Chapter 56- The End

9.9K 252 33
                                    

Reese

"Happy birthday, Ashton. Sorry at ngayon lang ako dumalaw." Hinalikan ko siya sa noo at hiaplos ang hapis niyang pisngi.

His operation will be next month at hindi pwedeng hindi ako makapunta dito. Dugo ko ang inilalagay sa kanya kaya hanggang ngayon ay humihinga pa din siya. Laking pasasalamat ko at naagapan siya.

"I failed you, nawalan ako ng kontrol." Napatay ko si Dimitrios kagaya ng plano ko, but what happened was unexpected. Nang makita ko siyang nakahandusay at halos wala ng buhay ay umabot na ako sa hanggganan ko.

Lumabas ang lahat ng ugat ko sa mukha at naging marahas ako. Sumigaw ako. Sobrang lakas na nabasag ang lahat ng kristal at dumugo ang mga mata at taenga ni Dimitrios.

He deserved it, even more of it.

"Wala akong regalo dahil hindi ko alam ang mga gusto mo. Sana sapat nang nandito ako at humabol sa huling oras ng kaarawan mo."

Nagkwento ako sa kanya ng mga ginawa ko sa nagdaang mga araw na hindi ko siya nadadalaw.

Nagpunta ako ng ibang bansa at nakipagkita sa ilang miyembro ng pamilya ng ina ko na si Reesa nang kasama si Reed. Mas nakilala pa namin ang aming pagkatao at dumami pa ang nalaman namin.

Wala na kaming mga Lolo at Lola both sides pero marami naman kaming mga pinsan at tiyahin.

"Magpakatatag ka, operasyon mo na sa susunod na buwan. Sana, huwag mo akong iwan. Pinapangako ko sa 'yo Ashton na pagkatapos ng operasyon mo, hindi na kita iiwan pa dito. Sasamahan na kita mula araw hanggang gabi. Dito ako titira pansamantala hanggang sa magising ka."

Pagkatapos kong magkwento ng lahat ng ginawa ko ay pinasya ko nang matulog.

Malaki ang kama niya at may espasyo pang natitira kaya humiga ako sa kanyang tabi. Nagkumot din ako at niyakap siya. Bago ko ipikit ang aking mga mata ay hinalikan ko siya sa pisngi at pinagmasdan ang kanyang gwapong mukha.

"Payat ka na at maputla katulad ko, pero hindi nabawasan ang angkin mong kakisigan. I love you, Ashton. Hihintayin kita." Sa pagpikit ko ng aking mata ay may ngiting sumilay sa aking labi.

Isang ngiti ng pag-asa na may kasamang pagmamahal.

*******

A YEAR LATER...

"Papa, aalis na po ako. Pierre, hinihintay ka din ni Alejandro sa labas. Reed, mag-iingat ka kay Anne." Paalala ko sa kambal ko na nag-iimpake ng mga gamit niya.

Isasama siya ni Anne sa probinsya nila, doon na din siya mag-aaral. Magaling na siya ngunit hindi pa tuluyan, hindi niya naman na kailangan pang umasa sa akin. Tiwala na ako kay Anne dahil nararamdaman ko na may gusto siya kay Reed.

Si Pierre naman ay pinagpatuloy ang pag-aaral sa Academy, lahat ng school records ko ay inilipat sa pangalan niya. Ginawan na din siya ng sarili niyang identity at pinabinyagan namin.

Ang lahat ng mga kaibigan namin maliban sa akin at kay Ashton ay pinagpatuloy ang pag-aaral nila, sa katunayan ay graduation na nila sa susunod na buwan.

Labinsiyam na ako sa buwan ng Mayo at ngayong araw naman ay si Ashton. Patuloy ang pagbabantay ko sa kanya at pag-aalaga, buong araw kaming magkasama at halos doon na talaga ako tumira sa hospital.

Comatose pa din siya at hinintay na lang na magising. Natanggal na ang bala sa ulo niya at wala naman ng nakitang problema sa kanya matapos ang operasyon. For fourteen months, he's still asleep.

Nagkalaman laman na siya at unti-unti na ding nanumbalik ang natural na kulay ng balat niya. Malaking pasalamat naming lahat ng kahit hindi compatible ang dugo namin ay tinanggap naman iyon ng katawan niya. Since my blood is one of a kind, nag-adjust pa daw ang katawan niya hanggang sa tuluyan na itong in-absorb ng mga organs niya.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now