- 35 - IS IT THE BEGINNING? AGAIN?

375 5 0
                                    

[PRINCE' POV]

Hindi ko alam na ganito ko pala siya nasaktan.. pakiramdam ko ang sama sama kong tao..

Tutal ayaw din naman niyang makipagusap saakin kaya kinantahan ko na lang siya.. paalis na sana ako dahil mukhang hindi naman siya interesado ng may narinig akong sigaw mula sa bahay nila..

"ANGEL?! ANGEL!" sa pagkakaalam ko sigaw yun ng auntie niya.. napalingon naman agad ako.. sinalubong ako ng uncle ni Angel at sinapak ako..

 "Wag na wag mo an ulit guguluhin ang pamangkin namin! wala ka ng maganda idinulot sakanya!" hinawakan ko ang labi ko na may dugo.. ano ba itong nagawa ko? ang gusto ko lang naman.. maibalik yung dati.. pero paano?..

--

 [ANGEL'S POV]

Ang sakit ng ulo ko.. nagising ako na nasa tabi ko si auntie sa kamay at nakayakap siya saakin.. dahan dahan akong gumalaw para hindi siya magising kaso nagising pa din siya..

"Angel.. ayos ka na ba? wag ka mung gumalaw.. may masakit ba sayo?"

"Ano po bang nangyari at parang worried na worried kayo saakin?" umiwas lang ng tingin si auntie.. at hinawakan naman ang kamay ko saka tumingin sa mga mata ko..

"kagabi kasi.. nawalan ka ng malay.. hindi namin alam ang dahilan pero sa tingin ko dahil yung kay Prince.. pumunta siya dito kagabi.." ibig sabihin.. hindi panaginip ang lahat ng iyon? naalala ko pa yung kanta niya.. pagbibigyan ko nga ba siyang kausapin ako?

"Auntie.. pwede na po ba akong lumabas? gusto ko lang sanang maglakad lakad.."

"Gusto mo bang samahan ka ni yuri?"

"Hindi na po.. atsaka.. baka maboring lang po si yuri sa park.."

"Osige.. lalabas muna ako para handaan ka ng almusal.. sige na't magpalit ka na ng damit.."

"Salamat po auntie.." ngumiti lang siya at lumabas na..

--

Bumaba na ako at kumain ng almusal.. pagkatapos nun at umalis na ako.. tulad ng sinabi ko.. naglalakadlakad lang ako.. ang dami kong lugar na nadaanan.. yung school.. yung restaurant ng first date ko.. yung lugar kung san kami nanuod ng sunset.. inabot din ako ng ilang oras na puntahan lahat yun.. actually nakabike ako.. minsan mag babike minsan maglalakad.. habang pauwi.. hindi ko namalayan na naiba pala ako ng daan..

Sa paghinto ko.. nakita ko yung playground.. kung saan ito ang lugar na pinupuntahan ko kapag masaya.. o malungkot ako.. aalis na sana ako ng may nakita akong gumagalaww doon.. may isang lalaki sa swing.. nakasabunot lang ang mga kamay niya sa ulo niya.. hindi ako pwede magkamali.. siya si Prince.... diba?.. inilagay ko muna saglit yung bike ko sa gilid.. ng wlang ingay.. dahan dahan akong lumapit sakanya.. pero parang hindi niya napapansin..

Umupo ako sa katabi nung swing niya.. grabeng kaba ang nararamdaman ko ngayon.. galit.. lungkot.. pero hindi makakailang.. mahal ko pa din siya..

Dahan dahan siyang tumingin saakin.. at halata sa mga mata niyang umiiyak siya.. umiyak siya?

"Angel.." nakangiti niyang binanggit ang pangalan ko.. gustong gusto ko siyang akapin ngayon.. pero hindi ko yun pwedeng gawin dahil baka mayroon pa ding namamagitan sakanila ni Elise.. lumapit siya saakin at lumuhod sa harapan ko.. hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko.. agad ko naman iyun pinunasan at iniwas ang tingin sakanya..

"Prince.. bakit?" naramdaman kong hinawakan niya ang dalawang kamay ko.. hinahatak ko ito pero hinigpitan niya pa ang paghawak dito..

"Angel.. please bigyan mo ako ng kaunting oras.. ipapaliwanag ko sayo ang lahat.. please.. hindi ko kaya na mawala ka saakin.." maniniwala ba ako?

--

Andito kami sa upuan sa playground.. medyo awkward kasi dun sa swing.. nakayuko lang ako.. minsan di ko maiwasang magdalawang isip na baka panaginip lang ito..

"Angel.. sorry.. hindi ko naman talaga gustong iwan ka.. nakakatawa nga eh.. kung kailan ok na.. saka pa umepal yung mga taong nakapaligid saatin.. hindi ako makapaniwala na magagawa yun ng sariling magulang ko yun saakin.." napatingin ako sakanya..

"Ang sabi nila business.. sorry ulit kasi pinili ko sila kesa sayo.. hindi ko na piniling magpaalam sayo dahil baka mas masaktan ka.. pero hndi ko alam na hahantong sa ganito.."

"Angel.. pilit nila akong pinapakasal kay Elise.. yun lang daw ang tanging paraan para maligtas ang family namin.. pero.." tinignan niya din ako at mas lumapit pa saakin..

"Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan.. diba sinabi ko naman sayo.. sayo ko lang naramdaman yung nagiisang bagay na yun.. Angel.. ikaw lang ang babaeng minahal ko.." nananaginip ba ako?

"Angel.. bumalik ako para sayo.. hindi ba pwedeng.. tanggapin mo na lang ulit ako?" umiling ako.. kitang kita ko yung mga lungkot sa mata niya.. tumayo na siya at lumayo saakin.. tumango lang siya at naglakad na paalis.. napangiti ako.. hindi ba pwedeng magbiro?

"Prince.."

[PRINCE' POV]

Naramdaman ko ang pagyakap ni Angel saakin mula sa likudan ko..

"Prince.. miss na miss na miss na miss na miss na kita!"

"Ako din.." hinarap ko siya at binigyan ng isang matamis na halik..

Angel.. magsisimula ulit tayo..

to be continued..

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now