Chapter 33

8.5K 279 17
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

"Hey. What are you thinking?"

"Bumalik na tayo sa Academy."

"It's too early. Dito na muna tayo, I want to spend my time here with you. They will just piss me for sure." Tukoy niya sa anim niyang kaibigan

"Ganun ka nila ka mahal, Ashton."

"I love them too, but you're above them."

Pinilit ko ang bumangon at pinakawalan niya naman ako. Tumayo ako at pumunta sa banyo upang maghilamos at magtoothbrush. Sumunod naman siya at ginawa din iyon.

"Why do I feel like I don't want to go back to the Academy with you? Are you planning on something?" Nararamdaman niya? Is he a psychic or a mind reader?

"Wala. Ayaw ko lang na mag-alala ang mga kaibigan natin, tara na." Nauna na akong bumaba ng kwarto at lumabas ng bahay. Bago ako pumunta sa gilid ng kotse ay inilibot ko muna ang aking paningin sa buong bakuran.

Maraming klase ng bulaklak ang nandito, sariwa ang hangin at malapad ang bakuran. Mataas na pader ang nakapalibot dito at may poste ng ilaw sa magkabilang dulo. Mataas din ang bakal na kulay itim na gate.

Maganda sa paningin ko ang lugar. Maging ang bahay ay ganun din, lalo na kapag nasa loob ako.

"Let's go?"

*******

"Sandali." Pigil ko sa kanya bago siya humakbang palayo sa akin.

"What?" Matigas niyang tanong.

He's back to his normal self.

Ang Ashton na cold, heartless at laging nakakunot noo. Walang paglalambing at flowering words. Walang ngiti sa mga labi, tanging blankong mga mata. Walang ekspresyon sa mukha at nakakunot noo.

"Salamat. Huwag na sana maulit ang nangyari."

"If I see you again, I'll make sure that you will go straight to the hospital. Or to be honest, in a funeral home." Naglakad na siya at hindi na ako nilingon pa.

Nakatayo lang ako sa harapan ng main building, kakapasok lang namin.

Tama ba ang ginawa ko? Paano kapag naalala niya ako? Magagalit ba siya sa akin? Kamumuhian niya ba ako?

Magiging masaya kaya siya kay Leonora? Maliligtas na kaya siya dahil sa ginawa ko? Wala na kayang maghahabol sa kanya?

Hindi pa ako nakakahakbang ay may humaklit na sa braso ko at hinigpitan ang pagkakahawak doon. Tinignan ko at sinalubong ang nag-aapoy niyang mga mata.

May kasalanan ba ako sa kanya? Galit ba siya sa akin? May mali ba akong nagawa?

"Ford, stop it! Ano ba?" Awat sa kanya ni Castiel na mukhang nag-aalala.

Kinalas niya ang kamay ni Ford​ sa braso ko at inilayo ako dito.

"Where is she, Reese? Where is she?!" He's holding his emotions. He's mad, frustrated, and worrying at the same time.

"Sino'ng siya, Ford?" Kakabalik lang namin ni Ashton at wala akong alam sa sinasabi niya.

"You can make a fool of Vhon but not us, Reese. Saan mo siya dinala?!" Akma niya akong lalapitan ng pumagitna naman sina Mario at Edu. Pinigilan siya nina Jomarie at Alejandro sa magkabilang balikat at pilit inilalayo sa amin ni Castiel.

"Lower down your voice and calm down. Ayaw mo naman sigurong makahakot ng atensyon, diba?" Jomarie

"No! Not until I find her. Not until I am sure she's safe!" Galit na galit siyang nakatingin sa akin. If looks can kill, I may be dead now.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now