- 41 - A STORY BEHIND HER

354 3 0
                                    

[PRINCE' POV]

"Promise me you'll survive" ngumiti lang siya at mabilis akong hinalikan sa labi.

"I'll promise if you'll promise me to be strong. Kung magiging malakas ka, magiging malakas din ako." tumango na lang ako sakanya bilang sagot at ipinasok na siya sa isang kwarto sa hospital kung saan siya ooperahan. Napasabunot ako sa buhok ko. Paano kung hindi siya makaligtas tulad ng lagi niyang tinatanong? Hindi ko kaya.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Ang uncle ni Angel. Simula ng magkaroon kami ng relasyon hindi ko madalas nakakausap ang uncle niya kaya hindi ko alam kung bakit niya ako ngayon nilalapitan.

"Alam mo ba na noong bata pa lang si Angel ay madalas siyang masugatan hindi dahil sa paglalaro kundi dahil sa pakikipagaway. Ang akala nga namin ay tatanda siya na may pusong lalaki." napatawa siya at ako din. Hindi ko akalain na may ganun siyang katangian. Hindi na ako nagsalita at nakinig na lang sa kwento ni tito.

"Nagbago ang paguugali niya ng pumasok siya ng highschool. Nahihilig siya sa mga pambabaeng damit at kung ano ano pa. Pero hindi yata siya biniyayaan ng mata pagdating sa pagpili ng damit. Hindi na namin siya pinakaelaman sa mga hilig niya. Lumaki siyang matalino pansin din namin ang matamis niyang ngiti tuwing umuuwi siya ng eskuwelahan. Hindi namin sinasabi sakanya pero alam naming umiibig siya." sumikip ang pakiramdam ko. Ang laki ko palang tanga. Wala akong kwenta. Matagal na niya akong gusto. Matagal na niya akong mahal pero hindi ko siya mapansin pansin at ngayong may pagkakataon na kami imbes na maging masaya siya ay mas nahihirapan pa siya.

"Mula sa pagiging matapang at malakas na Angel ay naging mahina siya. Lumipas ang araw na naririnig namin ang pagiyak niya magisa sa kwarto niya. Alam kong may pagkukulang din kami dahil hindi namin siya nabigyan ng payo. Unti unti bumalik ang sigla niya nung mga araw bago ka namin makilala. Bumalik nga ang masigla na Angel pero hindi na bumalik ang matapang at malakas na siya. Lalo na nung iwan mo siya." pumatak na ang luha ko. Napasigaw ako at napasuntok sa pader. Ramdam ko ang pagtulo ng dugo mula sa kamay ko pero hindi ko ininda dahil sa iniisip ko. Nung unang beses naming nagusap nakuha ko pa siyang lokohin hindi ko man lang inisip kung gaano kahalaga sakanya yung mga oras na yun. Naramdaman ko ulit ang pagpatong ng mga palad ng tito sa balikat ko.

"Kung noong malakas pa siya ay ikaw ang kahinaan niya, ngayong mahina na siya ikaw na ang nagiging lakas niya. Paano siya makakukuha ng lakas sayo kung ikaw mismo sa sarili mo ay hindi nagiging malakas?" iniwan na nila akong magisa doon sa tapat ng pintuan ng operating room. Naupo muna ako sa tabi. Kailangan ako ni Angel ngayon. Naglakad ako papunta sa malapit na chapel sa loob ng hospital at doon nagdasal. Pagkatapos ay nakarinig ako ng takbuhan ng mga nurse sa labas agad ko naman silang sinundan. Ang hindi ko inaasahan ay ang makita kong sunod sunod silang pumasok sa kwarto kung saan inooperahan si Angel.

to be continued..

[A/N: 2 or 3 chapters to go +epilouge~ weeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee then mag oongoing na ang baby blue eyes. pakibasa po din yun ah? thanks i love you~ :* ]

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt