- 39 - AT THE BEGINNING WITH YOU.

363 3 0
                                    

[ANGEL'S POV]

I can't explain this feeling. Everything is magical.

Lumabas na ako sa kotse ang unang bumungad saakin ay ang simbahan kung saan kami ikakasal ni Prince. Biglang bumilis ang puso ko. Tinupad niya ang pangako niya na kahit anong mangyayari, matutuloy ang kasal namin. Lumapit saakin si Uncle dahil wala naman na akong tatay. Malungkot din pala no? Bago ako pumasok ay tumingin ako sa langit at ngumiti. Ma, Pa ikakasal na po ako..ang saya saya ko po. Tinignan ko si Uncle saka niya pinunasan yung luha niya.

"Kamukhang kamukha mo ang mama mo..ganyan din siya kaganda nung ikasal siya." napangiti ako dun. Inayos na nila yung veil ko at kumapit ako ng maigi sa braso ni uncle as I walk in the isle. Mas bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko ang nasa dulo ng altar. Nakangiti siya saakin. Pagkahakbang na pagkahakbang ko ay ang pagtugtog ng kantang napili namin ni Prince na kinanta ni Naomi at Jason.

We were strangers starting out on a journey.

Never dreaming what we'd have to go through.

Kusa ng pumatak ang luha ko. Ramdam ko pa din na unti unti ng humihina ang katawan ko. Bakas na din sa itsura ko ang pinagdadaanan kong sakit. Pero pinakasalan niya pa din ako. Kahit alam naming pareho na hindi na ako magtatagal, kahit alam naming pareho na hindi na kami pwedeng magkaanak, pinakasalan niya pa din ako at kuntento na ako dun.

Now here we are..and I'm suddenly standing..at the beginning with you.

No one told me..I was going to find you. Unexpected..what you did to my heart?

When I lost hope you were there to remind me this is the start.

Medyo natawa ako dun sa lyrics ng kanta. Hindi ko nga din alam kung paano niya ako minahal kasi ang bilis diba? Dahil ba nagbago ang itsura ko? Kung nanatili ba akong nerd o manang manang dati at kung di ko nakilala si Naomi..mapapansin pa din kaya ako ni Prince? Palagi yang tumatakbo sa isip ko pero ngayon hindi na importante yun. Ang importante mahal niya ako at mahal ko siya. Sapat na yun.

And life is a road that i wanna get going, 

Love is a river i wanna keep flowing. Life is a road now and forever, wonderful journey.

I'll be there when the world stops turning. I'll be there when the storm is through. 

In the end I wanna be standing at the beginning with you.

Ngumiti siya saakin kaya parang gustong kumawala ng puso ko. Ang pogi pogi talaga ng mapapangasawa ko. Habang palapit ako sakanya ay kasabay ng lalong pagbilis ng tibok ng puso ko. Naiiyak ako sa tuwa pero baka masira ang makeup ko. Sayang naman. Gusto kong maging maganda sa harap niya e. Kahit sa huling pagkakataon. Kinindatan niya ako, kahit kailan talaga ang landi landi neto. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni uncle napatingin naman ako sakanya pero diretso lang ang tingin niya. Siguro napansin niya yung pinag-gagagawa ni prince. Ito na malapit na ako sakanya.

We were strangers on a crazy adventure.

Never dreaming how our dreams would come true.

Now here we stand unafraid of the future at the beginning with you.

Hindi ko na napigilan. May isang pumatak na luha mula sa mga mata ko. Agad ko iyong pinunasan. Hindi ako makapaniwala dati para lang akong hangin sakanya. Hindi ko akalain na darating ang puntong ito..yung puntong papakasalan niya ako kahit alam niyang mawawala din naman ako kaagad sakanya. Masaya na ako dun.

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now