Chapter 2

16.4K 515 34
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin


Kumatok ako ng tatlong beses, nang walang nagbukas ay inilabas ko ang susi ko at akmang ipapasok sa keyhole nang may biglang magbukas ng pinto.

"New student?" Tanong ng babaeng nakalugay ang buhok.

"Oo. Ako si Reese at dito na ako mananatili pansamantala. Maaari ba akong pumasok?" Nilakihan niya naman ang pagkakabukas ng pinto at pinatuloy ako.

Bumungad sa akin ang isang pinto sa kanang dulo, iyon siguro ang kwarto namin. Sa harapan ko naman ay sala set na may dalawang mini couch at isang mahaba, may maliit na crystal table sa gitna. Sa kaliwang dulo naman ay ang kusina at dining table. May nakita din akong pinto sa gilid.

"Hello, Reese. I'm Teresa but call me Terry, at may isa pa tayong kasama dito, si Charry. May pasok siya ngayon so tayong dalawa lang muna dito. Ilang taon ka na? Saang school ka galing?" Umupo muna kami sa mini couch.

"Seventeen na ako. Homeschool ako, ngayon lang ako nakapasok sa totoong paaralan. Ikaw?"

Sa dalawang taon ng pagtapak ko sa mundo, ngayon lang ako nagkaroon ng kausap na babaeng kasing edad ko, matino kung ikokompara sa Therese kanina sa labas. Maganda si Terry, serious type na medyo mahinhin. Mukha din siyang matalino.

"Talaga? Seventeen din. Alam mo ba itong pinapasukan mong school?"

Tumango ako, "Pagmamay-ari ng Black Mafia. Delinquents o mga patapon ang nag-aaral dito."

"Well, that's true. Alam mo naman siguro ang mga masasamang nangyayari dito, tama?" Bakit parang hindi siya makampante. May masakit ba sa kanya?

"Oo. Ang sabi ni Papa normal lang naman 'yon dito kaya nga pinagpasya ko na dito mag-aral. Huwag kang mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko."

"Ganyan din ang sinabi sa akin ni Aisha bago siya n-namatay." Now I know why she's scared, "Very famous ang case niya because a mafia heir killed her."

I can handle myself more than she thinks. I am capable of something she doesn't think I can't.

"Iba ako, iba din ang Aisha na tinutukoy mo. Ano'ng grade ka na pala?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Grade 11 na ako. Ikaw? Halika, ituturo ko sa 'yo ang kama mo." tumayo kami at tinungo ang pintong nakasara. Binuksan niya iyon at may tatlong kama na nakahilera, "Doon ka sa may tabi ng bintana matutulog. Ako sa gitna at si Charry dito. Kung may tanong ka, tawagin mo na lang ako."

"Salamat Terry, pareho pala tayo. Grade 11 na din ako. Ano ang strand mo?" Nagpunta na ako sa kama ko at ibinaba ang dalawang bag ko. Sinimulan ko nang ayusin ang mga damit ko at nilagay sa bakanteng cabinet. Konti lang naman ang mga gamit ko, hindi din ako mahilig mag-ayos masyado. Ayaw kasi ni Mama na nagpupulbo ako o naglalagay ng lipstick. Ayaw niya din akong magsuot ng mga malaswa o masyadong maikling damit na sinang-ayunan ng mga boys.

"Fashion designing ako, ikaw? Sa Fashion industry kasi ang damily business namin kaya no choice ako. Nga pala, gusto mo ipasyal kita pagkatapos mo diyan? Malaki din itong Academy. Saka sa cafeteria na lang tayo mag-lunch." Ang bait niya.

"Gusto ko ang mag-eksperimento." Para kay Reed, "Huwag na, Terry. Baka maabala ka pa, dalawang taon din ako dito kaya siguradong malilibot ko din ang buong lugar." Nilingon ko lang siya saglit.

"Ah. Chemical engineering? O maging scientist? Wow. Siguro ay mataas ang IQ mo. Mukhang may ibubuga ka din naman. Basta ba, huwag kang lalagpas sa mga limitasyon ng student boundaries sa paglilibot. May pupuntahan lang ako, ikaw na ang bahala dito ha. Baka ma-late ako eh, ang layo pa naman ng Senior High building." Paalam niya sa akin. Binigyan niya pa ako ng matamis na ngiti.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now