Chapter 40 - The Letter

Depuis le début
                                    


"Ikaw ang dahilan ng mga ngiti kong ito. Ikaw rin ang dahilan kong ba't tumitibok ito." sabay turo sa puso.


"I love you, Martinni." he whispered.


And I whispered back. "I love you too."


"Kamahalan. Oras na po ng iyong pagpupulong kasama ang mga lider ng mga ordinaryong mamamayan." tawag ni Trist pagkadating. Agad tumayo ang hari at nagpaalam.


Malaya ko lang tinitingnan ang likod nila habang papalayo.


Time run fast. The world really has its own way of doing things.


Tumayo ako para pumunta sa silid ko. Habang naglalakad ay nadaanan ko ang silid ng dating hari.


Nakatingin lamang ako sa pinto ngunit parang may kung anong nag-udyok sa akin na buksan iyon.


Hindi iyon nakakandado.


Pagkapasok sa loob ay madilim ito at tanging liwanag ng araw na sumisilip sa bintana ang nagsilbing ilaw. Tahimik at malungkot ang kwarto.


Lumapit ako sa bintana at binuksan iyon saka ibinalik ang tingin sa kabuoan.


Maayos ang higaan nito. Isang palatandaan na wala nang nahihiga doon. Mayroon din itong malaking painting ng sarili na nakadikit sa dingding.


Ang bulaklak na naroroon sa lamesa ay lanta na. Mukhang nakalimutan na itong kunin.


Lumapit ako dito upang kunin ang mga lantang bulaklak at lumabas na ngunit nasahid ko ang aklat na nakapatong sa gilid kaya nahulog ito. Agad ko itong pinulot ngunit may nalaglag na nakatuping papel. Pinulot ko iyon at tiningnan.


Isang sulat?


Sulat kamay ito ng hari.


'Para sa aking kapatid, patawarin mo ako, Victor. Patawarin mo ako sa lahat ng pasakit na ipinaramdam ko sa iyo. Ngayong wala ka na, hindi mawala sa isip ko ang ginawa ko sa iyo. Alam kong wala iyong kapatawaran ngunit kinailangan kong gawin dahil iyon ang kasunduan.


Nagsimula ang lahat simula noong ipinakita sa akin ang hinaharap ng malayong kamag-anak ni Ivory. Hindi ko lubos maisip ang maaaring mangyari sa kaharian at bilang hari, nakasalalay sa aking mga kamay na ilayo sa kapahamakan ang kaharian.


Napakabigat na desisyon ang kinailangan kong gawin hanggang sa nakipagkasundo ako sa isang demonyo. Beelzebub ang pangalan nito. Naisip kong ito ang magiging sagot upang mapigilan ang pangyayari sa hinaharap.


Ginawa ko ang mga hiniling niya.


Alam mo ba kung ano iyon? Gusto niyang makita na sinasaktan kita. Gusto niyang makita na pinaparusahan kita. Natutuwa itong makita na habang tumatagal ay tumitindi ang galit mo sa akin.


Patawarin mo ako kung iginapos kita. Ikinulong. Pinusasan at nilatigo. Kinailangan kong gawin para sa kaharian.


Isa iyon sa mga kondisyon na hiningi niya. Kinailangan kitang galitin dahil mas lumalakas ito sa tuwing lumalala ang galit mo sa akin.


Sana maintindihan mo. Ako ang hari at sa akin nakasalalay ang lahat.


Pero gusto kong sabihin sa iyo, na hindi ko ginustong patayin ka at agawin si Martinni. Alam ko sa simula pa lang ang nararamdaman ko ngunit nakita ng demonyo ang pagkakataong iyon upang wasakin ka lalo. Gusto ko nang kanselahin ang kasunduang iyon ngunit kailangan kong isipin ang kaharian. Kawawa ang mga mamamayan.


Ngunit gumuho ang mundo ko ng pinili ni Ivory na kitilin ang sariling buhay. Hindi ko napapansin na nasasaktan na ito masyado. Na hindi na niya kaya pa ang nakikita. Alam naman niya ang dahilan ng lahat subalit hindi na niya kinaya ang sakit.


Wala akong kwentang asawa dito. Pero hindi ako ordinaryong tao. I am the King! I need to think like a king!


Mahirap. Napakahirap. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman kong sakit. Lalo pa ng paggising ko ay nailibing na pala ang labi nito. Sa pagkakataong iyon naisipan kong sumunod sa kanya.


Saka ko naramdaman ang bigat ng pagiging hari. Ngunit hindi pa nagtatapos iyon doon.


Alam mo kung bakit?


Lalo akong binagabag ng konsensya pagkatapos ng gyera ng mapag-alamang nagdadalang-tao si Martinni.


Magkakaanak na kayo!


Ngunit pinagkaitan ko ng ama ang iyong magiging anak dahil sa nangyari. Hindi ko maaaring pabayaan ang bata. Kaya kahit ayaw ni Martinni ay inako ko ito.


Kung magkikita man tayo sa kabilang buhay ay hahayaan kitang gantihan ako. Lahat ng pasakit na pinaramdam ko sayo, ibalik mo sa akin. Hindi ako magrereklamo.


Gusto ko lang ihingi ng patawad lahat ng ginawa ko sa iyo. Hindi ko hinahangad na patawarin mo ako ngunit gusto kong malaman mo na humihingi pa rin ako ng tawad at sana maintindihan mo sa puso mo ang mga pinili kong desisyon.


Patawarin mo ako, kapatid ko.


Hayaan mo at mula ngayon ay maaayos na ang lahat. Natupad ko ang mga kondisyon na hiningi ng demonyo kaya magiging maayos na ang hinaharap ng kaharian.'


Natutop ko ang bibig sa nabasa.


The king is...the king is sorry!


May mabigat itong rason sa mga ginawa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Nalilito ako. Hindi alam ng puso ko ang gagawin. Ang hirap huminga! Sinusubukan kong isipin ang naging desisyon nito habang iniisip ang sakit na nararamdaman noon ng hari.


Muntik ko na din itong mapatay sa galit!


I was wrong.


Agad akong tumayo.


Kailangan ko itong ibigay kay Victor. Kailangan niya itong mabasa!


Mabilis kong tinungo ang kinaroroonan nito.




-------------------

To be continued...

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant