- 4 - SPECIAL CHAPTER (started in the convenient store)

867 16 1
                                    

[NAOMI'S POV]

When: after niyang ihatid si Angel dun sa first date niya.

Masaya ako para kay Angel. Ramdam ko yung saya niya. Ibang klase talaga mainlove, ako kaya kaylan maiinlove? Asa pa ako, hindi na ako sumakay ng kotse instead, naglakad lakad muna ako. May nadaanan akong isang convenient store kaya pumasok muna ako, nagugutom din ako no. Todo effort kasi sa pagmakeover kay Angel.

Bumili lang ako ng slurpee saka bigbite. Umupo na ako at nagsimulang kumain.

"Excuse me miss? Pwedeng makishare ng table?"

"Ha? May isa pa namang space dun oh. Walang tao." sino ba namang hindi magsusungit kapag makakausap mo ‘to? Siya lang naman si Jason, yung pasaway na kaibigan ni Prince. Hilig ako niyang pagtripan eh.

"Eh dito ko gusto."

"Edi umupo ka diyan.." at umupo nga siya. Asa naman siyang sasabayan ko siya, lumipat ako dun sa isang space ng table.

"Uy Naomi naman eh bakit ba ang init ng dugo mo saakin?"

"Huh? Sino ka? How do you know my name?" feeling close?

“Bati na tayo, di na kita pagtitripan. Sino ba namang gustong pagtripan ang crush niya diba?"

"Ha?" nagulat naman ako. Ano daw? Crush? We?

"Joke lang yun, bati na tayo ha?"

"Ok." parang nalungkot ako nung sinabi niyang 'joke.' Ano ba Naomi! Wag ka ngang magpadala diyan sa ugok na yan. Bumalik yung senses ko nung ininuman niya yung slurpee ko.

"Waaaaaaaaaaaa!!! Bakit mo ininuman?"

"Ubos na kasi yung akin. Ito naman konti lang naman eh."

"Kadiri! May laway mo na yung straw. Psh, kainis ka talaga!"

"Pwede na yan, ayaw mo nun? Para mo na din akong na kiss?"

"A-S-A" kapal ne’to.

"Ang cute mo talaga Naomi."

"Naman! Inggit ka nanaman sa mukha ko."

"Hahaha, tara na gabi na oh. Hatid na kita."

"Hindi na mag-taxi na lang ako."

"Ang kulit tara na kasi." tapos hinila niya ako. Parang may naramdaman ako na ewan, antok lang siguro ‘to.

Sa bahay...

"Salamat."

"Di mo man lang ba babanggitin yung pangalan ko?"

"Okay, okay---SALAMAT JASON!"

"Ang sarap pakinggan, isa pa nga."

"Salamat Jason."

"Isa pa.”

"JASON JASON JASON JASON JASON! Ang weird mo." tapos namula siya, may lagnat kaya ‘to? Hinaplos ko yung noo niya saka ung leeg, wala naman pero parang mas namula siya. Ano kayang problema ne’to?

"Ah eh…Naomi, una na ako."

"Sige, bye."

"Sige bye." Ulit niya sa sinabi ko tapos umalis na siya.

To Reach You [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon