Chapter 30

9.5K 285 2
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

Nagising ako na ang bumungad sa akin ay ang dalawang mukha na titig na titig sa akin.

"Magandang umaga, bakit?"

"Ano'ng oras ka na naman umuwi kaninang umaga, ha?" Unang banat ni Terry sa akin.

"Nandito na ako alas dose ng hatinggabi, Terry." Bumangon ako at humikab. Hindi ko ramdam ang pagod sa ginawa ko kagabi, "Pinuntahan ko lang naman si Ashton."

Nagtaas siya ng kilay at sinuri ang mukha ko.

"Are you sure?" Paniniyak niya na may nag-uusig na tingin.

"You can ask him if you want. Lalabas din kami ngayong araw, may pupuntahan lang kami saglit."

May pumasok sa utak ko bigla kagabi at napagdesisyunan ko na bisitahin si Ashton. Nagpaalam kasi siya sa akin na pinapatawag siya ng parents niya kung kaya ay umuwi siya, buong araw kaming hindi nagkita dahil sa cellphone lang siya nagpaalam. Pagdating ko sa bahay nila ay nagkakasiyahan ang mga kaibigan niya habang siya naman ay tulog na sa kanyang kwarto kaya umakyat ako doon. Nadatnan ko siyang payapa at natutulog ng mahimbing. Hinaplos ko ang kanyang buhok niya na lagi na lang hindi nadadaanan ng suklay.

Para siyang anghel kapag tulog. Yon ang nasabi ko sa aking sarili ng pagmasdan ko ang kanyang mukha.

"Hindi na talaga kita kilala, Reese. Tsk. Kelan ka ba namin nakilala ng lubusan? Alam mo, napapaisip na talaga ako kung bakit nahiligan mo na ang lumabas tuwing gabi. Huwag mong gawing alibi ang pagkikita niyo ni King Vhon, kagabi lang siguro iyon nangyari." Matigas niyang sqbi na ayaw magpatalo.

"Hindi mo gugustuhin ang makilala ako, Terry."

"Sabihin mo kasi sa amin kung sino ka talaga. Simula nung pumasok ka dito, maraming weirdong bagay ang nangyayari. Malaking himala lalo na sa limang Hari." Mukha na siyang galit, mas may laman na ang sinasabi niya at nanlilisik na din ang mga mata niya.

Galit nga ba siya sa akin?

Totoo na nagpunta ako doon, at nagising pa si Ashton sa ginawa kong paghaplos sa mukha niya. Bumangon pa siya kaagad at kinusot ang mga mata niya, he even thought he's dreaming.

"Kung ano ako sa paningin niyo, iyon ang totoong ako. Hindi niyo na kailangang alamin pa ang totoong pagkatao ko."

Gusto ko din namang makilala kung sino ako, pero wala din akong napala kina Mama. Busy si Papa sa trabaho niya. Si Tatay Dan ay wala pa ding maalala. Hindi niya pa daw ako nakikilala at kung nanaisin ko na maging anak niya ay pwede naman.

Ngunit ayaw ko, sapat na sa akin ang pamilya ko. Ang mga magulang ko na tumanggap sa amin ni Reed ng buong-buo.

Pero hindi ko alam kung bakit nagpapabalik balik pa rin ako sa resthouse para lang makita siya.

"Kagabi lang ako nagpakita sa kanya at sa mga kaibigan niya pero lagi ko siyang binabantayan at tinitignan sa malayo, Terry. Kung galit kayo sa akin ni Charry, patawad. Hindi ako nakatitiyak kung magkakasama pa ulit kami ni Ashton sa mga susunod na araw."

Iba na ang tinging ipinupukol sa akin ni Charry, madalas blangko. Kapag naman sinasalubong ko ang mga titig niya ay nababakas ko doon ang alinlangan, pagkalito at takot. Wala naman akong ginagawa na nagpapalayo ng loob niya sa akin, sadyang siya ang may problema at hindi ako.

"What do you mean?" Ganun pa din ang tono ng pananalita niya.

"Isa sa mga araw na ito ay gaganapin ang engagement party nila ni Leonora, gusto ko lang na makita siya habang pwede pa. Nakausap namin noong isang buwan ang mga magulang niya at doon ko nalaman ang tungkol sa kasunduan ng mga magulang nila."

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now