Tahimik syang kumain. I grab the opportunity to tell him kung ano ang ipinunta ko dito.

"Lolo... aalis na po ako sa mansyon." Natigilan sya dahil sa sinabi ko.

"Bakit naman hija? May nagawa bang mali ang mga apo ko?"

"Wala po lolo, gusto ko po kasing mag pokus na muna sa pag-aaral ko at sa tingin ko'y di ko ito magagawa kung mahahati ang atensyon ko."

Kinumbinse ako ni lolo na manatili pero buo na ang desisyon kong umalis. Kalaunan ay napapayag ko ito assuring him na I'll find a place to stay and a source of income.

"Lolo maraming salamat po sa lahat ng naitulong nyo sa akin, lalo na sa pag-aaral ko at sa pagtanggap sa bahay nyo. Tatanawin ko po itong isang malaking utang na loob." I hugged lolo Sebastian before saying goodbye.

I looked at my wrist watch. It's four thirty in the afternoon. I immediately called Celine, asking for help if I could at least stay with her in her apartment just for the meantime. Magbabayad naman ako ng renta. Fortunately, ay pumayag naman daw ang land lady nila.

Walang tao sa mansion nang dumating ako. Agad akong nag ayos ng mga gamit na pinagkasya ko sa isang malaking maleta.
Nilinis ko rin ang kwarto ko. Pagkatapos ay naupo sa kama habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng silid. Pinilis ko ang mga luha.

Kinuha ko ang isang notebook sa bag ko. Pumilas ako ng ilang pahina mula doon. At nag simulang magsulat.

Dwight,

Hoy duwende  mag mature ka na ha. Pumasok ka na rin ng maaga para di ka na nasesermonan ni lolo Baste. Sana marami ka pang taong mapasaya tulad ng ngiting lagi mong binibigay sakin. I'll be missing you!

Forth,

I know you're mad but still I wanna say sorry. I hope wala ka nang babaeng mapapaiyak at magseseryoso ka na. Tsaka matoto ka nang maglaba ng briefs mo huh? para may magamit ka pa :)

Fierce,

Sana mas humaba pa ang pasensya mo sa mga pinsan mo. Tsaka huwag kang masyadong seryoso sa buhay bahala ka mabilis kang tatanda ng maaga niyan.

Zenon,

Huwag kang masyadong antukin. Sige ka pagnagpaulan ng kagwapuhan si Lord tulog ka. Maaga ka na kasing matulog para naman maaga ka naring magising. Sana bumait-bait ka na kay rin Dwight.

Finn,

Next time turuan mo ako ng marami pang recipe kapag nagkita tayo. Huwag mong gugutumin ang mga pinsan mo ha knowing them lagi pa naman silang gutom. Huwag ka ring matakaw sa chicken baka maging bakla ka niyan.

Yuan,

Huwag mong kalimutan yung earphones mo nasa top lang ng study table mo. Lagi mong dalhin ang gitara mo para kapag bored ka uupo ka lang sa ilalim ng puno at magstrum sa gitara mo. Tsaka huwag ka naring matakot sumakay sa ferris wheel kalalaki mong tao takot ka. Always smile kasi hindi mo alam sa simpleng pagngiti mo napapagaan mo ang araw ng ibang tao.

I was about to write the last letter for the person I treasured the most—my bestfriend and knight, but then I heard the beep of their car, a sign that they're already here.

Mabilis kong inilagay sa ibabaw ng kama nila ang mga letter para mas madali nila itong makita.

Dali-dali kong hinablot ang mga maleta pababa. Nakasalubong ko ang ibang vergara kasama si Diane habang nagkukulitan at nagtatawanan at agad kong napansin na kulang sila ngunit ng sandaling lumapat ang tingin nila sakin, their smile fade away.

"Oh Seren, saan ka pupunta? what's happening here? Bakit parang outdated ako?" naguguluhang sabi ni Zenon.

"Paanong hindi ka maa-outdated eh lagi kang tulog" Dwight managed to lighten up the atmosphere.

"S-sige ah k-kailangan ko nang umalis. Salamat sa pagtanggap niyo sakin. Buong buhay kong tatanawing utang na loob ang lahat ng kabutihang ipinakita nyo sakin" hinarap ko si Diane at tipid na nginitian.

"Diane please take good care of them for me"

"Sure yun lang ba?"

Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad at sa bawat paghakbang ko parang mas lalong bumibigat.

Huminto ko at hinarap ulit sila.

"Alam kong sobra-sobra na itong hinihingi ko but please tell Drake that I'm really really sorry and thank you for making me feel special." Tumalikod na ulit ako para itago ang tumakas na luha at ang namumuong hikbi.

Pinagpatuloy ko na ang naudlot na paglalakad.

Sa mga nababasa kong libro kapag umaalis ang bidang babae ay may pipigil dito but in my case wala at dapat hindi na ako naghangad pa na may taong pipigil sakin sa pag-alis because qin this story, I'm not the main character.

Nang makalabas ay umihip ang napakalakas na hangin senyales ng nagbabadyang pag-ulan.

Naghintay ako ng taxi ngunit walang dumadaan kaya naisipan ko na lang na maghintay pa ng ilang minuto ngunit wala talaga.

Napagpasyahan ko na lang na maglakad kahit nagsisimula nang bumagsak ang ulan.

May nadaanan akong waiting shed at naisipang tumigil muna ngunit may mga lalaking nakatambay doon kaya napagpasyahan kong huwag na lang at binilisan ko nalang ang paglalakad.

"Miss miss halika silong ka muna dito at magpainit tayo." Madilim ma'y kita ko ang kakaibang tingin nya sa akin.

"Huwag na po nagmamadali na ako."

Mas binilisan ko pa ang paglalakad nang maramdamang sinusundan nila ako, at sa bawat bilis ng paglalakad ko ay bumibilis din ang paglalakad nila.

Kumaripas ako ng takbo leaving my sandals. Huminto lang ako ng masigurong nakalayo na ako mula sa mga lalaking iyon.

Halos tumalon ako sa gulat nang maramdamang may mahigpit na humawak sa palapulsuhan ko. Mabilis na tumakbo ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Nagsisimula na namang magbagsakan ang mga luha ko.

"M-maawa po k-kay–" Someone pulled me close. Bumaon ang mukha ko sa matigas nyang dibdib. I can clearly hear his heavy panting and loud heart beats.

Kumalma ako ng maamoy ang familiar na amoy nya. Nanuot sa ilong ko ang lavander scent.

"Where do you think you're going huh? Seren?" aniya sa paos na boses.

"Drake.." tanging pagsambit lang sa kanyang pangalan ang kaya kong gawin. Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang sarili sa napipintong paghikbi.

"I'm s-so sorry for treating you bad, for not hearing you out. I'm a jerk Serenity, I am. P-please forgive me..please...please.." Masuyo kong hinaplos ang likod nya to calm him down. Telling him that I'm not mad.

Kumalas sya sa mahigpit na yakap at masuyong ikinulong ang mukha ko sa mainit nyang mga palad.

"Damn it! I missed you so bad baby, so fvcking bad."

Isinandal nya ang noo sa akin at buong pusong hinahaplos ang pisngi ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa mga labi ko.

Kumurap kurap ako dahil ang tagal rumihestro sa utak ko ang ginagawa nya. Napapikit na lang ako ng dahan-dahang gumalaw ang mga labi nya. Di ko mahagilap ang rason kung bakit sa halip na itulak sya ay buong-puso ko itong tinugon.

"Umuwi na tayo," he utter between our kisses.

All my life, I thought that kissing someone under the rain only happens in books yet here I am savoring the bliss it's giving me.

Cinderella and the Seven MastersWhere stories live. Discover now