- 13 - CHILDHOOD ! (POV NG AUTHOR) XD

440 7 0
                                    

Matagal ng mag-asawa sina Mr. and Mrs. Lee pero nakalipas na ang 6 na taon ay hindi pa din sila nabibiyayaan ng anak.. kaya naisipan nilang mag-ampon na lang..

--

sa bahay ampunan..

"Sigurado ka ba na gusto mo na lang mag-ampon? or susubukan na lang natin ulit.."

"Kung hindi tayo magkaka anak ngayon.. kelan pa? saka ok lang naman na magka anak tayo kahit naka ampon na tayo.."

"Sa bagay.." nahihirapan mamili ang mag-asawa dahil lahat ng bata doon ay masiyahin, mabait at magaganda.. parang gusto na nga nilang ampunin lahat ng biglang may naka agaw ng atensyon ni Mrs. Lee

"Sino po yung bata na yun?"

"Ah yun po ba.. ganyan po talaga siya.. laging nakatulala.. ang lagi lang niyang sinasabi ay ang mga katagang 'mama' "

"Pwede po ba siyang lapitan?"

"Opo naman.." at nilapitan nga ni Mrs. Lee ang bata.. pero wala pa din itong imik.. ni hindi nga niya nililingon si Mrs. Lee

"Hello.."

*sniff.. *sniff..

"Alam niyo po ba kung san nakatira ang mama ko?"

"H-hindi eh.. pero alam mo! pwede ka naming tulungan!"

"Pano po?"

"Aampunin ka namin.. kami na ang magiging mama at papa mo.." sabay turo kay Mr. Lee

"Ayoko po!" iling ng iling ang bata.. "Iintayin ko po dito ang mama ko! babalik siya! sabi niya mahal niya ako.."

"Kung kukunin ka naman ng mama mo eh.. ibabalik ka naman namin.. kung gusto mo.. tutulungan ka naming hanapin ang mama mo habang dun ka samin nakatira.."

"Talaga po?"

"Oo naman.. anu bang pangalan mo?"

"Cheska po.."

"Ilang taon ka na?"

"Five po.."

At simula nga nung araw na iyon.. inampon na nila ang batang si Cheska.. nagkasundo silang magkakapamilya.. naging mabait na bata si Cheska.. sinubukan din nilang hanapin ang mga magulang niya.. kaso wala talagang resulta natutunan na din tanggapin ni Cheska na hindi na nila talaga makikita ang mama niya.. pero patago sa kanyang sarili.. gusto pa rin niya itong makasama.. hanggang sa isang araw..

Riiiiiiiiiiiiiing.. RIiiiiiiiiiiiiiiiing..

"Hello?"

'Mrs. Lee?'

"Speaking.. sino po sila?"

'I'm Dr. Suarez.. may good news po ako..'

"What is it doc?"

'Last 3 months.. nagpacheckup kayo saakin hindi ba?'

"Opo bakit po?"

'Mali yung result na naibigay ko sayo.. ang dapat pa lang sagot dun ay positive.. buntis po kayo ma'am..'

"Kaya pala.."

'Bakit nakakaramdam na po ba kayo ng sintomas?'

To Reach You [COMPLETED]Where stories live. Discover now