Chapter 4- Minor Edit

13K 437 37
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin


"Aalis na ako at baka ma-late ako sa last subject ko." Nakangiti silang lahat sa akin, "I had fun. Masaya kayong lahat kasama." Kaya nga hapon na nila ako pinaalis dahil masyado nilang sinubok ang utak ko.

"Hatid ka namin?" Alok ni Alejandro na inilingan ko.

"Maraming salamat sa alok mo, pero kaya ko na."

"Ihahatid ka na namin, Missy." Alok ulit ni Castiel, "Ako ang nagdala sa iyo rito kaya resonsibilidad ko na tiyakin ang kaligtasan mo."

"Oh shut up, Castiel. You heard her already, hindi naman siya baldado." Suway ni Ford rito.

"But you're an angel, babe. Baka may mga masamang tao ang mang-away sa'yo habang nasa daan ka." Katwiran naman ni Alejandro.

"I can handle myself, boys. Thank you for accommodating and entertaining me. Aalis na ako, salamat ulit."

Tumalikod na ako at naglakad palayo sa kanila.
Dumaan ako sa mapunong parte nang mabilis ako na makarating sa Senior High building. May mga pintuan ang bawat silid aralan sa unahan at ganun din dito sa likod. Ang hallway ay nasa gitna ng gusali.

Nakatingin ako sa ulap ng bigla akong may mabunggo.

"Sorry, nasaktan ka ba?" Isa siyang babae na matangkad ng konti sa akin.

Mukhang nagalit siya sa nangyari.

Nakakrus ang mga braso niya akong nilisikan ng mga mata at nagsalita, "So you're the slut." Pagkatapos no'n ay may mga naglabasang babae na pumalibot sa akin.

"Answer my question, you slut. Sino ka at bakit mo nilalandi ang mga King?" May bahid ng galit niyang tanong.

Napatingin ako sa mga nakapalibot sa akin, may mga hawak silang baseball bat at kadena. Gagawan nila ako ng masama kahit wala akong nagawa sa kanila? Mali 'yon.

"Ako si Reese. Hindi ko sila nilalandi, nakikipagkaibigan lang ako." Katwiran ko.

"Huh? Say that again after we beat you up. Simulan niyo na!" Sigaw niya at isa-isang lumalapit sa akin ang kanyang mga kasamahan.

"Don't force me to fight back, ladies. You don't know who I am and what I'm capable of." May ilang nag-alinlangan na napaatras. Mukhang naalarma sila sa sinabi ko.

I can threaten people that easy, 'yon ang sabi ni Papa. Hindi na kailangan ng effort kapag gusto kong magbanta, sa boses ko pa lang matatakot na ang kalaban.

"Yah!" may isang sumugod at inambahan ako ng baseball bat. Tumagilid ako para umiwas at umatras.

My senses are stronger and sharper, I can sense something behind my back. Umatras ako at sinipa ang baseball bat na tatama sana sa ulo ko. Kahoy lang iyon kaya nabali at nabitawan nang isa. Umatras siya na may kasamang sindak sa kanyang mukha.

May kadenang pumulupot sa leeg ko at napaatras ako kasama ng may hawak nito. Yumuko ako ng mabilis at natumba siya sa harapan ko, nabitawan niya ang kadena kaya tinapon ko iyon sa papasugod pa sa akin. Nang masalo niya iyon ay binangga ko siya ng kanang braso ko na ikinatumba niya din.

Weaklings. That's how girls like them act. Malakas lang dahil may mga kasama.

May naramdaman akong tumama sa likod ko. Nilingon ko ang humampas at nanlalaki ang mga mata niyang napaatras. Nabali ang kahoy na tumama sa likod ko.

Sinuntok ko siya sa mukha, sakto lang ang pwersa para hindi siya tumilapon.

Three down.

"Nadumihan ang uniform ko at nagkalat na ang hibla ng mga buhok ko. Ayaw ko pa naman na madudumihan ang damit ko." Inayos ko ang aking buhok, hindi kasi ako marunong magpusod kaya nasanay ako'ng si Mama ang palaging gumagawa no'n sa akin. Hinubad ko ang blazer ko na kulay grey at inilapag iyon ng marahan sa damuhan. Nakaputing long sleeve na lang ako at miniskirt, buti na lang at may suot akong cycling shorts.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now