- 22 - SORRY JASON

409 6 0
                                    

[ANGEL'S POV]

"Ang tagal naman ni Mark.."

"Oo nga eh.. baka jumejebs.."

"Hahahahaha!" tas nagtawanan na kami.. kanina lang ang drama drama neto..

"Ayun may lalabas na yata.."

"Oo nga.." pagsangayon ko..

Napahinto kami sa nakita naming lumabas sa CR.. si Jason.. oo nakuwento na saakin ni Naomi ang nangyari.. pero anong ginagawa dito ni Jason? di lang siya pinansin ni Jason at umalis na.. sinundan lang siya ng tingin ni Naomi.. hanggang sa lumabas na ng CR si Mark na may pasa sa gilid ng labi niya.. nilapitan naman namin agad siya..

"Anong nangyari?" tanong ko.. pero hindi lang niya ako pinansin at tinignan si Naomi..

"Anong sinabi mo sakanya?"

"Ha? yun nga.. na.. m-may mahal akong i-iba.." sinabi niya yan habang nakaiwas ng tingin saamin..

"Sino yung pinakilala mong mahal mong iba?"

"W-wala! basta sinabi ko may mahal na akong iba.." tapos tumakbo na siya palayo.. hahabulin ko na sana siya kaso pinigilan lang ako ni Mark..

"Hayaan mo siya.. kailangan niya talagang magisip ngayon.."

[JASON'S POV]

when: basta nung date nila ni Naomi.. nung ok pa sila..

Kakauwi ko lang galing sa date namin ni Naomi.. grabe ang saya saya ko talaga ngayong ok na kami.. pero di ko maiwasang maawa kay Cheska.. ayoko kasi talagang may nasasaktan ng dahil laang saakin.. tao lang naman ako na hindi na dapat iyakan..

Haaay.. makatulog nga muna..

..

..

.. minutesss.. :))

..

..

Brrrrrrrrrrrrrr.. Brrrrrrrrrrrr..

Grabe.. nakakagulat naman tong cellphone na to kahit naka vibrate lang.. ganda ganda na ng panaginip ko eh.. tinignan ko kung sino yung nag text.. yung buhay ko pala..

From: Mahal

Let's meet at school gate... I have something to tell you..

Kinabahan naman ako.. ano naman kaya? *hingang malalim..

Sinuot ko muna yung jacket ko.. medyo malamig na din kasi sa labas..

--

School gate..

Natanaw ko na si Naomi na nakaupo dun sa may gilidd ng gate.. medyo problemado yung mukha niya.. nilapitan ko siya.. baka nalulungkot lang kasi medyo nalate ako..

"Naomi.." tinignan niya lang ako at ngumiti.. pero iba yung ngiti na yun.. isang malungkot na ngiti..

"Jason.. let's end this.."

"Ha?" ano daw? end? bakit? kala ko ba ok na?

"Jason it isn't working.. sa tingin ko h-hindi na kita m-mahal.." hindi ako naniniwala.. bakit di niya ako matignan ng diretso? hindi... hindi to totoo..

"Don't joke please.. kasi hindi magandang biro yan.." tinignan niya ako.. may nangingilid na luha sa mga mata niya..

"J-jason.. believe me.. ayoko n-nang paasahin ka.." hinawakan ko ang mga kamay niya.. hindi.. hindi to pwede.. kaya ko pang ibalik ang lahat..

"Naomi hindi.. aayusin natin to.. wala ka pa namang ibang mahal diba? aayusin natin to.. magsisimula tayo.. hindi pa naman huli diba?" ayoko.. hindi pwede..

[NAOMI'S POV]

when: ayun.. karugtong nun ^^^^^^^^^^^^^^^^

Hindi ko siy matignan.. ayokong nakikitang nasasaktan siya.. kasi mas nasasaktan ako.. pero.. para sayo ate Cheska.. gagawin ko..

"May mahal na akong iba Jason.." napabitaw siya sa kamay ko.. kumurot naman ang puso ko.. Sorry.. Sorry jason.. Sorry..

"Sino?" napahinto ako.. sinong sasabihin ko? nagisip ako ng mga pangalan.. pero isang tao lang ang biglang pumasok sa isip ko..

"Si Mark.."

"Sino yun? SINO YUN NAOMI?! SABIHIN MO! SINO YUNG GAG*NG YUN?!" natatakot ako.. ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit.. at dahil yun saakin..

"Y-yung.. nakasama natin nung p-pagpaplano n-natin ng romantic p-plan.." nakita ko siyang umaatras..

"Naomi sa huling pagkakataon... bawiin mo lahat ng sinabi mo please? please Naomi nagmamakaawa ako.. please.." napapikit na lang ako.. hindi ko na kaya.. hanggang sa naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.. tinignan ko siya.. nagulat ako kasi nakaluhod na siya habang umiiyak sa mga kamay ko..

"Please naomi bawiin mo.." Jason kung alam mo lang na gustong gusto kong bawiin.. gustong gusto ko siyang yakapin.. pero hindi pwede..

"Sorry Jason pero.. pero.. totoo lahat ng sinabi ko.." at tumakbo na ako paalis..

[PRINCE' POV]

[A/N: hahahaha.. wala lang.. masamang tumawa?]

when: SECRET! HAHAHA SASABOTAHEHIN NATEN SI PRINCE! WAG BIGYAN NG POV!

[CHESKA'S POV]

when: karugtong nung.. basta.. haaay.. basta una tong nangyari bago yang mga yan !

"Sige lalayuan ko na siya.." napatingin ako agad kay naomi..

"Anong sabi mo?"

"Lalayuan ko na siya ate.. para sayo.. kaya please.. ate ibalik natin yung dati.." at yumakap ulit siya saakin.. ewan ko pero yung yelong nakabalot saakin ng mahabang panahon.. natunaw dahil sa lahat ng sinabi niya.. pakiramdam ko.. pakiramdam ko.. ang sama sama kong tao.. yinakap ko na lang din siya.. medyo nagulat siya sa ginawa k dahil nag stiff siya pero naramdaman ko na lang na nababasa na ang bandang balikat ko.. umiiyak siya..

"Salamat Naomi.. hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya sa sinabi mo.. oo ibabalik natin yung dati.. miss na miss na din kita.." biglang bumukas ang pinto.. napaupo si mama sa sobrang gulat.. OA naman.. pero nakakagulat naman talaga kasi para kaming gutom na tigre ni Naomi dati na away ng away.. or ako lang?

"K-kakain n-na.." nag stammer pa si mama.. napatawa na lang kami ni Naomi..

[A/N: nakakalito naman kung iibahin ko nanaman ang POV.. kaya eto isang maikling sentence galing kay Naomi..

'Hindi ko alam kung naiiyak pa ako sa saya dahil bati na kami ni ate or dahil sa lungkot dahil mapapalayo na ako sakanya..'

Yan lang daw po.. tenkyu..]

Masaya kaming kumain.. ang gaan gaan ng pakiramdam ko.. feeling ko tinanggal ko na yung  masikip na maskarang nakatakip sa mukha ko.. hindi na ako nagpapanggap.. masaya talaga ako ngayon..

to be continued..

[A/N: next chapter.. mag fofofcus ako kayla Angel at Prince.. wala na munang side love birds ha?]

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now