- 31 - HE REMINDS ME OF HIM

386 6 0
                                    

[ANGEL'S POV]

"Sige una na ako Angel ha.. ikaw ng bahala diyan.."

"Sige.." at kinawayan ko na si Naomi nung nasa loob na siya ng taxi.. pumasok na ako dun sa restaurant na meeting place daw.. naalala ko tuloy nung hinatid din ako ni Naomi dun sa dae namin ni Prince.. sh*t ano bang nangyayari saakin? bakit ba lagi ko siyang naaalala? umupo muna ako habang iniintay yung kadate ko DAW..

Ilang minuto na ang nakalipas.. wala pa din.. asan na ba yun.. ang sabi ni Naomi naka itim daw eh.. ang dami namang nakaitim dito! nilabas ko muna yung cellphone ko para tawagan yung ka blind date ko DAW.. nasa akin kasi # niya.. binigay niya kay naomi.. ang daya no? sila nakita na nila ako hindi pa.. T_T

Nagriring na siya.. ilang ring na ang nakalipas.. wala pa din.. kaso ang pinagtataka ko.. may nagriring din dito sa loob ng restaurant.. sabay na sabay kung paano mag ring tong sa phone ko.. nilibot ko na ang mata ko pero wala akong makita.. yung mga tao naman hindi lang pinapansin..

Maya-maya nawala na yung ring at inanswer niya na yung call..

"Hello?"

'...' walang sumasagot.. pero naririnig ko yung usapan ng tao na nandito din sa restau.. andito na talaga siya.. asan ba yun?

"Hello? alam mo kung ayaw mong lumabas wag na lang natin ituloy to.. wala ako sa mood para makipaglaro.."

'Eto na lalabas na.. napaka KJ mo naman..' maya maya pa ay may lumitaw na lalaki sa harapan ko..

"Ikaw?" mahina kong tanong sakanya.. siyempre napakadaming tao dito no..

"Ano?" nilapit pa niya yung mukha niya saakin.. kahit nerdy look siya.. he reminds me of someone.. he really reminds me of him..

"Wala.. so ikaw pala yung ka date ko DAW?" lumayo na siya at umupo..

"Oo.. hindi ko din naman alam na ikaw yung kadate ko eh.." tapos ngumiti siya.. hindi bagay yung ugali niya sa itsura niya.. masiyado kasing mabait tignan yung itsura niya pero ang kulit kulit niya pala.. =_=

"So anu na? ano nga pa lang pangalan mo?" sasagot pa lang ako pero pinutol niya agad ito..

"Angel ang pangalan mo diba? at si ate Naomi ang nagdala sayo dito?" p-paano niya nalaman? hindi kaya.. siya yun? may pagkakahawig siya sakanya kaya hindi malayong.. pero hindi.. ayoko na siyang makita..

"Pinsan ko si ate Naomi.. at tinanong ko sakanya ang pangalan mo.. kaya kung anu man yang iniisip mo.. hindi ako si Prince.." mahina niyang sabi na para bang nawala sa mood.. pero hindi daw siya si Prince? nakahinga ako ng malalim pero hindi ko maiwasang manghinayang..

-- chikahan lang ang nangyari~

"Tapos anong nangyari?"

"Wala na.. umalis na ako.." ngumiti lang ako.. tinanong niya kasi ako tungkol sa high school life ko..

"Hatid na kita?" tumango lang ako at ngumiti bilang sagot sa kanya..

Pagkalabas ng restaurant.. hinawakan niya ang kamay ko.. at inalalayan papasok ng kotse.. pumasok naman ako..

-- minutes are pass..

Naalala ko tuloy yung first date ko.. si Naomi din ang may pakana nun diba? napangiti na lang ako habang iniisip ang pangyayari..

"Bakit ka ngumingiti?" napatingin naman ako sakanya.. na nakadiretso lang ng tingin dahil nag dadrive siya..

"Wala.. may naalala lang ako.." dumiretso na lang din ako ng tingin..

"Galit ka ba sakanya?" tanong niya pero nakadiretso pa din ng tingin kaya siguro makikipag usap na lang din ako ng nakadiretso ang tingin..

"Kanino?"

"Tinatanong pa ba yun?"

"Paano mo nalaman ang tungkol saamin?"

"Secret na yun no.." yumuko ako habang sumasagot sa tanong niya..

"Galit ba ako sakanya?" napatawa ako ng kaunti.. "Oo galit ako sakanya.. galit na galit.." bigla naman siyang pumreno..

"Andito na tayo.." napatingin naman ako sa labas.. nandito na kami sa harap ng bahay.. wait.. paano niya nalaman ang bahay ko? napatingin ako sakanya at nakatingin siya saakin habang nakangiti..

"Binigay saakin ni ate Naomi ang address mo.." napatango naman ako.. bakit ba ako laging nageexpect?

Lumabas na ako ng kotse.. lumingon muna ako sakanya at kumaway.. tumango lang siya at umalis na.. 

--

sa loob ng kwarto ko..

Kinuha ko mung yung bag na dala ko kanina dahil andun yung cellphone ko.. habang hinahanap ko yung cellphone ko.. may nakapa akong papel.. wala naman akong naaalala na may dala akong ganito kanina? hindi kaya nilagay niya? sabagay nasa gitna kasi namin kanina sa sasakyan to.. saka ang liit lang nung papel.. na excite naman akong tignan kung anong nakasulat..

Binasa ko agad yung nakasulat.. at hindi ko inaasahan ang nakasulat dun.. hindi pwede.. napatakip ako ng bibig para pigilan ang pagiyak ko.. pero hindi ko kinaya at may tumulo ng luha sa mga mata ko.. dahil nanaman sakanya..

'I miss you my Angel.. I love you so much.. -yourPrince' yan yung nakasulat sa papel..

Ibig sabihin.. siya si Prince?

to be continued..

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ