Chapter 40

8.5K 255 3
                                    

Reese

Nakatayo sa harap ko ang lalaking nagawang manipulahin ang aking pag-iisip. Ang lalaking hindi ko matanggap na kilalaning ama. May mga bantay sa kanyang likod at kaming dalawa lang sa gitna ng silid.

Maraming bantay ang nakapalibot sa abandonadong bahay na pinasukan ko. Wala na din akong dalang armas dahil sa pag-iinspeksyon ng isang clone kanina.

"Wala man lang bang yakap diyan, anak?" Nakangiti niyang wika, na parang wala siyang kasalanan sa akin, "I missed you so much. And this is the best time for celebration. For our reunion."

"Huwag mo akong tatawaging 'anak' dahil ni minsan, hindi kita tinuring na ama. Hindi ikaw ang ama ko."

Sinulyapan ko si Papa sa likod niya, nakagapos ang dalawang braso nito at puno ng pasa sa mukha. Kitang kita ko kung paano siya manghina. Laylay ang mga balikat niya at halos hindi niya na maimulat ang kanyang mga mata. Mukha siyang pagod na pagod.

"Hindi mo ba na-miss ang Papa mo? Na-miss kita, alam mo 'yon?"

"Wala kang puwang sa puso ko."

"Oh, you don't have a heart. A beating organ that keeps you alive, maybe." May kasamang iling na sabi niya.

"Hindi ikaw ang ama ko."

"Ako ang totoo mong ama at hindi na iyon mababago. You are my blood and flesh. Kayo ng kakambal mo." Giit niya.

From an adorable old man, I can only see him as a total demon now. Ang demonyong nanakit sa lalaking tumanggap at umaruga sa amin.

Ikinuyom ko ang dalawa kong kamay at tinignan siya ng mariin sa kanyang mga mata. Gusto ko siyang saktan ngayon na mismo dahil sa ginawa niya sa aking ama.

Si Hideo Cohlsin at Elizabeth Cohlsin​ ang mga totoo kong magulang. At ang namayapa kong ina na hindi na namin nasilayan ni Reed.

"Walang ama ang magagawa ang ganitong klaseng kahayupan sa kanyang mga anak. Iisa lang ang kinikilala kong ama at hindi ikaw 'yon."

Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, parang nag-apoy din sa galit ang kanyang mga mata.

"I saved your lives." Kaila niya sa madiing boses.

"Well, you should have just let us die. You made us an instrument. Your very own children as an instrument to get your revenge. We didn't want to be like this."

"The past cannot be undone, my child. But I will have you back. After all, tayo ang totoong pamilya." Humakbang siya papalapit sa akin kung kaya ay napaatras ako.

"Isang hakbang pa, papatayin na kita dito mismo." Banta ko na nagpataas sa sulok ng kanyang labi at kapagkuwan ay tumalikod siya at tumawa ng pagak.

"Such a lovely young lady, just like your mother. Do you want me to tell you how our love story started? Unless ayaw mong makilala ang Mama mo." Tumabi siya sa pwesto ni Papa at prenteng umupo sa bakantang bangko doon.

"Umpisahan mo na." The truth will set me free. Kapag nagkwento siya ay malalaman ko na ang lahat at mabubuo ang akibg pagkatao.

"Now, curiosity. Hmm. Your curiosity will hurt you, your mind I mean. Are you ready?" Humalukipkip ako.

Pilit namang napailing si Papa, parang ayaw niyang​ malaman ko ang mga bagay tungkol kay Mama.

Bakit? Karapatan ko iyon at handa ako sa kung ano man ang maririnig ko.

Napatawa uli siya at inayos ang kanyang buhok, "I was just fifteen when I found your Mom, she exactly looks like you during her age. Except that she smiles a lot and often laughs with my silly jokes since I'm a geek and don't have humor at all. Niligawan ko siya pagtuntong namin ng kolehiyo, without her knowing what I'm capable of. I'm a genius kaya nasali ako sa accelerated program, since I really love discovering things. I was just seventeen when I graduated from that special school. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral sa kolehiyo, nakikisabay sa utak ipis na mga kolehiyala doon kahit sobrang bagot na ako kakapasok araw-araw. Nagtiis ako huwag lang malayo sa ina niyo." Natigil siya sa pagsasalita at napatingala sa kisame. Sariwa pa din sa alaala niya ang mga naganap sa kanila ni Mama. Mahal niya si Mama ng lubusan, ngunit nabulag na siya ng kanyang kasakiman at kagustuhang makahiganti.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now