Chapter 49

8.1K 237 30
                                    

Reese

Pagkatapos kong makipag-usap sa mga magulang ni Ashton ay pinayagan nila akong pumunta muna sa Academy upang makipagkita sa aking mga kaibigan. Miss ko na din sila at gusto ko ng makita ang maumbok na tiyan ni Charry na nasa anim na buwan na din.

Nagkasundo na kaming lahat kasama sina Papa na ipagpalit kami. Kapag nailigtas na nila si Ashton ay saka nila ako babalikan. Iyon din ang naging patakaran na nagmula kay Papa Dimitrios.

Wala naman silang dapat alalahanin dahil hindi ako papatayin ng sarili kong ama. Baka pag-eksperimentuhan ulit, pwede pa. Pero ayaw ko ng mapasukan pa ng mga kemikal ang katawan ko. Tama na ang labinlimang taon ko sa apparatus na 'yon. Gusto ko na ang mamuhay ng normal.

Pagdating ko ng Academy ay kaagad akong pinapasok ng gwardya. Hinatid pa nila ako papunta sa opisina ni Headmistress at yumuko pa siya sa akin ng makita niya ako. Doon ako nagtaka at nalaman ko kung bakit. Pamilya ni Ashton ang nagmamay-ari ng Academy.

Alam niya na din siguro na clone ko lang si Pierre at nagpapanggap na ako upang maipagpatuloy lang ang pag-aaral ko. Walang kaso sa kanya 'yon.

Naglakad ako sa gitna ng field pagkalabas ko ng main building. Parang katulad lang ng unang araw ko dito. Ang pagpasok ko at nabunggo ko si Castiel. Kung paano ako tignan ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. Mga nagbubulungan at may bahid ng pagtataka sa kanilang mukha.

Malapit na ako sa bahay ng pitong Hari ng may sumalubong sa aking mga babae.

Namumukhaan ko silang dalawa. Ang isa ay ang babaeng sinubukan akong ipapatay sa mga kaibigan niya at tumakbo papalayo ng makita niya ang kaya kong gawin. Ang isa naman ay ang nanakit kay Charry. Wala silang mga alipores na nakbuntot sa likod at mukhang wala din silang plano na himukin ulit ako.

"At may gana ka pa palang magpakita dito?" Sabi ng nanakit kay Charry, "I'm Dina and this is Deanna."

"Dito ako nag-aaral kaya karapatan ko iyon. Ano ang kailangan niyo?"

Sabay silang humalukipkip at tinaasan ako ng kilay. Naglakad palapit sa akin si Deanna.

Napatingin ako sa langit, medyo madilim kahit five pm pa lang. Mukhang hindi maganda ang panahon ngayon at uulan ng malakas ano mang oras.

"Yeah, right. Napapaisip ako kung paanong hindi pa napapalayas dito ang bwesit mong kambal. What's her name? Pierre? Gosh. And she's your substitute para huwag kang ma-expel sa mahaba mong absences."

Nakagawa sila ng kwento? Mautak ang mga kaibigan ko kung ganun, pero paano naman nalaman ng dalawang 'to ang tungkol kay Pierre?

"Ano ngayon? Paano niyo siya nakilala, na kambal kami?"

"Fuck that bitchy twin sister of yours, I hate her arrogance. Of course, we have our connections too." Dina

"Para saan ang pag-aksaya niyo ng oras sa amin ng kambal ko?"

"We just found out that you were the reason why King Vhon is abducted and missing." Deanna

"Kaya ko siyang iligtas."

"Graduating na kami ngayong taon and we thank Vhon for that. Kahit mga basagulera kami, hindi pa din kami napapatay hanggang ngayon dahil sa kanya. Let's just say that as respect and gratitude for what he has done for us, we will help you. We won't take any actions against you and we will also protect you." Dina

"Muntik mo ng mapatay si Charry."

Hindi basta basta nabibigay ang tiwala.

"Let's just leave the past, okay? So do we have a deal or what?" Tinignan ko lang silang dalawa at ginaya ko ang pagkakahalukipkip nila.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant