Chapter 54

8.1K 254 3
                                    

*******

Nawasak ang lahat ng kristal na nasa paligid nila. Nabitawan ni Dimitrios ang hawak na baril at unti-unti itong napaluhod na sapo ang magkabilang taenga sa sobrang sakit ng mga iyon. Masyadong malakas at masakit pakinggan ang pinakawalang sigaw ng kanyang anak.

"S-stop..." Nanghihinang pigil niya kay Reese na nagngangalit sa poot na nararamdaman sa puso.

"ISA KANG DEMONYO!!!!" Mas malakas ang sigaw nito na nagpabaluktot sa kanya na napahiga na din sa sahig. Dumugo na ang magkabila niyang taenga dahil sa ginawa ng anak.

Sa mga oras na iyon ay napagtanto niya sa sarili na hindi ito ang tamang panahon upang makuha ang loob ng kanyang anak. Naisip niyang walang epekto dito ang isang linggong pagpapatulog dahil hindi pa din ito pumapanig sa kanya.

Lupaypay na nilingon niya ang anak na kumuha ng hiringgilya sa mesa at itinurok sa binti nito. Nang mapuno iyon ay kaagad na sinaksak ito ni Reese sa ugat na nasa pulsuhan ni Vhon. Nang maubos ay inulit nito ng pangalawa at sa pangatlo ay itinabi niya iyon sa kasintahan.

Namangha man si Dimitrios ay hindi siya nagpadala sa nadarama at muling pinulot ang baril. Pilit siyang bumangon at pinuwersang tumayo. Ilang hakbang mula sa nakahandusay na katawan ni Vhon ay itinutok niya dito ang hawak na armas.

Mabilis ang galaw ni Reese at sa isang iglap ay magkaharap na ang mag-ama. Hinuli niya ang kamay nitong may hawak sa baril.

"You beast, you are my child you shall follow my orders!" Bulyaw ni Dimitrios na hindi niya pinansin.

Muling bumalik sa normal ang kanyang mukha at nawala ang mga kulay abo na ugat sa gilid ng kanyang mga mata.

"Kinilala kitang ama ngunit hindi iyon nagtagal. Wala akong ama na anak ng demonyo. Hindi ka karapatdapat na maging ama namin ni Reed. Isa kang salot sa lipunan." Humigpit ang pagkakahawak niya dito na siyang nagpaigik dito sa sakit. Nabitawan nito ang baril kaya sinipa niya ito palayo sa ama.

"Ahhh! Let go! I am your father! Anak kita at hindi ako ang kalaban mo!" Halos mapaluhod ito sa sakit na nararamdaman.

Binitiwan nga siya ni Reese ngunit kasunod nun ay hinuli naman nito ang kanyang leeg.

"Anak! Ako ang ama mo! Your only father! The real one!" Sinubukan siya nitong hawakan ngunit tinanggal niya ang pagkakasal dito.

Sinapak niya ito sa kaliwang pisngi na nagpatumba dito. Hinding-hindi siya makokontento sa ganun lang kung kaya ay nilapitan niya uli ito.

"Para iyon kay Mama." Hinila niya ito sa kwelyo at muling binigyan ng suntok sa kanang pisngi, "Para kay Papa Hideo."

"No anak, listen to me!" Hindi niya ito pinakinggan at sinipa sa tiyan gamit ang kanang paa.

"Para 'yan sa mga buhay na kinuha mo." Napahawak sa tiyan si Dimitrios at galit na galit. Ni sa hinagap ay hindi niya nakitang mismong anak niya ang bubugbog sa kanya. Ni wala itong alinlangan na saktan siya. Siguro nga ay wala siyang pag-asa na makuha ito kahit patayin niya ang lalakeng iniiibig nito. Isang sipa pa ang binigay nito sa kanya na nagpadura sa kanya ng dugo, "PARA 'YAN KAY ASHTON!"

Napatihaya siya ng maramdaman ang malamig na bagay sa kanyang likod. Pasimple niya itong kinapa at ng mahawakan ay humugot siya ng malalim na hininga. Desperado na siya kung kaya ay ibinigay niya ang kanyang buong lakas na makatayo at itinutok ang baril sa nakatalikod na dalagita. Ilang hakbang na lang ang layo ni Reese kay Vhon ng kalabitin niya ang gatilyo. Sa pagkabigla ay hindi siya nakahuma ng maliksing nakaiwas si Reese at sa isang kurap ay naikuyom nito ang kanang kamao.

Ibinuhos doon ng dalagita ang natitirang pwersa, "MAMAMATAY KA NA!!!" Siyang pagdapo ng kanyang kamao sa mukha nito na nagpatalsik dito palabas sa pinto.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now