- 29 - IS IT A GOODBYE?

378 6 0
                                    

[ANGEL'S POV]

"Tara na kasi Angel" eto nanaman po tayo..

"Ayoko nga kasing sumali dun.. saka para na din tayong gate crashers pagnagkataon.."

"Hay naku bahala ka nga.. mamaya na kita kukulitin.. dadalawin ko muna sa hospital si ate.." medyo humina yung boses niya..

It's been 2 weeks na coma yung ate Cheska niya.. kahit di kami close I feel sorry for her..

"Bahala ka.." at umalis na siya..

Kanina pa kasi niya ako inaaya na sumali dun sa prom night sa school namin.. eh parang nakakahiya kasi.. halos lahat ng umaattend dun mga seniors na.. sophomores pa lang kami kumbaga.. haaaay.. pero required na din kami.. 

Nagdedesign lang ako ng project namin.. wala kasi kaming pasok ng buong linggo.. buti nga binigyan kami ng break.. pero tinambakan kami ng asssignments/projects.. haaay buhay..

Napatigil ako sa ginagawa ko ng biglang nag ring ang phone ko.. tinignan ko kung sino yung tumatawag.. hmm.. number lang? Bago lang kasi tong phone ko pati yung sim.. I answer it.

"Hello?"

All I can hear are 'broom broom' sounds.. i mean.. vehicles? ewan basta ganun para siyang nasa open area.. sino ba to? di nagsasalita..

"Hello?"

Wala pa din nagsasalita..

"Look if you're only joking around.. stop it.. cause I'm not interested.." before i hang up.. someone talk in the other line that make my heart beat so fast..

"Puppy.."

And again.. sa hinaba haba ng panahon na hindi ko siya inisip.. na hindi na ulit ako umiyak.. with just 1 word and 5 letters.. my feelings for him back.. bakit ka ba ganito Prince?

"Puppy I miss you.." hindi ako sumasagot.. gusto kong marinig lang ang boses niya pero ayoko din.. binabaan ko siya ng phone..

 Inayos ko na muna yung gamit ko.. mamaya ko na lang ito ipagpapatuloy..

Pumasok na ako ng kwarto at nahiga sa kama.. pagkagising na pagkagising ko.. kakalimutan na kita..

--

"Ready ka na?" hindi.. hindi pa ko ready.. waaaaa.. kinakabahan ako.. first time ko to eh..

"Ah oo.."

"Tara pasok na tayo.." mamaya na lang.. ayokong pumasok diyan..

"Sige.."

Lahat ng tao naka formal dress.. medyo dim yung light.. pero walang disco light! ano to bar?

Sumama kasi ako dun sa prom night.. yup.. you heard it right sumama ako sa makulit na si Naomi.. wala naman sigurong masama diba?

At partner ko si mark! wala daw kasi siyang kasama.. alam niyo naman na siguro kung bakit.. ngayon ko nga lang nalaman na may gusto siya kay Cheska.. nag eavesdrop kasi kami ni Naomi habang kinakausap niya si Cheska sa ospital kaso di sumasagot.. coma nga kasi eh.. haaay buhay..

"Di ka sasayaw?"

"Ayoko.." saka ininom yung juice na kinuha niya para saken..

"Bakit.. prom to eh.. and most likely ang ginagawa dito ay sumayaw.. bakit ayaw mo?"

"Basta ayoko.." tas binelatan ko siya..

Bakit nga ba ayaw ko?

"Tara sayaw tayo.." yaya ko sakanya..

"Kala ko ba ayaw mo?" oo nga no? diba sabi ko ayaw ko?

"Ay oo nga.. sige wag na lang.."

"Hindi sige sayaw tayo.." at sumayaw kami.. pa sway sway lang.. XD

Tinitignan ko lang yung ibang sumasayaw habang sumasayaw kaming dalawa..

"Diba dapat ang kasayaw mo ang tinitignan mo.."

"Ayoko nga.. baka mabulag ako.."

"bakit naman.. sa gwapo kong to? mabubulag ka? tss.. imposible yata yun.."

"ANG HANGIN NAMAN DITO!" napatingin kami sa nagsalita..

Si Naomi kasama niya si Jason mukhang magsasayaw din sila.. ngumiti lang sila saamin..

"Ikaw ang yabang mo! pero sige na nga gwapo ka na.."

"Oyoyoy.. anung ginagawa niyo ah? ikaw naman babes wag mo nga siyang binibiro.. ako lang naman talaga ang gwapo sa paningin mo eh.." binatukan agad ni Naomi si jason..

"Hindi lang ikaw ang pogi sa paningin ko no!" sabay ngiti.. "pero ikaw lang ang pogi dito.." sabay turo ng puso niya..

"Ang lalandi niyo talaga!" singit ni Mark sakanila..

Ayun tawanan lang kami..

Sana andito ka.. sana nakikita mo kung paano nagsasaya ang mga taong iniwan mo.. sana nakikita mo din kung paano ako nasasaktan dahil sa ginawa mo.. sa tingin ko.. pagkatapos ng gabing ito..

Wala ng Prince na nag exist sa buhay ko..

[CHESKA'S POV]

[A/N: oh diba bongga may POv XD]

Ang liwanag.. asan ba ako? anung ginagawa ko dito?

May naririnig akong yabag ng paa pero mahina lang.. pero.. wala akong makitang tao sa paligid ko..

May naramdaman akong humawak ng kamay ko.. pero.. wala akong makitang tao sa paligid ko.. liwanag lang talaga.. asan ba ako?

"Kumusta ka na?" sino yun? sino yung nagsasalita?

"Marami pa akong gustong sabihin sayo.. alam mo ba nung unang araw tayong nagkita ang pinakamasayang araw ng buhay ko.. at nung sumunod na araw din.. at nung sumunod pa.. kaya kung mawawala ka na.. sino na lang ang magpapasaya ng mga araw ko?" may naramdaman akong tubig sa mga pisngi ko.. umuulan ba? hindi naman ako umiiyak..

'Wag ka ng umiyak..' sinubukan kong magsalita pero walang boses na lumalabas..

Natatakot ako.. asan ba talaga ako? bakit may nararamdaman ako pero wala akong makita? bakit may naririnig ako pero wala akong makita? asan na ba ako? hanggang sa may tumulong luha sa mga mata ko..

"Bakit ka umiiyak? naaalala mo ba siya? ok lang siya.. dinalaw ka nga niya kanina kasama yung kapatid mo.. siya pa din ba?" mas humigpit ang nararamdaman kong pagkakahawak sa kamay ko at parang unti unti itong nababasa pero wala akong nakikitang tubig..

"Pag-gising mo.. pag nagising ka na.." medyo basag na yung boses niya.. umiiyak ba siya?

"Pag gising mo may kasama na siyang iba.. kaya pwede bang ako na lang? ako hindi kita sasaktan.. ako hindi kita pagpapalit.. pero hindi naman pwedeng maging ako diba? pero pinapangako ko.. na hangga't hindi ka pa nagigising andito lang ako sa tabi mo.. aalagaan kita.. pero sa oras na imumulat mo na yang mga mata mo para hanapin siya pinapangako ko ulit.. hindi na kita guguluhin.." at naramdaman kong binitawan niya ang mga kamay ko..

Naririnig ko ang mga yapak ng mga paa niya paalis.. sobrang bilis ng tibok ng puso ko.. bakit ganito? hindi siya ang hinahanap ko.. kundi ang lalaking kinakausap ako.. kung tama ako.. ikaw ba yan..

"Mark.." may lumabas na boses sa bibig ko pero pagkatapos nun.. bigla na lang dumilim ang lahat..

to be continued..

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now