- 40 - MOMENTS

352 3 0
                                    

Pagkatapos ng napakasayang pangyayari sa buhay kong iyon. Ang maging Mrs Gonzales hindi tulad ng ibang kasal na dumidiretso sa kanikanilang honeymoon or wedding night andito ako ngayon sa hospital. Kaninang nakawedding gown ay ngayo'y naka hospital gown.

"Hindi ka pa ba inaantok? Umuwi ka kaya muna. Magpalit ka muna." napatawa ako ng makita ko ang suot niyang damit. Nakatuxedo pa din siya kung ano ang ayos niya sa kasal namin ganun pa din ang itsura ni Prince. Umiling lang siya at umupo sa gilid ng kama ko dito sa hospital saka hinimas ang ulo ko at inalis ang ibang buhok ko na humaharang sa mukha ko.

"Mas komportable akong suot ang damit na 'to. Lalo na kapag kasama kita." napatawa lang ako sa sinabi niya.

"Aba tinatawanan ako ng asawa ko?" nakangiti niyang sabi. Mas natawa naman ako. Hindi ko akalain na makakatawa pa pala ako ng ganito sa ganitong kalagayan. Huminga ako ng malalim ng mahimasmasan na ako. Ngumiti lang ako sakanya. Isiniksik ko ang ulo ko sa gilid niya humiga na din siya dun sa kama at nakayakap lang ako sakanya.

"Prince pano pag hindi na ako gumaling?"

"Don't say that." pakiramdam ko may bagay na nakaharang sa lalamunan ko at kapag nakadaan yun ang babagsak ang luha ko. Ayoko nang umiyak. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sakanya.

"Pero Prince paano nga kas---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumigaw siya.

"Hindi Angel! Wag mo ngang sabihin yan." magkaharap na kami ngayon. Hindi ko kayang tignan yung mga mata niya. Nasasaktan ako pag nakikita kong nasasaktan siya. "Makakalabas ka pa dito. Magkakaanak pa tayo. Magkakaron tayo ng mga anak na babae na kasing ganda mo at mga anak na lalaki na kasing gwapo ko." napangiti ako sa sinabi niya at yumakap na lang ulit. Sana nga makalabas ako dito. Sana nga matupad ko pa iyon. Sana mas makasama pa kita ng matagal Prince.

Nagising ako dahil sa malakas na pagalog ng higaan ko. Nagulat ako ng bumungad ang mukha ni Yuri sa mukha ko. Nakangiti siya ng malapad at nakapigtail ang buhok niya.

"Ano ba yan Yuri nagising tuloy ang ate Angel mo." sabi ni Auntie habang inaayos ang mga prutas sa table sa gilid ng kama ko.

"Si Prince po?" pambungad kong tanong. Ngumiti naman si Yuri saakin at mas lumapit pa.

"Ate umuwi muna si Kuya Prince para makapagpalit ng damit at makakain. Ate bakit ang laki ng eyebags mo? Hindi ka ba nakakatulog ng maayos?"

"Hindi na nga siya nakakatulog ng maayos eh ginising mo pa." sabi ulit ni Auntie kay Yuri at saka lumabas. Naiwan kaming dalawa ni Yuri sa loob bumaba na siya sa kama ko. Napangiti ako ng mapansin ko ang malaking pagbabago kay Yuri hindi na siya yung dating bata na madaling mawala sa malapit na simbahan saamin. Malaki na siya. Balang araw magdadalaga din siya katulad ko. Nagulat ako ng tumakbo siya papunta sa akin at dumamba saka ako niyakap ng mahigpit. Nang humiwalay siya saakin tinignan niya lang ako sa mga mata. Parang sinusuri ako at bigla nanaman siyang ngumiti.

"Yuri sabihin mo nga saakin naaalala mo pa ba nung araw na umakto ka na parang manghuhula at sinabi mong iiwan lang ako ni Prince at sasaktan?" nagtataka kasi ako kasi nagkatotoo siya kahit may medyo misunderstanding lang talaga.

"Opo naaalala ko pa po yun. Ginagaya ko lang po yung kwentong narinig ko nun sa tapat ng school po. Bakit po?" umiling lang ako. Ang totoo niyan wala siyang kaalam alam kung bakit ako nasa hospital. Ang alam lang niya at nilalagnat ako ng sobra at kung bakit nawala si prince nun ay dahil nagbakasyon lang. Ayoko nang sirain ang inosente niyang isipan dahil lang sa gusto kong may mapaglabasan ng sama ng loob. Nagulat ako ng tumalon siya pababa ng kama at tumakbo sa may pintuan kung saan nakatayo ang asawa ko. yiiiieee asawa ko! >///< Lumabas muna si Yuri at lumapit saakin si Prince.

"Gising ka na pala. Akala ko pagnakabalik ako dito tulog ka pa din." umupo muna ako ininda ang panandaliang pagsakit ng ulo ko at pagsikip ng hininga ko. Nang maayos na ako ay tumingin ako kay Prince at ngumiti.

"Pwede bang humiling?" tumango naman siya agad. "Pwede bang lumabas muna? Gusto ko lang magpahangin. Wala namang masama hindi ba?" tumango ulit siya. Lumundag ang puso ko sa saya. Sa totoo lang ang boring talaga dito sa hospital. Agad niya akong pinagpalit ng damit at sumakay kami sa kotse niya. Mabagal lang ang pagpapatakbo niya. Lumapit ako sakanya at yumakap sa waist niya.

"Anong ginagawa mo?" tanong niya. Tumawa lang ako.

"Nanlalambing. Ayaw mo ba?" aalis na sana ako sa pagkakayakap ko sakanya pero hinawakan niya yung braso ko at ibinalik dun. Tahimik lang yung buong byahe. Alam kong imposible nang magkaanak pa kami. Hindi naman sa baog ako or siya pero masiyadong mahaba ang siyam na buwan. Baka di na ako umabot. Alam kong alam niya din yun. Tumigil kami sa tapat ng isang dalampasigan tumakbo agad ako dun at hinubad ang sandals ko sana dinama ang lamig ng tubig. Tinawag ko siya tinanggal na din niya ang sapatos niya. Iniwan namin ang mga mahahalagang gamit sa kotse. Hinatak niya ako sa mas malallim na parte.

"Wag tayo dito natatakot ako." pero ngumiti lang siya. Hindi ko namalayan na masiyado na itong malalim dahil hanggang leeg na namin ang tubig. Mabuti na lang at mahina lang ang pagalon ngayon. Lumubog kaming saglit para tuluyan na kaming mabasa. Natawa naman kami dahil sabay pa talaga kami sa pagahon. Sana palagi na lang ganito. Magkayakap lang kami habang ang ulo namin nakalitaw at nakatingin lang kami sa isa't isa.

Unti unti siyang lumapit hanggang sa naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Iba ang paghalik niya ngayon. May parteng nasasaktan siya na nagsasabing ayaw niya akong mawala. Pumatak ang luha ko. Napayakap na lang ako sakanya at inilabas na ang nararamdaman ko na kanina ko pa kinikimkim.

"Prince bakit ganun? Bakit kailangang tayo pa? Bakit kailangang ngayon pa? Prince ayoko pang umalis."

"Shhh.." hinagod niya lang ang ulo ko. Nang huminahon na ako ay umahon na kami at umupo sa telang inilatag namin sa buhangin at pinanuod ang paglubog ng araw.

"Naalala mo pa ba yung first date natin?" tanong niya. tumango naman ako.

"Naalala mo din ba nung sinabi mong ok lang kung mauulit yon? Hindi ba parang naulit na at ngayon nagbasa na talaga tayo." napatawa ako ng medyo malakas sa sinabi niya.

"Oo nga no. Ang bilis ng oras. Sana bumalik tayo dun sa panahon na yun." umunan ako sa balikat niya.

"Bukas na ang schedule ng operation ko Prince. Paano kung.............hindi maging..........maganda yung.......resu--"

"Magiging maayos ang lahat. Huwag mong sabihin yan." humiga na kami ngayon. Padilim na ng padilim at ayun dumilim na nga. Unti unti na ko na ding nararamdaman ang pagbigat ng mata ko napahikab na din ako. Umunan ako sa braso niya at dun na natulog. Sa tabi ng taong mahal ko. Ito ang unang araw na tabi kaming natulog.

to be continued..

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now