Chapter 44

8.2K 252 25
                                    

Pierre

Reese, kung naririnig mo ang mga dasal ko. Ang sasabihin ko lang...

Walanghiya ka! Iniwan iwan mo kami! Lalo na si Vhon na halos wala nang ibang ginawa kundi ang maglasing at mambugbog! Mamaya iiyak at tatawa! Nababaliw na 'to! Bumalik ka ng bruha ka!

Kung hindi mo ipinasa sa akin ang responsibilidad mo kuno, edi sana masaya na kami ni Alejandro my honeybabes!

"Pare, tama na 'yan." Inagaw ni Jomarie sa kanya ang bote ng alak at tinago nito sa likod.

Walang anong tumayo si Vhon at nagpunta sa bar counter, kumuha ng isang bote ulit at binuksan iyon. Akmang iinomin niya nang agawin naman ni Edu ang alak sa kamay niya.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo, ha?" Pikon na tanong ni Edu.

Nakatingin lang kami sa kanya, ayaw ko namang tumayo sa harap niya at magpanggap na si Reese dahil ayaw ni honeybabes. Baka kung ano daw ang gawin sa akin ni Vhon, lasing pa naman.

Hays. Kawawa na talaga si brother-in-law ko.

"Love, doon ka na muna sa kwarto natin." Ford kay Charry

Six months preggy na si Charry​ kaya medyo strikto na si Ford sa kanya. Maumbok na 'yong tummy niya eh. Ang cute! Hinihimas ko nga minsan. Haha! At hindi na siya napasok ng skwela! Pero nandito pa din siya sa Academy. Swerte niya kasi malakas kapit ni Ford kaya hindi siya napalabas.

At four months missing-in-action na ang pinakamamahal kong sister kalok-alike. Ganun na siya katagal na nawawala! Kahit sina Papa Hideo nowhere to be found din.

"Give me that!" Lango niyang sigaw at nilapitan si Edu.

Umatras si Edu at nawalan ng balanse si Vhon, bumagsak siya sa sahig at wala ni isang nag-abala na tulungan siyang tumayo.

He deserves it anyway. Tss. As much as possible, I am trying to hide my real color. I'm not a traitor, okay? Yung pagiging mataray ko at palaban ang tinatago ko. Gustong gusto ko nga siyang bugbugin eh, nagpipigil lang ako. Nakakaawa na din kasi ang isang 'to, laging hinahanap si Reese.

"You're wasted, for the nth time." Ford

"Hindi na siya babalik, pare." Jomarie

"You should have let her explain." honeybabes Alejandro

"Sana magkasama pa kayo ngayon." Castiel

Sige pa, gatungan niyo pa at nang magwala na naman 'yan.

Nang mismong konsensya niya ang pumatay sa kanya ng paunti unti.

"I... I was mad that time... I didn't expect it from her... Of all the people I know...? She's my family's enemy the time she did those crimes... I love her so damn much that it killed me slowly... Absorbing what she just confessed..." Gusto kong maiyak sa sitwasyon ni Vhon.

Sadyang naunahan siya ng galit kaya natabunan ng poot ang puso at utak niya ng gabing iyon.

Nung gabing iniwan niya kami sa resort nila, nauna nang umalis si Reese. Na walang pasabi kung kelan talaga siya babalik at kung saan siya pupunta.

"You can't have her back, Vhon. All you can do is wait for her return." Ford

"Kung may naramdaman talaga siya sa 'yo, babalikan ka niya tulad ng huling sinabi niya sa amin." Mario

"I... I badly want to see her... I miss her... So damn much... Please... Find her..." Halos gumapang na siya papunta sa kinatatayuan ni Mario.

Hindi na ako nakatiis, nilapitan ko siya at tinulungang tumayo. Naman! Ang bigat bigat niya!

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now