung bakit natagpuan konang sarili ko na napatitig na naman sa kanyang gwapong mukha.

Nagpasya ako na isauli sana ang mga ginamit ko sa kusina, pero laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko at nagmulat siya ng kanyang mga mata.

"S-stay." pilit na bigkas niya.

Sa gulat ko ay dinaluhan ko siya, hinawakan ko ang mukha niya.

"Gising kana, anong pangalan---" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng bigla na naman siyang pumikit, ngunit hawak niya parin ang kamay ko.

Mukhang ayaw niya na iwan ko siya, mainit parin siya, naisip ko hindi naman siguro masama na tabihan ko siya sa pagtulog. Wala naman kaming gagawing masama. Babantayan ko lang siya.

Baka magalit si tiya kapag nalaman niya, hay! Bahala na! Maaga naman akong magigising bukas!

Huminga muna ako ng malalim bago ako tumabi sa kanya sa papag, yumakap ako sa may tiyan niya. Ramdam ko ang init na dala ng kanyang lagnat.

Kumakalabog ang puso ko sa aking ginawa, para akong baliw na nangingiti pero kinakabahan.

Tulog naman siya maaga naman akong gigising bukas, hindi niya malalaman na niyakap ko siya buong magdamag.

Pilit kong ipinikit ang aking mga mata at dahil sa init na mula sa katawan niya na ramdam ko, naging kumportable ang paghinga ko ni hindi ko na alam na nahinila na pala ako ng antok.

Just A Little Bit Of Your LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon