Chapter 53

8.1K 244 3
                                    

Vhon

I don't want to lose hope, never will I.

Halos wala na akong natirang lakas ng lumapit ang isang bantay sa akin na may dalang tray ng pagkain.

Yes, they're serving me food, enough to keep me alive for the last 24 hours. Isang beses sa isang araw lang nila akong binibigyan.

Bago niya ako iwan ay pasimple niya pa akong sinulyapan at sa pagtalikod niya ay may nahulog na dalawang paper clip sa kanyang kamay. Patago ko itong inapakan para walang makapansin.

Shit. Ito na ba ang sign? May kakampi ba kami dito?!

Mapapamura ako ng Filipino kapag nakalas ko lang ang isang kamay ko sa pagkakadena!

Sinulyapan ko si Reese na himbing sa pagkakatulog at palutang lutang sa kristal na kapsula. May isang ngiti ng pag-asa ang sumungaw sa aking mga labi. Ginanahan akong kumain, kailangan ko ng sapat na lakas. Nangayayat na ako at baka hindi na naman ako makapanlaban mamaya.

Pagkatapos kong kumain ay hinintay ko munang mawala na ang lahat ng bantay na nakatingin sa akin. Maging ang mga scientists na panay tingin ng mga chemicals sa kanang gilid ko ay wala na din.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang clip na nasa ilalim ng paa ko. Itiniko ko ang isang dulo ng clip upang magmukha itong tension wrench na paper clip at ang isa naman ay pinanatiling tuwid.

Iinlagay ko ang tension wrench paper clip sa ilalim ng keyhole at itinulak ito. Ipinasok ko ang pick sa tuktok ng keyhole, na tinatawag na paggugupit linya. Ang gunting na gupit ay binubuo ng mga tulos na tumugma sa mga mababang grooves sa key sa lock na iyon. Saka ko ipinasok ang tuwid na clip sa tuktok ng keyhole, laban sa mga pin sa linya ng paggupit.

Nang napasok ko na ang pick paper clip sa tuktok ng keyhole, naramdaman ko ang mga pin push up habang hinahatak ko ito. Sa parehong oras na mabilis kong hilahin ang clip na pang-pick out, pinasada ko ito pataas laban sa mga pin, nag-apply ako ng kaunting pag-igting sa dulo ng tension wrench paper clip. Naglagay din ako ng tensyon pa-clockwise, konting kombinasyon na lang ng ikot ng sa wakas ay narinig ko ang mahinang pag-click at natanggal na sa kaliwa ko ang kadena. Hindi ko muna tinanggal ng tuluyan at ginawa ko din iyon sa kanang kamay ko. Nang makalas ko na ang dalawa kong kamay ay nagpasulyap sulyap ako ng palihim sa paligid ko. Sa likod ko ay may isang bantay pero busy siya sa pagbabasa ng dyaryo.

Tangina! Nagawa ko!

"God, if I will die today. May Reese survive this one. I'll be much happier to see her live a normal life than seeing her inside that capsule. Prisoned and asleep." Nagdasal pa ako at kabadong paunti-unting lumapit sa pwesto niya. Abot langit ang kaba ko sa gagawin ko. Tangina talaga!

Nang hindi pa din ako natatapunan ng tingin ng bantay ay pasimple kong sinuntok ang kristal, walang tunog na nagmula doon pero nakaramdam ako ng kirot sa aking kamao.

Napasandig ako sa kristal at hapong kinausap siya kahit imposibleng maririnig niya ako. Huminga ako ng ilang beses at hinampas hampas ang kristal.

Sumalakay sa puso ko ang lahat ng kabang naramdaman ko at kabado akong napalingon sa sumigaw at patakbong lumapit sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at animo ay aatakihin ako sa puso. Kinalampag ko ulit ang kristal.

"Damn it! Wake up, sweetheart!"

Humugot ako ng mahabang paghinga at kinuyom ko ang kamao ko na kahit masakit na ay nilakasan ko pa din ang loob ko.

Parang slow motion ang pagsigaw ko, pagsigaw ng bantay, pagtama ng kamao ko sa kristal at pagputok ng isang baril.

Tumama ang kamao ko sa kristal at naramdaman ko ang matinding sakit at hapdi na dulot ng ginawa ko.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon