Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Parang pinipiga ang puso ko. Kaharap ko ngayon ang aking karibal sa puso ni Drake.

Isang dyosang bumaba sa lupa.
Hindi lang ang panlabas na anyo ang maganda dito. Ito ang tipo ng babae na hindi ka mahihiyang ipakilala sa pamilya mo at iharap sa dambana. Nakaramdam ako ng panliliit sa aking sarili. Ano ang laban ko sa kanya? Ano ba ang kaya kong ipagmalaki? May naabot na ba ako?

Ang tangi ko lang kayang i-alay kay Drake ay ang wagas kong pag-ibig sa kanya. Wala ako kayang ipagmalaki kundi ang aking dibdib.

Damn. My insecurities are eating me!

"'Wag sana magbabago ang pakikitungo mo sa akin, Aly. Please. Tapos na ang sa amin. Bahagi na lang ako ng nakaraan niya at alam kong mahal na mahal ka niya."

"Sus! Ano ka ba! Tiwala naman ako kay Drake at sa'yo. Si Drake pa eh patay na patay nga sa akin yon eh.  At saka sabi mo nga, matagal na yun.At tama ka, mahal na mahal niya ako. Hindi naman niya ako pakakasalan kung hindi, diba?"nakangiti kong sabi sa kanya kahit nagdurugo na ang puso ko.

Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman pa si Drake sa kanya. Nakikita ko kung pano siya tingnan ni Drake. Pero hinding hindi ko hahayaang makuha nya sa akin si Drake.

"Sabi nga niya sa akin, gusto na niya magbaby na kami." dagdag ko pa.

Liar! Hypocrite! Sigaw ng isip ko

Pwede na talaga akong maging  artista. Ang galing kong umarte. Mag-audition kaya ako sa PBB para maging artista.

Matapos naming kumain ay napagdesisyonan kong dalawin si Drake sa kanyang opisina at dalhan ng pagkain.

"Hi Marybeth. Long time no see." Maluwang ang ngiti kong bati sa kanyang sekretarya. Hindi man naging maganda ang unang pagkakakilala namin noon, naging close naman na kami nung nag OJT ako dito.

"Hi Aly! Kumusta ka?! Ano ng balita sa'yo? Ang ganda ganda mo naman!" masigla nitong tugon sa akin.

"Eto, ulirang may bahay na ni Drake. Sabi ko sa'yo eh, sa'kin din ang bagsak niya. At saka, matagal na ako maganda." Sabay hawi ng bagong treatment at kulay kong buhok.

Nakita ko itong bumunghalit ng tawa.

"Ikaw talaga, puro ka kalokohan!"sabi nito habang tumatawa pa.

"Hoy hindi ako nagbibiro 'no. Eto oh, katunayan na kasal na kami." At itinaas ko ang kaliwa kong kamay at pinakita ang daliri kong may singsing.

"Aly, tigilan mo na si Boss. May girlfriend na yung tao. At napakaganda pa."

Nangunot ang noo ko.

"Sinong girlfriend? Mas maganda sa akin?" patol ko sa sinabi nya.

"Yung mukhang manikang 'kana. Model yata iyon. Lagi siyang dumadalaw dito. Hindi ko lang maalala ang pangalan.  Trisha yata yun. " Dumagundong ang puso ko.

"You mean, Tracy?"sabi ko.

"Yun! You got it! Siya na nga! Kilala mo?"tanong niya.

"O-Oo. Palagi ba siya dito?"

"Oo. Lagi silang lumalabas ni Boss. Bali-balita nga na siya ang pinupuntahan ni Boss sa mga business trips niya. At saka...."

Alam kong marami pang sinasabi si Marybeth pero hindi ko na naiintindihan. Para akong biglang nabingi at nawalan ng kakayahang makarinig.

Totoo kaya? Pero ang sabi sa'kin ni Tracy, tapos na sila? Nagsisinungaling ba sila? Pinagtataksilan ba nila ako?

Kung totoo man, ano bang ipinagkaiba nito sa mga babaeng dinadala niya sa bahay? Dahil ba alam kong ang mga babaeng yun ay palipasan lang niya ng oras? At si Tracy ay hindi?Nakaramdam ako ng sobrang takot. Hindi. Hindi ako papayag.Akin lang si Drake.

Taming My Ruthless Husband (Revised) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ