Chapter 11

12.1K 460 10
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin


"Good evening, ladies and gentlemen! May I have your attention please?" Bating panimula ng Host.

Umupo na ang lahat ng mga mag-aaral at gano'n din ang mga staff sa ibabaw ng stage. Patakbong bumalik na sina Castiel at Ford sa mga pwesto nila kanina.

"Tonight, we are celebrating the 30th acquaintance party for the newbies of our Academy. Oh well, alam naman na ng lahat ang mga nangyayari sa ganitong okasyon bawat taon. Hindi ba? To our neophytes, welcome! Welcome to Black Academy! May you have the courage and strength to finish this school year and the next years of your life inside our marvelous and outstanding Academy! Sana ay isapuso at isaisip niyo ang mga natutunan niyo rito kapag nakalabas na kayo... Ng buhay. May we call on our Headmistress, Miss Anastasia Beverly for the opening remarks?" Tumayo naman kapagkuwan ang respetadong tagapangalaga ng Academy at lumapit sa pwesto ng emcee.

Ang nag-iisang Headmistress.

"Thank you, Miss Alarcon. Good evening to all of you, my wonderful, gorgeous, sexy and very handsome students. For the past years, nasaksihan ng lahat ang patuloy na pag-angat ng paaralang ito sa larangan ng pagdisiplina, pagturo ng leksyon at pagsasaayos ng mga batang patapon ng gobyerno na katulad ninyo." Marami ang nagtaas ng kilay sa huling sinabi ng Headmistress bago ito tumawa ng pagak, "Ngayong gabi, may tatanghalin tayong pinakamaganda sa lahat ng mga binibining nandito at pinakagwapong mukha sa mga lalaki. An old tradition, I know. But that's one of the most awaited moments you all are waiting for, right? Your photos and sideview posts are already taken sa mismong entrance nitong gym. Pagkatapos no'n ay ang ating palaro." Marami ang nakaramdam ng kaba sa sinabi niyang iyon, ang palaro na hindi basta-basta at madali, "Oh, we have our host here so siya na ang bahalang magsabi sa inyo ng pagsunod-sunod ng program ngayon gabi. Let's not spoil this night, kids. Make the most out of it especially for the newbies since may mga iba sa inyo dito, na tanggapin na lang nating... Hindi na makakaabot bukas. That would be all, thank you. To all the losers in here, just give up and die!" Nakangisi ito ng sa demonyo at bumalik sa kanyang upuan.

Marami pang sinabi ang ilang guro at staff ng Academy pero iniisip ko na ang pagkain. Nakikinig naman ako kahit gutom na ako.

"So chill na muna tayo, ano? Haha! At salamat sa ating napakagandang Headmistress together with our lecturers for their wonderful opening remarks and messages. Why don't we eat first? Para naman may laman ang tiyan nating lahat lalo na sa mga newbies natin na maglalaban mamaya? Pangit naman siguro 'yong mamamatay ka ng walang laman ang iyong tiyan, hindi ba? DJ, magpatugtog ka ng pinakamagandang musika!" Kasunod no'n ay umalingawngaw sa buong paligid ang isang maingay at masiglang kanta.

"Huwag kayong kabahan, handa ako sa kahit na ano'ng mangyari ngayong gabi." Kanina ko pa sila sinusubukang pakampantehin pero hindi iyon tumatalab.

Kasama namin ang ilang kaklase namin sa iisang subject, pang anim na katao ang bawat mesa. May mga nakahandang pagkain at inumin sa gitna na may kasamang mga bulaklak. Maganda at malinis ang chair at table setting. Gano'n sa buong gymnasium.

Maging ang mga kapwa ko mag-aaral ay nakabihis silang lahat. Naka-gown at tuxedo. Mga nagpaganda at sabi ni Terry ay feeling maganda.

May nakita akong babae kanina, siya daw si Queen Leonora Addis. Ang sinasabing Reyna ni Vhon, na tinatawag kong Ashton. Nanlilisik ang mga mata niya at parang gusto niya na akong patayin. Ang sabi ni Charry ay naiinggit lang 'yon sa akin.

Ano ba ang inggit? Wala naman akong nagawa sa kanya para kainggitan niya ako.

"Ikaw ba, Reese. Hindi ka ba natatakot? Alam mo bang kalat na sa buong junior at senior high students na malapit ka sa mga Hari? Siguradong marami ang gustong mawala ka dito." Sabi ng kaklase ko sa PE na si Kelly.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now