- 3 - THE WINK

875 16 4
                                    

[ANGEL'S POV]

‘Riiiiing* ‘Riiiiing*

*inat*…*inat*

Ang sarap ng tulog ko ah. Napatingin ako sa suot kong damit at napangiti. Hindi ko talaga lubos maisip na makakadate ko siya. Gusto kong tumili kaso baka magising sina auntie kaya kinuha ko yung unan at tinakip sa muka ko at doon ako tumili.

"Angel?"

"Auntie?! Ah eh…magbibihis na po!"

"Umupo ka muna dito angel." at dahil masunurin ako, umupo ako sa tabi ni auntie dun sa kama ko.

"Bakit po?"

"Boyfriend mo ba yun?" ha? anong…

"Po?! Hindi po!"

"Alam mo pamangkin, wag ka ng mahiya saakin. Manliligaw mo ba?"

"Hindi din po."

"Eh bakit kayo nagdate?!"

"Hindi po yun date auntie, dinner lang po yun." at pumasok na ako ng banyo pero narinig ko pa rin yung sinabi ni auntie kahit nasa loob na ako ng CR.

"Sabi niya kagabi nung hinatid ka niya, masaya daw siyang makasama ka." di ko tuloy maiwasang mapangiti.

*after a couple of minutes…

"Angel, bilisan mo iha." sabi ni uncle. Magsisimba kasi kami eh. Lumabas na ako. Simple lang yung suot ko pero kitang kita ang pagkakaiba ng pananamit ko kaysa sa dati.

"Anong nakain mo? Bakit yata mas gumanda ang pamangkin ko?" salubong saakin ni uncle. Kung nakita lang niya ako kagabi. Tulog na daw kasi siya nun sabi ni auntie.

"Salamat uncle. Tara na po?"

"Oh sige."

Sa simbahan...

Masiyadong madaming tao kasama pa naman namin si Yuri. Pamangkin ko, baka mawala ‘tong bata na ‘to. An likot likot pa naman.

"Yuri wag ka ngang malikot. Gusto mo bang mawala?"

"Po?" nagulat naman ako kasi hindi na si Yuri yung akay-akay ko. Lagot ako ne’to kayla auntie kaso paglingon ko wala na rin si Auntie saka si Uncle.

"Ate sino po kayo?" sabi nung bata saakin.

"Ha? Bata sinong kasama mo?"

"Ah si ku--" lumingon lingon yung bata tapos pag harap niya saakin maluha-luha na siya.

"Wag ka ng iiyak ha? Hahanapin natin kung sino man yang kasama mo."

"Opo."

[PRINCE' POV]

"Kuya kuya! Nakita mo na ba?"

"Ha? Hindi pa, saglit lang." nakakainis naman kasi si Sam. Ang likot likot na bata. Kwento ko na lang sainyo yung nangyari.

[-flashback-]

Nasa simbahan kami ngayon. Nagpumilit kasi ‘tong kapatid ko. Gusto daw niyang mag simba. Ang bait at kung sinuswerte ka nga naman, nandito si Angel. Ewan ko kung bakit gustong gusto ko siyang kausapin tuwing nakikita ko siya parang matagal ko na siyang gustong kausapin.

Napansin yata ni Sam na nakatitig ako kay Angel kasi…

"Kuya? Crush mo siya? Ayhiiieee~ tara kuya lapitan natin siya." lumapit si Sam kay Angel kaso bigla silang nawala sa tingin ko nung dumami yung tao. Lumapit ako kaso isang bata na lang yung nakita ko, yung kasama ni Angel na bata at umiiyak siya.

"Ate Angel, huhu."

"Bata ok ka lang?"

"Kuya, nakita mo ba ang Ate Angel ko?"

"Ha? Gusto mo ba hanapin natin siya?"

"Sige po."

[-end of flashback-]

 

Ayun nga, kinukulit ako ng bata na ‘to na Yuri ang pangalan. Sinuswerte nanaman ako, nakita ko si Sam na umiiyak at nasa harap niya ang isang babae. Nakatalikod yung babae pero sana si Angel na.

Kakalbitin ko pa lang sana yung babae sa balikat kaso humarap na agad siya. Si Angel nga at ang lapit ng muka niya saakin.

[ANGEL'S POV]

"P-prince?!"

"Oh Angel ikaw pala." sabay kaming napalayo ng tingin at nakita namin si Yuri at yung batang napulot ko. Sabi niya Sam daw ang name niya. Mukhang nagkakamabutihan sila ni Yuri.

"Ang sweet nila no?" sabi ni Prince.

"Ha? Oo nga eh."

"Sana tayo din."

"Ano?"

"Ha? Wala, wala akong sinabi." naarinig ko talaga na may sinabi siya kaso 'sana' lang yung narinig ko.

"Sige Prince, alis na ako hahanapin ko pa sila Auntie. Nahiwalay din kasi kami sakanila eh tara na Yuri."

"Sige bye Angel." tapos nag-wink siya saakin.

SUPER FAST FORWARD…

Sa bahay...

Kinikilig ako, period. Ano ba ito, di ko makalimutan yung itsura niya nung nag-wink siya saakin. Ang pogi niya talaga.

to  be continued...

**

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now