Chapter 10

11.8K 406 19
                                    

Reese Elizabeth Cohlsin

Acquaintance party na. Paano ba ang feeling ng excited? O natataranta? Yung hindi mapakali kasi hindi na makapaghintay para mamaya?

"Terry, bilisan mo naman!" Sigaw ni Charry sa pinto ng banyo. Naliligo kasi si Terry sa loob. Kanina pa nga niya sinasabihan si Terry na bilisan ang pagligo, wala pa namang ten minutes sa loob 'yong isa.

"Are you excited, Charry?" Tanong ko na ikinatigil niya.

"Ikaw ba? Para sa inyo ang party ngayong gabi. Kinakabahan nga ako para sa 'yo eh, baka may nag-aya sa'yo ng away do'n." Balik niya sa akin.

"Kapag ba excited, kailangan katulad mo ang inaakto?" Wala akong maramdaman, "Hindi ka naman makakatanggap ng hamon, bakit ikaw ang kinakabahan para sa akin?"

"Alien ka talaga siguro, ano? Magtapat ka, Reese. Saang planeta ka galing?" Hindi ako alien, at tiyak na taga earth ako.

"Hindi ako alien. Masama ba ang magtanong? Bakit hindi ka mapakali?"

"Patingin ng kamay mo." Tinutukoy niya yung nasugatan sa pagsalo ng katana kaya inabot ko naman. Nanlaki ang mga mata niya at sinipat pa ang palad ko ng ilang beses.

"Walang scar? Walang bahid ng sugat? Paano?" Nagtataka niyang tanong.

"Hindi ko alam."

My body regenerates faster than a normal human body can do if it has wounds. My brain functions efficiently. My body responds quickly. And I can comprehend very well. My senses are very strong. Mas malakas ang pandinig ko, mas maliwanag ang paningin ko at mas matalas ang utak ko sa normal na tao. Kapag nagsabay ang lahat ng ito, wala ng makakawala.

My internal organs are numb as a robot's. No pain, no worries, no suffering, no love.

"Weird? Creepy? Ano ba dapat ang maramdaman ko. Andaming dugo ang nawala sa 'yo sa mga oras na 'yon, at sigurado din akong malalim ang sugat mo. But how possible is it to heal this fast? Six days pa lang 'to, diba?" Nagtataka niyang tanong ulit, "At dapat ay may scar na matitira. Pero paanong wala?"

"I don't know, Charry."

"Oh, ikaw na. Nahiya naman ako at baka sirain mo na ang pinto eh." Sulpot ni Terry na nakatapis ng tuwalya sa katawan.

"Okay. Mabilis lang ako, Reese." Pumasok na siya ng banyo at iniwan kaming natataranta.

"Anyare do'n?" Dumiretso si Terry sa aming kwarto, "Alam mo, Reese, parang nanginip ako ng weird kagabi. Ewan ko ba, parang totoo na hindi."

"Ganyan talaga kapag panaginip, Terry, minsan ay parang totoo pero panaginip lang talaga."

Nagkibit-balikat siya saka pumasok sa kwarto, "Nakita mo na yung gown mo?" Sigaw niya nang makapasok na siya sa loob ng kwarto.

"Oo." Black with the touch of bloody red. Malambot ang tela at maganda ang pagkakadisenyo ng gown. Backless din iyon, may kasama pang gwantes. Mermaid cut sa baba. Bagay daw kasi sa pagkatao ko. Bloody.

Terry really is a good fashion stylist, bagay nga siya sa fashion industry. Magaling siyang bumagay ng kulay at disenyo ng damit sa magsusuot nito. Sa kanya naman ay white dahil daw sa purity. Kasing busilak ng puso niya ang napili niyang kulay. Nasa magkabilang gilid ang strap ng gown, parang laylayan ang hitsura. Cocktail sa harap na pahaba sa likod.

Kay Charry naman ay aqua blue, her favorite color. Tube gown na may strap sa likod. Ball gown ang sa kanya. Para daw malaking space ang mahakot niya kapag nakapwesto na siya sa upuan niya mamaya.

The Perfect Weapon [COMPLETED]Where stories live. Discover now