- 6.2 - special chapter (the invitation)

633 8 0
                                    

[NAOMI'S POV]

Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, hinaharangan yung pinto. Paano ba naman kasi, sila papa pinapasok si Jason. Kausapin ko daw. Palibhasa, botong-boto sila diyan.

"Kung hindi ka lalabas diyan…"

"Oh ano? Anong gagawin mo?"

"Wala lang, kausapin mo na kasi ako. Bakit ka ba nagkakaganyan?"

"Kinakausap naman kita ah."

"Naomi, susunod daw dito si Prince. May sasabihin daw siya saatin."

"Ano daw?"

"Ewan ko."

"Ate Naooooooooooomi?" binuksan ko agad yung pinto nung narinig ko si Prince kaya bumagsak si Jason. Nakasandal pala siya sa pinto.

"Sorry! Ok ka lang? Sorry talaga."

"Aray ko."

"Sorry talaga. Prince! Help me here please."

"Wala si Prince ditto, ako lang yun." binitawan ko tuloy ulit siya kaya nalaglag ulit siya.

"Bahala ka na nga diyan!" isasara ko na dapat yung pinto pero ang bilis niyang nakatayo. Teka, masakit daw katawan niya ah? Artista ba ‘to? May future.

Hinarang niya yung kamay niya sa pinto. Akala niya ba di ko yan iipitin? Tss…binuksan ko na yung pinto. Oo, di ko kayang ipitin eh. Bakit ba sobrang bait mo diyan sa nilalang na yan ha Naomi?

"Haaay…bubuksan mo din pala eh."

"Bakit ka ba nandito?"

"Wala lang, masama bang bumisita?" tapos humilata siya dun sa kama ko. Aba feel at home? Tinulak ko siya kaya bumagsak siya sa kama.

'Pangatlong beses mo na akong binabagsak ah, hindi mo na kailngang gawin yan…matagal na akong na fall sayo."

"Ha?"

"Wala."

"Alam mo nakakainis ka! Umalis ka na nga dito! Shooo! Alis!"

"Sus, ang sungit. Hindi naman niya tinanggal."

"Grrrr…ALIS!!!" tapos hinabol ko siya hanggang sa mapunta na siya sa labas ng bahay.

"Wag ka ng babalik dito ah!"

"Edi mamimiss mo ‘ko."

"Ang kapal mo din no!”

"Bakit ba kasi ang sungit mo? Kahapon ka pa masungit."

"Ako masungit? Kahapon? Duh…ikaw kaya masungit kahapon!"

"Ako ba? Hahaha…di mo naman tinanggal."

"Grrrrrr!!!"

"Oh relax." inakbayan niya ako.

"BirthDay ni mama ngayon. Tara sama ka, nandun din si Prince sasama daw niya si Angel."

"Oh talaga?"

"Oo, sige na mag bihis ka na."

"Ok naman ‘tong suot ko ah."

"Masiyadong maikli yang shorts mo. Hindi pwede."

"Aba! Bakit sino ka para diktahan ako?"

"Future Husband mo." and he wink at me. I think my heart skips a beat.

"A-S-A"

"Sige na, magbihis na."

Pumunta na ako ng kwarto ko. Bago ako mag bihis tumalon muna ako sa kama ko at nagpagulong gulong. Ewan ko pero, ang bilis ng tibok ng puso ko.

to be continued..

**

VOTE|FAN|COMMENT

To Reach You [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat