Chapter 9

12.2K 373 9
                                    

Terry Aligre


"Terry, hindi ako makatulog." Pukaw sa akin ni Charry. Napatingin ako sa kaliwa ko, himbing na himbing si Reese. Parang walang problema. Beauty rest talaga eh.

"Bakit na naman? Masyado ka yatang excited bukas, sino ba date mo? Si Ford ba?" Pang-aasar ko.

"Himala kapag inaya niya ako. Huwag kang mag-alala, papayag lang ako kung ikaw din ang date ni Castiel." Ang galing niyang mang-asar.

"Pwede ba Charry, huwag mong mabanggit-banggit ang pangalan ng unggoy na 'yon? Tsk. Oh, bakit ba ako na naman ang kinukulit mo ha?"

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko, medyo masakit ang ulo ko." Sabay hilot ng sentido niya.

"Uminom ka na ba ng gamot? Past 10 na oh, baka magka-eyebags tayo nito bukas." Sobrang excited din ako bukas. Haha! Ako kasi ang pumili ng mga susuotin namin eh. Future fashion designer here! Terry Aligre is the name!

"Ano ka ba, samahan mo ako sa kusina." Aya niya

Wala na din akong nagawa kundi ang bumangon at sumunod sa kanya sa kusina. Kumuha ako ng isang tableta ng paracetamol. Ininom niya naman kaagad.

"Oh, may iniisip ka pang iba?"

Makatingin 'to eh.

"Kelan kaya ako makaka-move on?" Anak ka naman ng?!

"Charry naman! Tulog pa sana ako hanggang ngayon, nanaginip na sana ako ng maganda. Tapos ano? 'Yan ang sasabihin mo?" asar!

"Kasi naman eh. Mahal ko pa din si Ford." Ayan, iiyak na naman 'yan.

"Edi sabihin mo sa kanya. Maliit na bagay."

Makasalita parang ako eh, noh? Hindi pa nga din ako maka-move sa unggoy na Castiel na 'yon eh. Tsk. Kabanas! Gigil niya si ako! Akala ko magtitino na siya, tapos ano? Malaman-laman ko lang na may bago na siyang nilalandi?

Tsk. Pare pareho lang 'yang mga Hari na 'yan eh. Sa una lang magaling! Sa una lang maayos! Sa una lang matino! Kawawa ang mga katulad namin ni Charry na seryoso at mapagmahal. We don't deserve them!

"Eh ikaw, wala na bang space si Castiel sa puso mo?" Problema niya ang pinag-uusapan dito, tapos idadamay pa ako?

Naku. Charry moves talaga.

"Alam mo Charry, may sarili akong desisyon. May utak din ako at puso. Ayusin mo 'yang problema mo kay Ford ng matigil ka na sa kakaiyak gabi-gabi." Ilang buwan na ba? Lima? Pito? Isang taon na kaming hindi nagpapansinan ni Castiel. Hindi naman naging kami, walang kaso sa akin kahit forever na kaming hindi magpansinan.

"Parang kahapon lang kasi eh. Hanggang ngayon, ramdam ko pa din ang sakit." Umiiyak na naman siya.

Nilapitan ko siya at hinagod ang likod niya.

"Ikaw kasi eh, sa dami ng hina-hack mo. Yong private account pa talaga niya, 'yan tuloy hindi man lang kayo nakapag-usap bago maghiwalay. Masakit 'yong walang closure, alam mo 'yan." Parang kami lang ni Castiel, hindi naging kami pero masakit na walang break up lines na lumabas sa amin. Hays. Ang labo ng mga lalaki.

"Kung hindi ko ginawa 'yon, edi baka hanggang ngayon nagmumukhang tanga pa din ako. Huhu. Wala naman akong ginawang mali sa kanya ah." Hay. Mahirap talagang pagsabihan ang isang 'to.

"Dapat kasi, kinausap mo siya tungkol dun. Baka malay mo, trip lang talaga niya 'yon."

"Trip? Trip pa ba 'yong nagmessage siya ng 'I love you' do'n sa babae? Eh ni minsan nga hindi niya ako nasabihan no'n eh. Huhu. Tapos ano? Magpapalusot lang siya kapag nagtanong na ako tungkol do'n." Heto na naman.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now